"Geez. Sa sobrang ganda mo..." Lumapit sa akin si Xyriel at tinuro ang bibig ko. "...pati laway ni kuya nalalaglag. Amazing!!!" Nakangiting saad ni Xyriel.

Sinamaan ko ng tingin si Xyriel.

Lumapit sa akin si Kathryn. "Daniel, let's go." 

"Ma-manika..." Ba't ba ako nabubulol?

"Sheez. Mama, nakakahiya si kuya! Masyadong speechless kay ate Kathryn!" Mahinang saad ni Xyriel kay Mama. "Oo nga, baby! Baka bahain ang bahay sa laway ng kuya mo." Komento ni mama. Aish! Ano ba 'tong dalawang 'to? Pinapahiya ako!

Hinawakan ko ang kamay ni Kathryn. "Aalis na kami!" Sigaw ko at hinila si Kathryn papunta sa kotse. Sumakay siya sa shotgun seat.

Bago ako pumasok sa kotse, napangiti ako.

Sana... maging maayos na ang lahat.

(Kathryn)

"Manika, san ba tayo pupunta?" Tanong ni Daniel. Binatukan ko siya. "Aray! Ba't ka nambabatok? Nagdadrive ako!" Sigaw niya. Hihihihi! Ang cute ni Daniel kapag lumalaki nose niya!

"Nagmaneho ka na agad, hindi mo pa alam kung san tayo pupunta!"

"Eh, wala ka namang sinasabi sa akin, ah!" Sigaw niya. Napangiti ako. Hindi talaga siya si Daniel kapag hindi siya magsusungit. Forever masungit 'yan, eh!

Kinuha ko ang isang papel sa bag ko at ibinigay ito kay Daniel. "Sundan mo 'yung map na 'yan, Daniel. Medyo malayo siya dito kaya gisingin mo nalang ako kapag nandoon na tayo."

Ipipikit ko na sana ang eyes ko pero biglang sumigaw si Daniel.

"Teka! Wag ka munang matutulog!" Aniya Daniel.

"Bakit?" 

"Hindi pa tayo naga-almusal." Saad niya. Hmm, oo nga no. Tumingin siya sa akin. "Ano bang gusto mong kainin?" Tanong niya.

Biglang naalala ko ang commercial ng McDo.

"McDo nalang tayo. Gusto kong i-try 'yung BFF fries! Ang laki-laki tapos feeling ko super duper yummy!" Nakangiti kong sabi. Feeling ko tumutulo na laway ko.

Hihihihihi! Natatakam na tuloy ako.

Makalipas ang ilang minutes, nasa drive thru na kami ng McDo. "Daniel, gusto ko ng Chicken Sandwich tsaka ng BFF fries." Nakangiti kong saad sa kanya.

"Yun lang?" tanong niya.

Barbie GirlWhere stories live. Discover now