Chapter 40: Saranghae

ابدأ من البداية
                                    

To: Elijah
Uhm, are you going to pick up Angelico? Or ipapahatid ko na lang siya?

After masend ay lumabas muna ako sa balcony. Yung balcony namin ay nakaharap sa may gate namin kaya kita dito kung may tao o wala.

Naramdaman ko naman ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko...

Maya maya naman ay narinig kong tumunog ang phone ko.

From: Elijah
Im here sa labas ng bahay niyo

Kaya napatingin naman ako sa may gate. Pinunasan ko saglit ang mga luhang tumulo kanina bago lumabas at puntahan si Angelico.

"Angelico, your daddy's there na. You can go na. Tara na, ihahatid na kita"

Kinuha ko saglit si baby tapos sinuotan ng jacket na may hood. Nagising kasi sya. Baka kasi umiyak pag iniwan namin siyang mag isa.

Bitbit ni Angelico ang mga usual na dinadala niya. May mga damit naman siya sa bahay ni Elijah kaya di ganon ka dami ang bitbit niya. School things lang halos dahil may pasok pa siya bukas.

Paglabas namin ay nakita ko si Elijah na nakasandal sa kotse niya.

"Hi daddy! " tapos yumakap at humalik si Angelico.

Nginitian niya lang ako tapos kinuha niya si Elaine. Niyakap niya ito tapos hinalikan. At tila kinakausap sa mata. At binalik din sakin.

"Mommy, "

Tawag ni Angelico bago pumasok sa kotse.

"Yes? "

"You'll go tomorrow right? "

Tinanguan ko na lang siya bilang sagot at nginitian.

Pagalis nila ay pumasok na kami.

-Friday

"Ate, are you sure you're not going? "

"Sab, hindi na nila mamamalayan yon. Besides schedule ni Elijah ngayon. Ayoko naman na sirain yung araw na to. Pwede naman na wala ang isa sa parents. Im sure Angelico will understand"

Ang kulit naman kasi ni Sab. Hindi porket nagbihis ako ng panglakad ay pupunta ako. Para namang hindi sanay si Sab na ganito din ako manamit kahit nasa bahay lang.

Nagsuot kasi ako ng sleeveless na blue blouse tapos high waist pants na blue na din at I paired it with my 3 inches heels. Nag ayos din ako ng sarili ko.

May aayusin din kasi akong mga paperworks sa office pero dito lang sa bahay. Hindi ko naman itinigil ang pagiging nutritionist ko.

*knock*knock*

"Maam Shine, nasa labas po sila Angelico at sir Elijah. Inaantay po kayo"

At napatingin ako kay Sab na umiiling sakin ngayon.

"Paki sabi po na mauna na sila susunod ako. "

"Okay po maam"

"Ate naman. Sinundo ka na oh papaalisin mo pa"

"Sab ilang beses ko ba sasabihin? Paulit ulit na lang ba tayo? "

"Mommy, " -Angelico.

"Oh Angelico. Diba sabi ko susunod ako. Bakit nandito kayo? Baka malate ka sa school"

"It's just 8am mommy. The event is at 10am. So we went here na para sabay sabay na tayo"

"Baka naman kinulit mo pa ang daddy mo. "

"No mommy. Si daddy pa nga po nag request na pumunta dito eh"

"Okay. Mag aayos si mommy ha. Bumaba ka na. "

"Ate, dalhin ko lang si Elaine sa tatay niya" at tinanguan ko lang.

Paglabas nila ay naupo ulit ako. Yung nakalugay ko na buhok na kinulot ko pa yung dulo ay tinali ko na lang. Baka sabihin pa nila ay nagpaganda pa ako. Nagpabango lang ako bago bumaba.

Pagbaba ko ay nakita ko sa dinning sila Erica at Angelico na kumakain ng donut

Sa may sala naman ay si Elijah na nakatayo habang hinehele si Elaine.

"Tita ninang! Look po oh, tito ninong brought a box of donuts!"

Tuwang tuwa na sabi ni Erica

"Mommy, daddy, are we going na po? Mag na nine am na po" -Angelico

"Yes. " sagot ni Elijah. Kinuha ko na sa kanya si Elaine at binigay kay Sab.

"Ikaw na bahala kay baby ha. Call me if nagka problem"

"Okay ate. Ingat kayo. Enjoy! "

Sasakay na sana ako sa likod pero itinuro ni Angelico na sa harap ako umupo kung saan naghihintay doon si Elijah kasi binuksan niya yung pinto ng kotse.

Habang nasa biyahe ay feel ko ang awkwardness. Nung nag traffic naman ay naisipan kong magtulog tulugan muna dahil ang awkward talaga. Tutal naman ay tulog din si Angelico.

Maya maya pa ay naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko.

"Im sorry Shine for hurting you. I still love you. Sobrang hirap para sakin na mawalay kayo sakin. Lalo ka na. Gustuhin ko man na makasama kayo, I still respect your decision... "

"Alam mo ba, hindi ko magawa na maghanap ng iba. Ikaw lagi yung nasa isip ko.... "

"I love Shine. I will always and forever love you Shine... "

At naramdaman ko na humalik siya sa noo at pisnge ko tapos naramdaman ko din na hinawakan niya ang kamay ko tapos umandar na ang sasakyan.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن