Chapter 38- Break out

Start from the beginning
                                    

Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin alam kung ano ang aking patutunguhan. Wala akong ibang dalang gamit kundi ang suot, bag at sarili ko ngayon.

"Hi Miss!"

"Ang sexy mo naman miss"

"Saan ka galing?"

"Saan ka pupunta? Gusto mo ba ng pampasarap ha?"

"Gusto mo bang sumaya? Mukhang malungkot ka kasi"

Napatingin ako dun sa mga taong nagsasalita. Magkakabarkada sila. Mukhang mga adik. Naku ano nang gagawin ko? Papalapit na sila sa akin. Help me!

Tatakbo na sana ako ng makita kong may tao rin sa likod ko. In short, napapaligiran na nila ako. Huhuhu paano na to? Saan ako hihingi ng tulong?

"Wag na wag niyo siyang lalapitan" napatingin ako kung saan nang gagaling ang boses

"Jerome?" nanlaki ang mga mata ko

"Sino pa nga ba?" sabi niya sakin "Kayo" tinuro niya ang daliri niya sa mga lalaki at nagsi-takbuhan na sila

Tumingin ako sa langit. Gabi na pala. Nangyare na rin to kaninang umaga kaso ang kaibahan lang si Terrence ang nagligtas sa akin kanina at ngayon si Jerome naman.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at lumapit ako sa kanya

Noon ko lang napansin na hindi daliri ang tinuro niya dun sa mga lalaki kundi isang baril.

"Di ba dapat ako ang magtatanong niyan? Anong ginagawa mo dito ng dis oras na ng gabi?"

"Paano ka natutong humawak niyan?"

"Wag mong ibahin ang usapan, teka lumayas ka ba sa inyo?"

Hindi ako sumagot.

"Ah tungkol nga pala dito sa baril self defence ko lang to wag kang mag alala" lumapit siya sa akin at inabot ang isang sobre "Read it" sulat pala ang laman nito

"You should take care of yourself dahil kapag napahamak ka baka hindi ko na kayanin pang lumayo sayo. Wag ka ring malulungkot dahil baka mamaya hindi na ako makapagpigil na balikan at pasayahin ka habang buhay" huling sabi niya at umalis na

Naiwan akong mag-isa sa daan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sana, nandito si Christopher. Sana, hindi niya na lang ako hiniwalayan. Sana, hindi nalang niya ako iniwan. Kasalanan to lahat ng magulang ko alam ko. Kilala ko sila. Hindi naman ako iiwan ni Christopher kung hindi dahil sa kanila. I need an escape.

Sumilong ako sa pinakamalapit na silungan sa daan at binasa ang sulat.

~I know this is too gayish but hindi ko talaga kayang humarap pa sayo. I want to cut this short. I'm so sorry about what happened to us, Me, You and Christopher. I didn't know na hahantong tayo dito. I know hindi sasabihin sayo ng dad mo na may sakit si Christopher. Yes he's sick kaya ka niya iniwan ay para magpa-opera siya. May sakit siya na brain tumor. After the operation, for sure he will have an amnesia. Maaring hindi ka na niya maalala pa kahit kaylan. Maybe you're thinking na kaya ko sinasabi sayo ang lahat ng ito ay dahil gusto kong ayusin o ipaliwanag sayo ang sitwasyon one day na magkita kayong muli at hindi ka na niya maalala, well you're wrong. I'm saying these things sayo dahil ayaw kong umasa ka sa wala.

Mawawala na ako sa tabi mo Yna Velasquez. Babalik lang akong muli kapag hindi mo na kaya ang lahat, kapag...gusto mo ng tumakas sa pinakamalaki, pinakamasama at pinakamahabang bangungot sa buhay mo. I love you Yna.

PS: Bukas na ang kasal nina Benny at Christopher. Too fast right? Kung mahal mo pa talaga siya puntahan mo siya bukas bago ang kasal. 9:00 am ang kasal kaya bago mag 9 pumunta ka na dun. I wont be there kaya lakasan mo ang loob mo. Good bye~

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang nagkasakit si Christopher, na-operahan na siya, wala na siyang na aalala at ikakasal na siya bukas at yun ang kaylangan kong pigilan. Tama si Jerome, wala na siya sa tabi ko kaya kaylangan ko talagang lakasan ang loob ko. Wala rin si Christopher sa tabi ko dahil siya mismo ang kaylangan kong makuha.

"Sakay na" may tumigil sa tapat ko na pulang kotse at ibinaba ng driver ang bintana nito

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"May tumawag saking unknown number at sinabing nandito ka daw sa area na to"

"Terrence Park"

"What? Sasakay ka ba o hindi?"

Author's Note

Yow ma men, ang tagal kong di nagud! Well last 3 chapters nalang. May nakapending pa akong story 2 sila actually tapos malapit ng magpasukan. Kaboom!

When We FallWhere stories live. Discover now