MISSION II:GOING TO ENCHANTED FOREST

Start from the beginning
                                    

Nagtataka akong tumingin sakanya.

"Malapit na? Ang alin?"

"Malapit na maganap ang digmaan. Naghahanda na sila. Aatake sila sa panahong hindi nyo inaasahan" Hinawakan ni tita ang kamay ko "Heavenly, ayokong may mangyaring masama sayo. Ayokong matulad ka sa ama mo. Mag ingat ka lagi, at lagi mong tandaan na lagi lang akong nakabantay sayo"

Unti-unting naglaho si tita Cathy. Unti-unti akong nahilo at agad akong nawalan ng malay.

"Kill! Kill! Kill gumising ka! Kill please wake up" Napabalikwas ako ng tayo ng may marinig akong tumatawag saakin.

Gulat akong napatingin kay Liam na nag-aalala.

"L-Liam? A-Anong nangyari?" Tanong ko

"I don't know, basta nakita nalang kita na nakahandusay dito sa sahig ng kwarto mo. Late ka na kase, nasa main gate na kaming lahat at ikaw wala pa kaya naman nag-alala ako sayo at nagpadisisyunan kong puntahan ka dito. And then I saw you lying on the ground"

Si tita!

Napatingin ako sa singsing na suot ko. Nagtataka ako ng makitang nag iba ang disenyo ng singsing. Kanina kase ay purong silver lang iyon tapos ngayon ay may puting bato na parang perlas na ang nakadikit sa singsing.

(-_-)

Mukang engagement ring tuloy.

"Who gave you that ring?" Seryosong tanong ni Liam. Madilim ang muka nya at mahahalata ang inis habang nakatingin sa singsing na naka suot sa palasingsingan ko.

"Ahm... Ang mahalagang tao sa buhay ko" My tita

"Mahalaga?" Lalong nagdilim ang muka nya.

"Yeah, mahalaga. Miss na miss ko na nga sya"

"Hubarin mo 'yan" Maotoridad na sabi ni Liam "Hubarin mo 'yang singsing na yan!"

"Why?"

"Dahil ako lang ang may karapatang magsuot ng singsing sayo!" Inis na sabi nya

What?! He say what?!

"Ano bang pinagsasabi mo? I don't understand you. Why the freaking hell are you so mad? This is just a ring"

Hindi ko sya maintindihan. Dahil lang sa isang pirasong singsing nagagalit sya. Alien ba sya?

"Kill alam ko namang mali yung ginawa kong pagsisinungaling sayo pero hindi mo naman kaagad kaylangang maghanap ng kapalit ko!!" Now I can feel his anger "Mas lamang ba sya saakin Kill?! Mas gwapo ba sya?! Mas matalino?! Mas matapang?!" Nagulat nalang ako ng biglang tumulo ang luha nya "G-Ginawa ko n-naman lahat Kill. W-Wag mo naman akong s-saktan ng ganito" Parang gripo ang mga luha nya. Walang tigil sa pag-agos.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now