Third person's POV

"Alice!? Ibenta na natin yung ampon mo't sabihin mong mamamasyal kayo! Kabagal mong kumilos, bilisan mo na! Baka pera na maging bato pa!"

"Sandali Rodrigo! At mabuting mapagplanuhan natin ng mabuti. Alam mong matalino ang batang yon baka makahalata't matakasan tayo. Mabuti ng sigurado."

"Siguraduhin mo lang! Kay tagal nating pinalamon ang bata na yon! Oras na para mabayaran niya naman ang bawat butil ng kanin na kinain niya!"

Sa kabilang banda nito ay may mga dalagang nakakarinig ng pinag uusapan ng mag asawa.

"Nako po, si nanay at tatay nagtetelenovela na naman. "

"Like duh, di ka pa nasanay jan sa parents natin. Hoy babae! Your hands are shaking baka ma murder mo my foots!"

"Pasensya na."

Sakit ang rumehistro sa mukha ng dalaga dahil sa paninipa ng kapatid sa kanya.

"Dont iyak iyak nga there, your being maarte na naman."

Mariin nitong pinikit ang mga mata at huminga ng malalim. Pilitin man umiyak ng dalaga ay di nito kaya at di rin nito alam kung bakit.

"Hoy Vina, pinagdidiskitahan mo na naman kapatid natin."

Tipid na ngiti ang suklian ng magkapatid.

"She's idiot kaya twin. Dont kampi to her na nga, I'm your twin kaya dapat side ka sakin."

PUNO ng katanungan ang isip niya kung bakit ganon siya pakitunguhan ni Vina, ang kapatid niyang babae. May oras na sobrang bait nito sa kanya at may oras ding halos hambalusin siya nito ng anumang makita. Samantalang si Vika, ang kambal nito ay napakabait sa kanya. Ito ang laging nagtatanggol sa kanya pag pinagtutulungan siya ng magulang at ni Vina. Pero ito din ang pinaka wirdo dahil minsan narinig niya itong nagsasalita ng kung ano ano lenggwahe.

May isa pa silang kapatid na lalaki na si Veto, ito ang pinakamatanda nilang kapatid na nakahiwalay na ng tirahan dahil meron na itong ka live-in.

Maya maya pa ay may narinig silang kalampog ng plywood na nagmumula sa kabilang kwarto, nag aaway ang mga magulang nila. Naulit pa ang kalampog kaya parang bibigay ang bahay nilang gawa sa pinagtapal tapal na tarpaulin, plywood at yero. Tatlong taon na rin ang nakaraan simula ng lumipat sila sa lugar na ito.

Nagkatinginan silang magkakapatid at sabay sabay na tumayo para awatin ang mga magulang na animo'y dalawang mabangis na hayop na nagsasakitan.

"Nay Tay! Bakit po kayo nag aaway?!"

"Itong Tatay niyo may babae! May kikitain don sa kabilang baryo! Walang hiya ka talaga Rodrigo!"

"Tigilan mo ko Alice! Hindi totoo ang sinasabi ng nanay niyo! Walang akong babae!"

Habang umiiyak ang mga kapatid niya ay lukot lamang ang pilit niyang ipinapaluhang mukha. Ayaw talaga, di niya malaman kung wala ba siyang tear ducts dahil never siyang umiyak.

Napatingin sa kanya ang nanay niya at niyakap siya. Nagulat siya dahil magaspang ang ugali nito pagdating sa kanya.

"Mon, anak"

Nagulat siya dahil tinawag siya nitong anak, kung hindi Mona ay Diamona lamang ang tawag nito sa kanya. Parang sasabog ang puso niya sa saya.

"Dahil ikaw ang pinakamabait kong anak, ikaw ang sumama sakin sa Kabilang baryo."

"Nay naman!"

"Wala nga akong babae!"

Wala na siyang nagawa ng hinila siya ng nanay niya pasakay ng tricycle para pumunta sa kabilang baryo kung saan nakatira ang babae ng tatay niya. Hindi niya malaman kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya, kaba ang nadarama.

Kumalma na ang nanay niya na parang masaya pa dahil nahuli niya itong nakangiti nang tinignan siya. Hindi niya malaman kung bakit hindi siya masaya na nakangiti ito, parang mas lalo siyang kinabahan.

Nakarating na sila sa Brgy. Makinabang ng may kotse na muntik makabunggo sa kanila buti nalang at mabilis naka iwas ang sinasakyan nila.
Nag away pa ang driver ng kotse at tricycle pero nakapag areglo kaagad nang inabutan ng ilang libo. Nang nakita niya yung pera ang biglang nahilo siya at may parang pumasok sa isip niya. Pera, mga lalaking naka suit na may dalang suitcase, nanay niya, siya, kotse at panyo. Nakakakilabot na mga imahe pero alam niyang di kayang gawin sa kanya ng magulang niya kung ano man ang nakita niya.

Maya maya ay bumaba sila sa bandang magubat na parte. Nagtataka siya kung bakit dito dahil wala nang bahay dito puro puno nalang.

"Nay bakit po tayo andito? Nasan po yung bahay nung babae ni Tatay?"

NANG di sumagot ang nanay niya ay tsaka siya lumingon sa likuran niya.

Pagkaharap, panyo ang tumakip sa ilong niya habang nakikita ang isang nakapark na kotse sa harap nila. Naroon ang nanay niya na inaabutan ng bag na puno ng pera. Bago tuluyang dumilim ang paningin niya nakita niyang nakatingin ito sa kanya habang nakangiti, nagawa pa niyang ipalibot ang tingin at nakita niya nga ang lahat ng nakita niya sa imahe.

Academy of Diamonder (The World of Diamonds)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!