Dedicated to JSecret18
"Kaya pala mahiyain si Edrick." Napasabi ko na lang bigla.
"What? Kilala mo si Edrick? Yung anak nila?" Pag uusisa ni mama dahil sa pagkapasaway ng bunganga ko.
"Yes, ma. He is my new classmate." Sagot ko na lang.
"Yes! Tamang-tama! Nagkakilala na kayo ni Edrick. Mas mapapadali yung gagawin mo sa kanya."
"What do you mean, ma?"
"Kasi, nang malaman ko yung kwento nung anak nila, nakiusap ako ng paraan para tulungan siya. Sinabi ko na tulungan mo siya na maka-adjust sa school niyo. Help him to improve, Nica. Not just his grades but his personality also." Nabilaukan naman ako sa sinabi ni mama.
"What?! Ma?!"
"Why anak? Is there any problem about that?"
"Ma, alam mo naman hindi ako nakikipag interact or much as I say nakikipagkaibigan sa mga lalaki, diba? Ano namang gagawin ko doon kay Edrick?"
"Anak naman. 16 years old ka na at manhater ka pa rin. Atsaka NBSB ka pa. Parati mo na lang kasama si Mnymosyne. Hindi ka nakikipaghalubilo sa mga lalaki. Gusto ko lang naman na lumabas ang pagiging feminine mo anak. Hindi ka nag-aayos. Yung totoo, anak. Tomboy ka ba?"
"MA. NO. A BIG NO."
"Yun naman pala eh. So walang problema. Tsaka tutulungan mo lang naman si Edrick. Malay mo magkatuluyan kayo nyan. Alam mo naman na he's the type of man I like for you."
"Ma naman eh!"
"Joke lang anak. So, go upstairs na. I think na may mga assignments ka pang gagawin."
At dito nagsimula ang kuwento namin. Magkaiba kami. Siya ang North Pole at ako naman ang South Pole sa isang magnet.
At kahit anong mangyari, maaatract ako sa kanya at maaattract siya sa akin dahil we are Opposite to each other.
Ready na kaya ako?
Note: This story is full of errors, grammatical or even typographical. The entire story is purely FICTIONAL. Don't expect a professional masterpiece. If you are perfectionist, you may now leave this story. Thank you.
ESTÁS LEYENDO
Secretly Attracted to Mr. Opposite
Novela JuvenilMagkaiba man ang kanilang mundo, Pagmamahalan ba ay maaaring magkatotoo? Sa kabila ng pagkakaiba nila, Puso ba nila'y maaaring tumibok sa isa't-isa?
