"Rain? Is he the same Rain ba?"

          Tumango ako kay Cassie. Naputol ang pagkuwentuhan namin ng tawagin na ang parents ko kasunod ang pangalan ko. Nagpaalam na muna ako sa kanila at nagsabing mamaya na lang namin itutuloy ang kwentuhan.

          Ngumiti ako sa mga taong nadadaanan ko papunta sa stage. Nawala ang ngiti sa labi ko ng may sumalubong sa aking naka tuxedo bahagya akong nakayuko kaya hindi ko kita ang mukha nya.

          Pero parang gusto kong pagsisihan na nagangat ako ng tingin. Sinalubong ako ang tingin ko ng isang asul na mga mata, hindi sya nakangiti pero ang mga mata nya punong puno ng amusement.

          "Mr. Light Rain Walters is going to accompany his future bride."

          Naumid ang dila ko ng marinig ko na tinawag na Rain ang lalaking nasa harapan ko. The guy I always call Adonis in my mind, yung guy na sinungitan ko sa chamber at si Rain ay iisa!

          I wanted to slapped my face dahil palagi kong sinasabi na mahal na mahal ko sya pero hindi ko naman nagawang makilala sya sa una naming pagkikita. He changed a lot. From being the patpatin to well-toned body at wala na rin ang dati nyang salamin sa mata.

          He's wearing gray suit na bagay na bagay sa kanya. Bahagya syang ngumiti sa akin kaya alanganing ngumiti rin ako pabalik.

          "Hi." he said. Spell awkward?

          Of course edi a-w-k-w-a-r-d, like duh. But kidding aside hindi ko na naririnig ang nasa paligid ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Biglang nag flashback sa akin ang nanyari dati.

Flashback.

7 years ago.

          I have to do this. You need to do this, Paris. It's now or never.

          Page-encourage ko sa sarili ko kahit ang totoo ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

          I decided to confess my feeling to Rain. My brother's best friend. Ilang buwan na lang ga-graduate na kasi sya ng college kaya hind na kami masyadong magkikita lalo na kapag hinawakan na nya ang business nila at kapag kumuha sya ng master's degree.

          Ilang beses akong bumuga ng hangin bago naglakas loob na pumunta sa building nila kuya. Bahala na si batman.

          "Excuse me, hi. Itatanong ko lang sana kung nakita mo si Light Walters?" Hindi mahirap hanapin si Kuya and Rain dahil sikat sila rito sa school namin.

          "Parang nasa field sya kanina. Try mo na lang syang hanapin duon."

          Nagpasalamat ako sa kanya bago ako naglakad papunta sa field. Medyo malayo layo yun dito pero in the name of love okay lang.

          Hindi ko maiwasang hindi mangiti ng makita ko si Rain sa ilalim ng puno ng acacia. He smiles ng makita nya akong nakatingin sa akin. Pakiramadam ko tuloy huminto ang tibok ng puso ko ng ngumiti si Rain sa akin.

          "What are you doing here, Paris?"

          "C-can I talk to you?" Napayuko ako at napatingin sa mga paa ko.

          "Sure, upo ka."

          Nilatag nya pa ang panyo nya sa tabi nya para upuan ko. Nag-iinit ang pisngi ko habang hawak nya ang kamay ko at tinutulungan akong maupo.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon