Chapter 3: Switch

Magsimula sa umpisa
                                    

Malamang siguro dahil patay pa ang mga ilaw.

Hinanap ko ang switch ng ilaw kaya lang hindi ko ito makita.

"Prinsesa."

"HOOMAY!!!

"Ano bang problema mo? Bakit ka nanggugulat?!" sigaw ko kay Joon na naaninag kong nakaupo sa may nook.

Binuksan niya ang ilaw tiyaka bumalik sa pagkaupo. "Sorry po. Ang aga niyo namang gumising." Napakamot siya sa ulo niya.

"Ha? Eh..." tinatanong niyo siguro kung anong oras pa, actually, mag-aalas singko pa ng umaga. "Wala lang." Umikot ako sa mga counter para hanapin ang thermos at kape.

"Kape?"

"Ah oo." sabi ko't nagpatuloy sa paghahanap. Nang isa-isa kong buksan ang mga cabinet, may isang bagay na nakakuha sa aking atensyon.

"Hihi." Hindi na ako nagdalawang isip; kinuha ko ang kahon.

Hehe, Koko Krunch.

"Pfft~" narinig kong pigil niya sa pagtawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "O bakit? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng patay gutom?"

Umiling siya tiyaka tumayo. Binuksan niya ang ref at inilabas ang gatas.  Kumuha rin siya ng plato't kutsara. "Kain na." ngiti niyang sabi.

Hindi naman ako naweweirduhang kumain sa harapan niya. Ang weird lang dun ay ang ngiti niya. Ang nakakalokong ngiti niya. "Bakit ganyan ka kung makatingin?"

"Wala. Nakakatuwa ka kasing tignan. Koko Krunch alas singko ng madaling araw. Haha."

And so, nagsimula na ang masayang araw ko. Kumpleto na ito dahil kay, special mention, Koko Krunch.

"I-nyamnyam, ikaw, di ka kakain?" tanong ko sa kanya. Nakaupo lang kasi siya tsaka nakatingin sa akin. Baka sabihin niyong madamot ako sa pagkain.

"Hindi."

Pagkalaan ng ilang minuto, di ko na talaga nakayanan ang katahimikan namin. "Kwento ka na lang kung hindi ka kakain."

"Anong ikikwento ko sa'yo?"

II: A Little SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon