Chapter 3: Switch

68 7 0
                                    

A/N:

Happy Book 2 :)

Hehe. Kamusta naman po tayo diyan?

Chapter 3 po tayo ngayon! Babilis ang pag-update ko ngayon since magsisimula na naman ang pasukan ;)

Sana magustuhan niyo!

PINKFINITE <3

****************

Chapter 3: Switch

Bomi's POV

Hindi ako makatulog nitong mga araw. Pinipilit ko man ang sarili ko, pero walang epekto. Hindi pa rin ako inaantok. Ang dahilan? Hmm...mga tanong na umaalingawngaw sa isipan ko.

What does he want? Ano ba yung punto niya kung bakit niya iyun sinabi?

Pinaglalaruan lang siguro ako ng lalaking iyon. Tsk. Bomi naman, naniwala ka naman.

At ang worst...

Niyakap ko siya.

Nagawa ko lang naman iyon kasi natakot ako. Siyempre, mag-isa pa akong umaalis.

"Tsk." bumangon na lang ako sa kama.

"Hmm. Ate? Hindi ka natulog?" oops. Nagising ko ata si Naeun. Kagabi kasi, pinakiusapan kong matutulog muna ako katabi niya.

"N-natulog. Bumalik ka muna sa pagtulog. Saglit lang ako." paalam ko tsaka kinuha ang jacket ko't lumabas sa kwarto.

Maganda ka kasi.

Maganda ka kasi.

Maganda ka kasi.

"Hay nako! Nasisiraan ka na ata ng bait Bomi." sambit ko sa sarili habang naglalakad.

"Manang?" mahina kong tawag nang pumasok ako sa kusina. Walang sumagot.

II: A Little SacrificeWhere stories live. Discover now