Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman
Bawat ikot ng mahabang kamay sa orasan
Hindi ko alam kung ano ang tunay na kahahantungan
Basta ang laging nasa aking isip ay ang kasiyahan
Dating mga mata'y parang bituing nagniningning
Ngunit sa paglipas ng panahon ay hindi na maihahambing
Damdaming hindi mapigilan maghinaing
Nawa'y sa pag-agos ng tubig sa dagat ay mabawasan kahit katiting
Mga taong nasa paligid ay biglang naging balat-sibuyas
Sa pag-aakalang hindi makakayanan ang bukas
Hangad na maging isang matibay na bato para mabigyang lutas
Ang sakit na walang paunang lunas
Paglipas ng mabilis na panahon ay napakasakit
Namulat sa katotohanang ikaw nga ay maninirahan sa langit
Parang gripo ang mata sa walang humpay na pagluha
Nagtatangis ng sobra,sayong pagkawala
Sabi mo isang tawag ko lang sayo dadating ka
Pero...nasaan ka? Hindi kita makita
Para akong isang batang bulag na nangangapa
Hindi alam kung paano muling magsisimula ngayong wala kana
Pangako mo'y parang isang awitin kung iisipin
Masayang alalahanin,ngunit masakit sa damdamin
Gayunpaman napako man ang iyong mga pangako
Ikaw pa rin ang nag-iisang mahal ko