Sana'y Ako Na Lang

5.8K 48 1
                                    


BAGO NGA PALA KAYO MAGBASA GUSTO KO LANG SABIHIN NA HINDI NA TALAGA REGULAR ANG UPDATE KO KASI PO MAY PASOK NA KO, SORRY SA MGA PANGAKO KO.


I WILL TRY MY BEST NA HARAPN ITO KAHIT NA BUSY AKO KASI PO NAG AARAL AKO.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------






SANA'Y AKO NA LANG



Nilock muna ni Jed ang pintuan ng kwarto niya bago nagtungo sa pwesto niya.Umupo siya sa gilid ng kama patalikod kay Liz. Napayuko siya at napasubunot sa buhok, hindi niya alam kung anong nangyari, kung may nagawa ba siya.

"Meron ba talagang nangyari, bakit wala akong maalala?" tanong ni Jed kay Liz, pilit niyang inaalala pero wala talaga

Wala pa ring kibo si Liz nakayuko pa rin at pilit pinipigilan ang kanyang luha.

"Magbihis kana at kakausapin pa tayo ni Daddy" sabi ni Jed. 

Agad namang binalot ni Liz ng kumot ang katawan at pinulot ang mga nagkalat na damit bago nagtungo sa banyo.

Hindi na nag antay si Jed na matapos si Liz sa banyo, sa kanyang kwarto na siya nagbihis at pagtapos ay lumabas na ng kwarto. Pagkalabas ng kwarto ay nakita niya na ang kanyang Daddy na  nakaupo at nag aabang sa sala.

"Dad" bati ni Jed sa Daddy niya. Nakita niya ang galiit sa mga mata nito nang tumingin sa kanya . Maya maya ay parang naging malungkot na ang mata nito.

"Jed hindi naman sa nakikialam ako sa buhay mo pero si Liz, anak siya ng matalik kong kaaibigan, hindi siya tulad ng ibang babae Jed." mahinahon na sabi ng daddy ni Jed.

"Pero Dad pareho kaming lasing ng mga oras na iyon, wala kami sa sarili, hindi namin alam yung mga ginagawa namin, ni wala nga kaming maalala a ginawa namin eh." sagot ni Jed

"Kahit na Jed, paano nalang kung mabuntis si Liz, at nalamang ikaw ang ama tapos hindi mo pinanagutan, ano nalang ang sasabihin ng daddy ni Liz sakin at sa mommy mo, na hindi ka namin pinalaki ng maayos?. Kailangan mong pakasalan si Liz Jed."sagot ng Daddy ni Jed na medyo tumataas na ang boses.

" Dad mahal ko ang girlfriend ko, si Sophia." mahinahaon pa ring sagot ni Jed

"Yun na nga eh, alam mong may girlfriend ka tapos hindi mo man lamang iniisip ang mga ginagawa mo."galit na sabi ng daddy ni Jed

Guilty PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon