vacation part 2

8K 38 0
                                    

Jed's POV:

Maaga palang andito na ko sa resort's na sinasabi ni mommy, hindi naman ako masyadong naligaw dahil may mga signs naman sa daan kung san patungo.

Mas pinili ko na dito nalan ituloy yung tulog ko.Pagpasok ko namangha ako sa ganda ng tanawin,muka ngang masarap mabakasyon dito lalo na't tahimik ang lugar.

Tumuloy na ko sa malaking bahay na nakita ko..

pagpasok ko may nakita akong isang matandang babae..

Oh iho ikaw ba yung tinutukoy ni Lisa (mommy ni Liz) na magbabakasyon dito? Lika lika pasok ka..

Pumasok ako at namangha sa ganda ng bahay, para siyang mansyon. Siguro nga mayaman yung tinutukoy ni mommy na kaibigan niya..

Ngunit pagkatingin ko sa isang malaking family picture sa gitna nagulat ako. Dahil ang tinutukoy ni mommy na kaibigan niya eh sila tita Lisa yung nakatira sa tapat ng bahay namin, matagal ko ng alam na kaibigan niya si tita Lisa pero bakit di niya sinabing si tita Lisa ung tinutukoy niya..

Inalam ko muna kay manang kung yun nga ba si Tita Lisa yung tinutukoy niya..

Manang ang tinutukoy niyo po ba ay si Tita Lisa Gonzales?-ako

Ayy oo anak , ikaw nga yung anak ng kaibigan niya na tinutukoy niya kagabi-manang

psssshhhh mommy talaga..

Oh sige anak tumuloy ka na muna sa kwarto mo at magpahinga tutal maaga pa naman, eh kumain ka na ba?-manang

ayy opo manang, dumaan po ako kanina sa fastfood para mag almusal :) -ako

oh siya sige magpahinga kana muna at mukang wala ka pang tulog-manang

Sige po mauna na muna ko- ako

Sige-manang

Hindi ko na muna inayos ang mga gamit ko dahil antok na antok na ko, mamaya ko nalang aayusin pag gising ko..

Maya maya ay nagising na ko at sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko..

Guilty PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon