"Eh, malay mo naman maging tayo." Bulong din nito. At halos ma-doble ang kabog ng puso niya sa sinabi nito. Bakit ba ang bilis nitong magbitiw ng joke tungkol sa gano'n nang hindi naaapektuhan, samantalang siya ay sobrang affected? Ngitian siya nito at ginulo ang buhok niya bago binalingan ang pamilya nito. "Magpahinga muna kayo 'Nay, Chasen, kami na muna ang magbabantay ni Reyna kay tatay." Ani Castle.

"Okay lang ba talaga, anak?" anang nanay niya saka bumaling sa kanya.

Mabilis naman siyang tumango-tango sa ginang. "Okay na okay po, tita." Sagot niya.

Magaang tinapik naman ng ginang ang balikat niya. "Salamat, anak," anito na humaplos saglit sa puso niya dahil sa itinawag ng ginang sa kanya. Sa tatlong mga naging boyfriend niya ay wala pa sa mga ito ang nagpakilala sa kanya sa mga magulang ng mga ito. "Kung gano'n ay kayo na muna ang magbantay sa tatay ninyo ha, uwi lang muna kami saglit si Chasen para maligo at magpahinga, babalik din kami agad dito." Nakangiting sabi ng ginang.

"Kuya, ate, kayo munang bahala kay tatay, sige," nakangiting sabi ni Chasen saka nito inalalayan ang nanay nito at sabay ng lumabas sa kuwarto, naiwan na lamang silang dalawa kasama ang tatay ng binata na nakahiga sa hospital bed.

"Magpahinga ka na lang muna sa sofa, Reyna at pagdating nila nanay ay ihahatid naman kita sa condo mo." Ani Castle saka siya hinila paupo sa sofa. "Maraming salamat sa lahat, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina dahil halo-halo na ang nararamdaman kong kaba, lungkot, gulat, takot at lahat na. Salamat sa pagpapalakas ng loob mo sa akin." Anito habang nakaupo siya sa sofa ay nakatayo naman ang binata sa harapan niya habang hawak ang dalawang kamay niya. "Ironic, pero dati ako ang nagpapalakas ng loob nila nanay at Chasen pero alam mo bang sa loob-loob ko ay takot na takot ako na baka alam mo na may mangyaring hindi maganda kay tatay," saglit itong natigilan at lumungkot ang mukha nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang sarap din pala ng may taong handang sumuporta at magpalakas ng loob mo. Ngayon lang ako naramdaman ng kaginhawaan at mas lalong tumatag ang pakiramdam ko dahil feeling ko natagpuan ko ang lakas ko sa 'yo at nakadagdag ka ng lakas sa akin, Reyna at sobrang blessed ako dahil dumating ka sa buhay ko. Mahigit three years na ang pagpapa-dialysis ni tatay at hindi kami kailanman mawawalan ng tiwala kay God na makakasama pa namin si tatay ng matagal na panahon." Anito.

Ngumiti naman siya at tumango. "Nandito lang ako lagi para sa 'yo, Castle. Kung kailangan mo nang tulong ay handa akong tumulong anumang oras." Aniya saka niya pinisil ang kamay nito.

Tumango at tipid na ngumiti. "Mas tatay pa ang turing ko kay tatay Narsing kaysa sa totoong tatay ko dahil si tatay na ang kinakihan kong ama, siya ang sumuporta sa akin at sa amin ni nanay at Chasen at binigyan din niya ako ng pangangailangan ko bilang bata kahit na hirap na hirap na siya noon kaya sinusuklian ko o mas higitan ang kabaitan niya sa akin. Proud na proud ako sa tatay kong 'yan dahil napakabuti niya lalo na kay nanay at mahal na mahal niya kami, kaya mahal na mahal din namin siya, kaya kahit wala ang totoong tatay ko mas sobra-sobra pa ang ipinalit ni God na tatay sa akin. Lagi din sinasabi ni tatay sa akin na hindi daw maganda ang magtanim ng galit sa kanino man kaya ni minsan ay hindi ako nagalit sa daddy ko na nang-iwan kami ng nanay ko ay natuto akong maging mabuting anak at mamamayan dahil kay tatay kaya madami akong pagpapasalamat na dumating siya sa buhay namin."

"At alam ko din na mahal na mahal kayo ng tatay Narsing mo." Aniya.

Tumango-tango ito. "Kapag nagising na si tatay ay ipapakilala kita sa kanya."

Ngumiti siya at tumango sa binata. "Pero nakakahiya kanina dahil hindi mo itinatama ang mga iniisip ng nanay at kapatid mo tungkol sa atin, mamaya hindi ka na magka-girlfriend sa pag-aakala ng iba na hindi ka na available dahil sa akin—"

My Rented Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now