"Hi!" narinig niyang bati ni Castle sa kanila saka ito nakipag-high five kay Augustus.

"Cous, laway mo tumutulo." Natatawang bulong ni Jelly sa kanya. Palihim din niyang kinapa ang gilid ng mga labi dahil baka may tumulo na nga siyang laway doon na hindi na niya namamalayan dahil sa guwapong lalaking nasa harapan niya. "Kumurap ka naman." Dagdag pa ni Jelly sa kanya kaya pinandilatan niya ito dahil baka marinig sila, palibhasa ay nagkaka-kumustahan ang dalawang lalaki. "He's so gorgeous."

"He's like a fictional character in the K-drama; he is very good-looking, cous." Ganting bulong niya.

Nang bumaling si Castle sa kanya ay ngumiti ito sa kanya. "Pasensya na ngayon lang ako, ang traffic kasi." Nakangiting sabi nito.

Umiling-iling naman siya. "Wala pa namang eight PM, e. Okay lang." saka ang guwapo mo, kaya pinapatawad na kita! Pero lihim siyang napailing sa sinabi niya. Kasasabi lang kasi niyang hindi muna siya magpapadala sa ngiti ng mga tulad nito—pass muna siya sa love.

"Tara na dear," yaya na ni Jelly sa boyfriend nito saka na sila nagpaalam para maunang umalis kumindat pa ito sa kanya bago ito umabrisyete sa kasintahan nito.

"Sorry pala Reyna, wala akong sasakyan tulad ni Augustus," nakakamot sa ulo na sabi nito. "Kaya nag-commute lang ako papunta dito at dalhin ko sana 'yong motor ko kaso hindi mo naman bagay sumakay doon."

"Bakit naman?"

"Ang mga bagay sa 'yo ay mga limousine, Ferrari, lambourgini dahil para ka kasing Reyna lalo na ngayong gabi—you are so beautiful." Nabasa niya ang adoration sa mga mata nito at guwapo pang ngumiti sa kanya. Nagulat siya nang abutin nito ang kamay niya at hinalikan sa ibabaw niyon at yumukod ito sa kanya. "Ikinagagalak kong ikaw ang aking makakapareha ngayong gabi, mahal na Reyna." Anito.

Hindi niya napigilang mapangiti. "You also look amazing, Castle." Aniya.

"Thanks." Nakangiting sabi nito. Saglit pa siyang tinitigan nito bago niya ito niyayang umalis para magtungo na rin sa Grand hotel kung saan gaganapin ang batch reunion nila.

Ginamit na nila ang sasakyan niya at syempre pa ay ito na ang nagmaneho niyon. Habang nasa biyahe sila ay nagkakakuwentuhan sila sa kung ano ang magiging set up nila mamaya at kung ano ang mga kailangan nilang gagawin mamaya.

"Basta kunwari ay matagal na tayong magkakilala at nagdi-date. Tandaan mo ayoko sa roller coaster o kahit anumang nakakahilo na rides, cereal ako for breakfast at mahilig sa blueberry cheesecakes, mint chocolate chip, coffee and rootbeer. I love beach, hiking, reading books, red carnations, music, hello kitty and clouds. I also have a Korean drama cds collections."

"Copy." Nakangiting sabi nito. "But I really didn't know that you're an avid fan of K-dramas."

"I-I am." Pag-amin niya. "You should also tell me what do you like and dislike."

"I like rain, beach, extreme rides, I eat anything edible," nakangiting sabi nito. "I also love music; I sing and dance pero ayokong mag-sample, ha." Natatawang sabi nito. "Stress reliever ko ang paglalaro sa computer shop ng starcraft no'ng kabataan ko, ngayon ay mas gusto ko na lang matulog o mag-soundtrip kapag walang trabaho. I dreamt of living in a countryside; 'yong tahimik at presko, I love black and white at kaya kong hawakan ang lahat ng mga hayop except reptiles or any scaly animals."

Natawa naman siya sa huling sinabi nito. "So, hindi ka naghahawak ng isda?"

Tipid itong tumango. "'Yong mga buhay na isda, oo. Hindi ko din alam kung bakit ayokong hawakan sila, e, basta ayoko. Ayoko ding nagpi-play ng keybords kasi gulong-gulo ang isip ko kapag tumutugtog ako niyon dati sa church namin, naging choir member din kasi ako no'ng teen years ko." Natatawang sabi nito.

Tumango-tango naman siya. "Okay." Natatawang sabi na lang din niya. "What do you fear the most?"

Saglit itong natigilan bago sumagot. "I just don't feel like being judged by the people because of the things I do. Luckily, hindi ka gano'n, dahil 'yong mga previous customers ko, feeling nila no'ng ni-rent ako, binayaran na nila ang buong pagkatao ko at kaya na nilang gawin ang lahat sa akin." Seryosong sabi nito, hindi tuloy siya nakasagot dito agad dahil parang nawala ang masayahin na si Castle sa katauhan nito. Bumuga ito ng hangin bago ito nagsalita. "Eh, ikaw?"

Hindi rin siya agad nakasagot. "I hate rejections." Pagtatapat niya. "'Yong pangchi-cheat ng mga ex-boyfriends ko sa akin ay parang rejection na rin 'yon dahil niloloko nila ako at ipinagpapalit sa ibang babae."

"They're bunches of crazy people who let the queen go out of their lives. Ang mga katulad mo ang tipo ng babaeng siniseryoso at minamahal." Seryosong sabi nito.

Na-touch naman siya sa sinabi nito ngunit mabilis din niyang sinaway ang sarili. Hangga't maaga pa lang ay kailangan na niyang pigilan ang sarili na ma-overwhelm sa sinasabi ng lalaki dahil kung hindi ay baka mauwi na naman siya sa pagiging heart broken. Sa una lang naman sweet ang mga lalaki at kapag tumagal-tagal 'yan ay naghahanap rin ng iba lalo na kapag nakakita ng ibang babaeng mas kayang ibigay ang pangangailangan ng mga ito.

Natahimik na lang siya sa kaya muling nagsalita si Castle. "Are you okay?" tanong nito sa kanya.

Tipid naman siyang tumango sa lalaki. "Nasasabi mo lang 'yan, Castle. Pero kapag nakilala mo na ako ay baka ma-bore ka lang din dahil hindi ako kasing fun ng ibang babae kapag kasama."

"Of course not," mabilis na sagot nito. "We've been together for three weeks now and I still wanna be with you kahit matapos na ang one month contract and be friends with you."

"Why?"

My Rented Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now