CHAPTER TWO: Clumsy Girl <3

51 2 0
                                    

CHAPTER TWO

Sam's POV

"Oh ano Sammy baby? Musta na ang buhay natin dyan?" Tanong ni Gabby sakin sabay inom ng vodka.

Nandito kasi kami ngayon sa isang bar na pagmamay-ari ng friend ni Gabby. Dito kami nagpunta kasi hindi pa kami pwede sa mga bar, minors pa eh. Bonding moments daw namin ngayon kasi daw nakapagbonding na daw agad kami ni Ate Mich kahapon. Bakit daw hindi namin sya sinama eh HELLO??!! Siya kaya ang may kasalanan. Tutulog-tulog sya eh. Hahahahaha. Hindi nga nya sinama ngayon si Ate Mich eh, sosolohin daw nya ako ngayon. Hahahaha. Loko talaga tong pinsan ko.

"Gabby, stop calling me Sammy. Ang baduy lang pakinggan ah. And I'm too old to be called Sammy. You can call me Sam or Nicole but not Sammy. Look at me, hindi na ako mukhang maton ngayon. Girly na nga ako eh." Sabi ko sa kanya.

Sammy kasi ang tawag nya sakin nung bata pa lang kami. Boyish kasi ako nun. Hello, what do you expect from me naman diba? Eh si Gabby lang pati yung ibang mga friends ni Gabby na lalaki yung mga kalaro ko dati eh. Buti nga hindi ako natomboy eh. Hahahaha

"Kaw din naman ah. You still call me Gabby, I also told you that it's Gab or Gabriel."

"Eh sanay na akong tawagin kang Gabby eh. Pati cute naman ah."

"Anu naman kayang cute dun? Pangbata kaya yun. Basta, Sammy lang din tawag ko sayo."

"Yeah, whatever GABBY." Talagang pinagdiinan ko yung Gabby sa kanya.

"Chill lang honey. Drink your JUICE para lumamig ang ulo mo Sammy BABY." Asar talaga tong si Gabby. Talagang kelangang i-emphasize ang JUICE at BABY? Eh sa hindi talaga PA ako umiinom ng alcoholic drinks eh. Masama bang antayin ko munang mag-18 ako bago ako uminom ng mga alak na yan?

"Maka-"honey" ka dyan. Sira ka talaga. Pati baby? Ako? Porke di nainom ng alak, baby agad? Di ba pwedeng mabuting bata at anak muna? Pati ikaw din naman ang mananagot kina Daddy eh." Sabi ko sa kanya sabay inom ng juice.

"Pikon agad eh. Sya,di na kita aasarin. So how's life?" Tanong nya sakin.

"Same old, same old. Tulad ng dati, walang pagbabago. Walang thrill ang buhay." Totoo naman kasi. Nakakasawa nga minsan eh.

"Lovelife?" Tanong nya ulit.

"Pagkain ba yun?" Joke ko sa kanya.

"Seryoso Samantha, lovelife?" Seryosong tanong nya. Seryoso yan pag tinawag nya akong Samantha.

"Gabby, alam mo namang matagal ng wala yun sa isip ko. At lalong di yun kasama sa aking mga plano." Seryoso kog tanong sa kanya.

"Pero di ka naman pinagbabawalan nila Tita ah."

"Kahit na Gabby. Ayoko lang may masaktan ako sa huli."

"Ang kinatatakot mo ba talaga eh yung makasakit ka? Baka naman mas takot ka na masaktan ka dahil alam kong alam mo na darating din sa puntong maghihiwalay kayo ng taong mamahalin mo dahil alam mong di kayo ang para sa isa't isa?"

"Ewan ko Gabby. Hindi ko alam. Basta ayoko."

"Hindi mo naman masasabi ang pwedeng mangyari eh. Malay mo, ma-inlove ka na lang basta."

"Kaya hangga't maaari eh umiiwas ako. Iiwas ako hangga't maaga pa. Ayokong ma-disappoint sila Mommy at Daddy lalo na si Lolo." Malungkot kong sabi sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unplanned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon