Prologue and Chap 1

5 0 0
                                    

" mahal?! " sigaw ko sa kanya nung sabihin nyang mahal nya ako.

" oo .." nahihiya pa nyang sambit.

Naging kami pagkatapos ng dalawang taong panliligaw nya.
Masaya naman.. pero di parin maiiwasan ang pag aaway.. kasama na sa relasyon yon eh. Wala na akong mahihiling na kahit ano pa. Napaka swerte ko talaga sa kanya ngunit isang araw....

" Nahihirapan na ako. Parang wala ng spark ang relationship natin." Nakayuko nyang sabi. Aba ! Gago to ah. Pagkatapos ng lahat?! Aba! Di ata ako pwedeng mapahiya. Walang spark? Edi wala. Kakayanin kong wag umiyak sa harapan mong gago ka.

" oo nga" walang emosyon kong sagot.

"Huh? 'Oo nga' yun lang sasabihin mo?" Oo puta ka! Anong gusto mong sabihin ko? Na mahal na mahal pa din kita? Alam mo namang mapapahiya lang ako dahil hindi mo na ako mahal eh? Gagohan gusto mo? Edi sige.

" I'm sorry Hanz, but the feeling is mutual. Nahihirapan ka? Nahihirapan din ako. I'm sorry but i'm seeing someone else. " hindi ko na kinaya ang bigat ng mga luha kong gustong gusto ng bumuhos. Kaya pagkasabing pagkasabi ko non tumulo na agad ang luha ko.

Oo mahal ko sya. Pero di na nya ako mahal.

Kaya ko to. Hindi ko na kailangang sabihin na 'kakayanin ko' dahil simula't sapul.. pinanganak ako mag isa. Kaya kaya ko mag isa.

Buti nalang naisip ko na sabihin na kunwari Im seeing someone else pero wala talaga. It's still him. It's only him.

" I'm glad to hear that. I'm happy for you. Happy break up Carla." Tuwang tuwa pa nyang sabi.

What the fuck?! Can't he see that my tears are falling? How could he still crack a joke when the situation is this hard?!

Well.. maybe sakin lang hard ang lahat. Maybe matagal na nya akong hindi mahal nahirapan lang sya makipag break kaya ngayon masaya pa sya para sakin. Ni hindi man lang nga sya nalungkot o nagalit na may gusto na akong iba. He's so damn stupid! .... I'M SO DAMN STUPID.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti.

From this day.. I'm gonna be happy as i could. I would do my best not to think of him. And I would do my best to move on and have a happy single life.

" Happy break up hanz. " tuwa tuwaan kong sabi.

" uhm. Can we still be friends?" Aba! Pagkatapos mo akong i break? Friends naman ngayon?

" diba your seeing someone else naman na. So siguro ok lang na maging friends parin tayo." Dagdag pa nya.

" yeah sure." Masigla kong sabi.

"Uhm. I should go now. I have a date."
Ngumiti nalang ako at Naglakad na ako palayo at hindi na hinintay pa ang sagot nya.

" Carla!" Sigaw nya.

" what?!"sigaw ko din. Malayo na kasi ako kaya di na kami magkarinigan.

"Goodluck on your date!!!" Ay. Hayop talaga to.

"Yeah thanks!" Sigaw ko at naglakad na.

******
Pumunta ako ng kfc at kumain ng kumain habang umiiyak. Yes i have a date. I have a date with myself for pete's sake! Huhuhu.. bakit and bilis ng pangyayari?! Bakit parang walang nangyari? Bakit parang wala kaming pinagsamahan at ambilis namin na maging ok? Well.. sya ok na. Yun namn ang gusto nya eh. Yung makipag break sakin. Eh ako? Ako yung nawalan! Poor carla...

Mr. Yabang and Ms. TabaWhere stories live. Discover now