"Morning Annie, please kindly cancel my schedule for today. And reschedule those important meetings."

Nakasunod sa akin si Annie habang hawak ang planner nya.

"But ma'am may mga malalaking supplier po kayong ime-meet ngayon."

Napabuntong hininga ako kay Annie saka sya tiningnan. Importante nga ang mga supplier ko pero mas importante ang pamilya ko.

"Annie, I am the boss and please just do what I said."

Mahinahon kong sabi sa kanya pero may bahid na inis. Sanay na yan sa akin at alam na nya kung kelan ako tunay na galit at kung kelan lang ako naiinis.

"Sorry." Nakayukong sabi nya sa akin.

"I'm sorry too." Ngumiti sya sa akin.

Tinuruan kaming mag kapatid ng parents namin na kahit gaano pa kabusy ang trabaho namin dapat palaging unahin ang pamilya. Nadala na sila noong mga panahon na muntikan na akong mamatay ng wala sila sa bahay dahil busy sila sa trabaho nila.

"About our models pala pakisabihan sila na next week na ang photoshoot."

"Got it."

Kinuha ko lahat ng papers na dapat kong icheck at pirmahan pag-uwi ko. Pati na rin ang mga sketches ko na naiwan dinala ko na rin para mapag aralan ko kung alin sa mga ito ang ilalabas ko for next season.

Nagmamadali na ako para makapunta kay mommy and speaking of mommy heto sya at tumatawag na.

"Mommy."

"We're expecting you to be here before lunch, Paris."

"Opo, my. Papunta na po dyaan, dumaan lang ako sandali sa office para kunin ang ibang papers."

Tiningnan ko si Annie and mouthed 'bye I gotta go!' sinamsam ko ang mga dadalhin ko saka naglakad papunta sa sasakyan ko habang kausap pa rin si mommy.

"That's great! I'll tell dad to order our food na."

"By the way mom, what is it all about po ba?"

"It's a surprise. See you here na lang baby. Mag ingat sa pag-dadrive. Love you."

I can hear excitement in my mom's voice ni hindi na nga nya ako pinasagot ng I love you too binabaan nya na ako ng phone.

Mabilis lang akong nakarating sa company nila Daddy and kuya. Sa iisang company lang sila nag tatrabaho though iba ang floor dahil sa position nila. My brother is the CEO habang si daddy naman ay ang chairman and my mom is the head accountant.

"Good morning, Miss." Hindi ko tinapunan ng tingin ang receptionist na bumati sa akin. I don't have time to greet them lalo pa at gutom na ako. Nangangain ako ng tao kapag gutom ako.

I stomp my feet habang nag aantay sa pesteng elevator! Bakit kasi ngayon pa nasira ang private elevator nila daddy. After one decade at last bumaba na rin sya at niluwa ang napakaraming tao.

"Excuse me ngayon lang ba kayo nakakita ng Dyosa kaya ganyan kayo makatingin sa akin?" Tinaasan ko sila ng kilay habang nakahalukipkip.

Napaatras sila ng pumasok ako. Hindi nakalagpas sa akin ang bulungan nila. Like hello?! I can still hear them. Ano akala nila sa akin bingi?!

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora