Bratty Prince's Nerdy princess-Final Part

239 4 51
                                    

Final Part~The love bloomed...FINALLY!  

A day before ng finals, finally, nakauwi na rin sina Papa, Mama at Imouto galing Hongkong. Pagkakita sa akin ni Imouto, kwento kaagad siya sa akin.  

"Nee-chan, grabe, sobrang saya talaga sa Hongkong, lalo na sa Disneyland! Nakita kong magsayaw sina Maykee,Mimi,Ronald, Lazy, Doofy at Plato..."  

"Haha! Hanggang ngayon, di mo pa rin kilala ang mga Disney characters, mali mali pa yung pangalang binanggit mo!"  

"Alah, basta kung sino man sila, wala na akong pakialam sa pangalan nila, basta super nag-enjoy talaga ako!!! Ne~nee-chan, musta naman yung stay mo with Nino-niichan?"  

"Hmmm...Sa una, super awkward, pero nasanay na rin ako..."  

"So...in love ka na talaga sa kanya, nee-chan?...Yihee~"  

"Hindi no?! Hindi ako maiinlove sa katulad niyang B.R.A.T."  

"Weeh~eto talagang si Nee-chan pakipot pa eh! Sige, kwento ka pa..."  

"O,sige...". At doon kinuwento ko sa kanya lahat lahat, mula dun sa paglilinis ko ng kwarto niya, pagsusunog nung gyoza hanggang dun sa pagtulog sa kwarto niya.  

"Grabe lang Nee-chan, dyahe yung pagsunog mo sa gyoza niya, ha?! Pero...YIHEE~ May nangyari ba sa inyo nung natulog ka sa kwarto niya?"  

"WALA, NO! Although sobrang nagulat lang ako nung pagkagising ko, katabi ko na siya. Nilalamig daw siya at hindi naman daw niya maagaw mula sa akin yung kumot gawa ng naaawa raw siya  

sa akin...Pero, walang araw na hindi niya ako inasar!"  

"That's a very positive sign, Nee-chan! Concern siya sa iyo kaya naawa siya sayo...Maybe he's in love with you!"  

"Hay nako, pareho ka ng kaibigan ko, ganun din ang sabi niya sa akin...At sabi pa niya na baka in love na ako sa kanya."  

"Exactly! Aba nee-chan, dyan nagsisimula ang lahat..."  

"PERO IMPOSIBLE!"  

"POSIBLE!"  

"IMPOSIBLE!"  

"POSIBLE!"  

"IMPO...Siguro nga ata...Baka naiinlove na nga ata ako sa kanya...WAAA~Anu ba itong lumabas sa bibig ko! No Way!"  

"Hay nako, Nee-chan, wag ka na kasing pakipot effect dyan! Aminin mo na kasi! Tao ka rin naman di ba?! At tsaka hindi imposibleng mainlove sa ganung kacute na Nii-chan, di ba!?"  

Tumahimik na lang ako, inisip ang complicated na feeling na ito.  

"Mama, Papa, Eri-chan, punta muna po ako sa bahay ni Nino. Kukunin ko lang po ang mga gamit ko doon."  

Pagkarating ko sa bahay ni Nino, nagdoorbell ako, pero text mula sa phone ang natanggap ko. Nakakapanibago lang si Nino dahil busy raw siyang mag-aral kaya pumasok na lang daw ako sa  

bahay niya at bukas naman ang pinto.  

Iniligpit ko ang mga gamit ko dahil pauwi na ako sa amin. Pagkaligpit, kakatok sana ako at magpapaalam kay Nino,pero lumabas kaagad siya ng kwarto at kitang kita ko sa mga mata niya na  

nagulat siya gawa may dala na akong bag.  

"Nino...Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin dito sa bahay mo. Kahit na naaasar ako sa iyo noong una, narealized ko na may good side ka. Galingan mo sa finals bukas ha?! Kailangan  

mong makapasa."  

"Ahhh...Ngayon ka na ba talaga aalis? Anou...ihatid na kita mamaya..."  

"Wag na...At tsaka kailangan ko na ring umalis. Sisimba pa kami mamaya, para humingi ng guidance for tomorrow. Ipagdadasal kita na makapasa ka rin..."  

Bratty Prince's Nerdy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon