Part 16 :: Chasing Mando

2K 76 13
                                    

"Harvey, where you going?!" sigaw ni Prince nang bigla na lamang umakyat sa hagdanan si Harvey at mukhang may hahabulin.

Tumigil saglit si Harvey para sumagot. "Si Mando! I saw him!" Hingal na hingal siya na nakakapit sa railings ng hagdanan. Ang nakita kasi niyang si Mando ay biglang tumakbo nang nagkatinginan sila. Sa isipan niya ay walang duda, si Mando nga ang killer.

"What?! Where is he?!" Hindi makapaniwalang naisambit ni Prince. Nakatingala sila ni Hazen kay Harvey dahil nasa mataas na siya na bahagi ng hagdanan.

"Don't hurt him, Harvey! I beg of you!" Naalarmang sabi ni Hazen naman.

"Hanapin niyo si Je Em!" pambabalewala ni Harvey sa sinabi ng dalaga. Tapos ay kumaripas na siya ng akyat pa sa hagdanan. Sinundan na niya talaga si Mando.

"Harvey!" Gusto sanang sundan ito ni Hazen at pigilan. Alam kasi ni Hazen na kapag nahabol si Mando ay siguradong sasaktan ito ni Harvey. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumbinsido ang dalaga na si Mando nga ang killer. Ayaw niyang maniwala hangga't hindi nakikita ng mga mata niya na si Mando nga ang pumapatay. Ayaw niya talagang mambintang basta-basta.

"Hayaan mo na siya, Hazen. Let's just find Je Em. Come on," pigil ni Prince sa dalaga. Hinawakan nito sa magkabilang balikat si Hazen.

Natuliro na naman si Hazen at nag-unahang nagbagsakan na naman ang mga luha nito sa mga mata. "Pero paano kung mapatay ni Harvey si Mando tapos hindi pala si Mando ang killer?"

Maraming iling ang ginawa ni Prince. "No. Harvey wasn't able to kill. I'm sure he will only ask Mando."

"But what if nga?!"

"Drop it off, Hazen. Hanapin na lang natin si Je Em. Tara na."

Nakagat na lang ni Hazen ang pang-ibabang labi niya na sumunod sa binata.

Sa kabilang banda ay lakad-takbo si Harvey nang makita niya si Mando na tumatakbo rin sa ikalimang palapag ng school building na kinaroroonan nila.

"I'm going to make you pay for what you did with Meiko!" sabi niya sa nagngangalit na boses habang hinahabol niya sa hallway ng building ang kapwa binata at malapit na siya rito. Ang lalaki ng hakbang niya at kuyom na kuyom ang mga kamao niya. Tumataas-baba rin ang dibdib niya sa hindi normal na paghinga. Nagp-flash kasi sa isipan niya ang karumdumal na sinapit na kamatayan ni Mieko kaya parang gusto na rin niyang pumatay.

He will avenge Mieko!

Hindi yata alam ni Mando na sinusandan niya ito kaya laking gulat ni Mando nang hawakan niya ito sa balikat at undayan niya ito ng napakalakas na suntok sa mukha. Napasubsob ang binata sa sahig.

"Hayup kang baliw ka ka! Anong kasalanan namin sa 'yo?! Why did you kill Mieko?!" umalingawngaw sa pasilyo na mga tanong niya. Mas galit na galit siya na pinatayo niya si Mando at muling sinuntok sa panga.

Napaupo at namilipit sa sakit si Mando. Nalasahan na nito ang dugo nito sa pumutok nitong labi.

"You killed Mieko, papatayin din kitang g*go ka!" Patatayuhin ulit sana niya si Mando upang suntukin ulit ito pero bigla ay napaluhod ang binatang wala sa matinong pag-iisip at nagmakaawa.

"W-wala akong kasalanan! It was not me!" Nanginginig ang balisa at takot na si Mando. May dinukot ito sa bulsa nito. "T-tingnan mo sa video! Ti-tingnan mo!"

Halos magsalubong na ang dalawang kilay ni Harvey. "Dine-deny mo pang t*ng ina ka!" Sipa naman ang pinatikim niya kay Mando.

Halos hindi na makaupo si Mando. Sa ulo kasi ito nasipa. Gayunman hindi siya naawa kahit katiting lang. Siya na ang marahas na nagpaupo kay Mando. Kwinelyuhan niya ulit ito.

"Maniwala ka! Hindi nga ako! 'Yung lalaking nakaitim at nakamaskara ang pumatay kay Mieko! Hin—hindi ako!" Hirap man ay natarantang pinindot-pindot ni Mando ang cellphone nitong touch screen. Mukhang may ipapakita ito sa kanya.

Nakuha ang atensyon niya sa cellphone nang iabot iyon ni Mando sa kanya.

"Siya ang pumatay! Hindi ako! Look!" Pagpipilit ni Mando sa cellphone nang hindi pa niya iyong kunin at tingnan. "Maniwala ka! Siya nga!" sabi pa ni Mando. Grabe ang panginginig nito. "Panoorin mo kasi! I saw him! Pinatay niya si Mieko at saka 'yung mga guard!"

Napatitig na si Harvey sa cellphone. Saglit ay patulak niyang binitawan si Mando pagkatapos niyang kunin ang cellphone. Muntik pang masubsob ulit si Mando sa sahig.

"Play mo dali," nangangatal ang buong katawan ni Mando na utos nito sa kanya nang wala siyang naging kilos.

Matalim muna ang tingin niya kay Mando bago niya sinunod ito. At hindi pa man nagtatagal ang pag-play ng video ay unti-unti nang nanlaki ang mga mata niya.

Sa video ay makikitang pumasok sa pangbabaeng comfort room si Mieko, doon sa second-floor ng school building. Tapos ay isang lalaking itim lahat ang kasuotan at may maskara ang makikita sa video na sumulpot. Nakasumbrero rin ang lalaki at naka-jacket ng itim. Tumayo ang lalaki sa labas ng pinto ng comfort room na para ba'y hinihintay si Mieko na lumabas doon.

"Sh*t! Paano mo nakuhanan 'to?" tanong muna niya kay Mando habang inaantay ang susunod na mangyayari sa video. Nanginginig ang kamay niya na hawak ang cellphone.

Napahawak ang dalawang kamay ni Mando sa leeg nito. At para na ito talagang mababaliw na nagkuwento. "Iihi lang sana ako kanina. Tapos... p-pagbaba ko nakita ko ang lalaking 'yan na papunta rin sa CR. Kakaiba ang hitsura niya kaya sinikap ko na hindi niya ako mahalata o makita. Nagtatago ako habang pinagmamasdan siya. Tapos... tapos nakita ko rin si Mieko na patungo sa CR ng mga babae. Napansin ko na nagtago ang lalaki kaya kinabahan na ako. Hindi ko alam bakit ko naisipang i-video sila pero ginawa ko kaya ayan. Makikita riyan ang totoong nangyari. Siya ang pumatay kay Mieko."

Sinugod ulit niya si Mando at muling kwinelyuhan. "Why you didn't help her?!"

Siya naman ang tinulak ni Mando. Nakabawi na ito ng lakas. "Hindi pa ako nababaliw nang tuluyan para ipahamak ko ang sarili ko!"

Saglit na naglaban ang masamang tinginan nila ni Mando.

"Okay, ginusto ko naman pero natakot ako talaga, eh. Ano bang laban ko sa lalaking 'yan? Sige nga?!" mayamaya ay sabi ulit ni Mando na naiiyak at balik parang baliw na naman.

Napahilamos naman si Harvey sa mukha. Saglit ay naunawaan niya si Mando. Oo nga naman, anong laban nito? Eh, halatang mapanganib ang lalaki sa video.

"Sino 'tong lalaki?!" tanong na lang niya na pinilit huminahon kahit na dumadagundong na ang matinding kaba sa dibdib niya sa halu-halong emosyon. Hindi niya makilala ang lalaki dahil nakatalikod ito sa video.

"H-hindi ko nakilala kasi nakasumbrero siya at nakamaskara."

"F*ck!" mura na niya. Muli siyang natahimik nang makita niyang bumukas na ang pinto ng CR sa video. Lalabas na si Mieko. Tulad nang inaasahan ay makikita ang pagkabigla ni Mieko sa video. Nagulat ito sa lalaking nabungaran sa labas ng pinto. Bumuka ang bibig ni Mieko. Malamang ay tinanong ng dalaga kung sino ang lalaki. Sa isang iglap, imbis na sagutin yata ng lalaki si Mieko ay bigla na lamang hinawakan ng lalaki sa leeg si Mieko at tinapyas ang labi ni Mieko gamit ang kutsilyo.

Hindi gaanong malinaw ang kuha ng video pero napaduwal pa rin siya konti sa kinalabasan ng nguso ni Mieko.

"Sh*t!" Iniiwas na niya ang tingin sa pinapanood. Halos hindi na niya kayang ituloy na panoorin ang video pero hindi na rin pala kita ang sumunod na nangyari dahil itinulak na ng lalaki si Mieko papasok ng CR at doon pinatay.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now