Natulala ako nang maalala ko iyong nangyari sa loob ng sasakyan ni Kuya Commulus. When Clicko kissed and we almost made out inside the car. So that was also a pretend? Lahat ng iyon? The kisses, the hugs, the words are all pretend and fake, ganoon ba?

Bigla akong nainis sa sarili kong iniisip at sa nakikita ko ngayon. Mabilis kong kinuha ang damit at towels na gagamitin ko mamaya at mabagsak na isinara ang locker ko. The hallway where the lockers are too masikip so kahit anong ingay ang lalabas ay nage-echo iyon at nagba-bounce back lang sa lahat ng corners dito.

Nagulat silang dalawa at natigil sa paghahalikan. Agad na inayos ng babae ang kanyang sarili habang iginagala ang tingin sa paligid. Dumapo ang tingin nilang dalawa sa akin. The girl looked shocked pero ang hayop na si Jamal ay ngumisi lamang sa akin at kumaway pa. I rolled my eyes at him at tumalikod na.

What a freaking fuck boy.

Hindi na ko na tiningnan kung tumigil ba sila or pinagpatuloy nila ang PDA nila doon. Padabog akong naglakad hanggang sa may naramdaman akong kamay na umakbay sa akin. Iritado kong nilingon iyon at nakita ang nakangising si Jamal. Agad ko siyang siniko sa tagiliran kaya napatigil siya sa paglalakad habang napapasigaw sa sakit pero tumatawa pa rin.

"Aww! Easy baby. Selos ka naman agad." Aniya habang sumasabay na ulit sa paglalakad sa akin.

"Alam mo kung hindi lang talaga ako naunahan ni Clicko liligawan talaga kita." Seryoso na sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. He genuinely smiled at me.

Well, Jamal doesn't look bad. Naalala ko sa kanya si Zayn Malik iyong miyembro ng sikat na boyband dati. Half Pakistan din kasi itong si Jamal. May katangkaran at matipuno ang katawan. Matangos ang ilong, mahahabang pilik mata at may prominent na jawline. Kaya siguro madali siyang nakakadale ng mga babae dahil bukod sa magaling siya mambola ay gwapo din naman siya.

"Babastedin din kita! Ano? Ikikiss mo ako diyan lang sa tabi-tabi? Ano ako cheap?" Sigaw ko sa kanya kaya tumawa naman siya.

"Heanndra hindi ko ginigirlfriend iyong mga babae na iyon. Sila lang yan, they know that I don't like to be serious with them." Sagot niya at yumuko pa na parang nahihiya.

Tarantado! Anong ibig niyang sabihin? Na trip lang nilang makipag make out sa kanya dahil kating-kati silang mahalikan at mahawakan? I don't even understand the concept na nagpapagamit ka sa isang tao para lang mapunan din ang needs mo. I don't even know if "needs" din talaga ang tawag doon. Imposible naman na walang attachment na mangyayari kapag ganoon na ang ginagawa ninyo. I'm sure may mahuhulog din at may masasaktan kapag nagkaiwanan na.

Gusto kong suntukin ang sarili ko sa mga sinasabi ko. Parang hindi rin ako nakapagdesisyun kanina na magpapagamit ako kay Clicko para maabot niya ang gusto niya. Wala nga akong makukuha sa kanya kung sakali mang totoo iyong sinabi ni Kiana.

"Shut up Jamal. I don't want to be one of your girls. Please lang." Nandidiri na sabi ko kaya naman ginulo niya ang buhok ko at tumawa.

"I know you wouldn't believe what I said. It's okay you're not available anyway but I wanted you to know that you will never be one of those girls. Trust me, you deserve the best."  Seryoso na sabi niya at naunang naglakad sa akin. Natigilan ako at pinanuod na lang siya na pumasok na sa HQ.

Napalunok ako doon. I deserve the best, pero bakit hindi ko makita iyon tuwing naiisip ko si Clicko? My mind is clouded at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko siya mamaya.

Natigil ako sa pag-iisip nang dumating na ang ibang kasamahan namin at umingay na ang paligid.

Nasundan ko ng tingin si Aro na pumasok na sa loob ng HQ. Bigla akong kinabahan. Oh shit nandito na rin si Clicko malamang. Okay let's take it easy Heanndra. Tatanungin mo lang kung totoo ba lahat ng sinabi ni Kiana.

A Rebel Heart (#1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum