Wakas

5 1 0
                                    


'I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me...'

Kagaya ng dati ay parehas pa din ang reaksyon ko sa tuwing naririnig ko ang kanta ni Ed Sheeran na 'Perfect'. Napapangiti ako at pakiramdam ko sumasayaw ako sa gitna ng isang malawak na lugar.

'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow,
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine...'

"Can I have this dance?"

Napatingin ako sa may-ari ng kamay na nakalahad ngayon sa harapan ko.

Si Celo, nakatuxedo.

Graduation Ball ngayon. Three years na ang nakalipas buhat ng huli kaming magkausap. Ang tagal na din pala, graduate na kami  ng Grade 12.

Nginitian ko siya.

"Sige."

Magkahawak kamay kaming naglakad sa gitna ng dance floor at sumayaw sa saliw ng awiting hiniling ko dating patunugin kapag nagsayaw kami ni Celo. Pero nang oras na pinatugtog yan sumagot na ng 'oo' si Patricia sa kanya. Hindi kami nagsayaw at naging sila.

'Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass,
Listening to our favourite song
When you said you looked a mess,
I whispered underneath my breath
But you heard it,
Darling, you look perfect tonight..'

"Kumusta ka na?" Panimula niya pagkatapos ilagay ang mga kamay niya sa bewang ko. Ngumiti ako.

"Ayos lang."

"Halata naman."

Hindi ko pinansin ang sarcasm niya at patuloy na nagpadala sa ritmo ng kanta habang sumasayaw kami.

"Tapos na tayo ng Grade 12. Saan ka magka-college?"

"Hindi ko pa alam."

'Well, I found a woman, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home
I found a lover to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own..'

Napapikit na lang ako dahil sa ganda ng mensahe ng kanta. Pero hindi para sa akin ang linyang narinig ko. Someday may taong magsasabi niyan at ipaparamdam sa akin na takot siyang mawala ako dahil gusto niya akong maging bahagi ng buhay niya.

One day, may lalaking darating sa buhay ko at ipaparamdam niya sa aking higit pa ako sa sobra.

"Galit ka pa din ba sa'kin Jo? Sorry kung naging insensitive ako dati. Hindi ko naisip na baka nga nasaktan kita. Sorry talaga, walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko dahil hinayaan kong mawala ang pagkakaibigan natin. Sorry dahil hindi ko naibalik ang pagkagusto mo sa akin at nasaktan kita. Nagsisisi talaga ako."

'We are still kids but we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes e this
Darling, you look perfect tonight..'

"Sorry din dahil bigla kitang pinalayo. Nalilito ako, natatakot akong masaktan ko pa lalo ang sarili ko kapag hinayaan kong mapalapit ka sa akin."

Parehas kaming napabuntong-hininga. Sayang talaga.

"Kayo pa din di'ba? Wow, stay strong sa inyo."

Ngumiti siya at nagpasalamat. Halata naman sa kanya na mahal na mahal niya si Patricia.

Ngayon, masasabi ko nang masaya ako para sa kanila.

"Okay lang naman sa'yo na ganito tayo di'ba? Okay naman tayong magkaibigan di'ba? Ano sa tingin mo Jo?"

Nagkatinginan kaming dalawa.

'Baby, I'm dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favourite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect,
I don't deserve this
You look perfect tonight..."

Ngumiti ako sa kanya. Tatlong taon na ang lumipas pero hindi ko pa din nakakalimutan ang mga alaala naming dalawa. Yung pagpasok namin ng sabay at pag-uwi, yung kulitan, asaran, harutan at tulungan naming dalawa. Marami akong nakilalang bagong kaibigan pero walang papalit sa kanya.

Siguro nga mas better kung ganito.

"Oo naman. Partners tayo di'ba?"

Ngumiti siya at halos maiyak na siya.

"Matagal kong hinintay ito. Matagal kong pinlano kung paano humingi ng tawad sa'yo at ngayong nandito na tayo gusto kong maiyak dahil namiss kita ng sobra kahit magkalapit lang tayo. Jo, sorry sa lahat ng nagawa ko. Promise, hindi na ako pa-fall. Pwede pa naman tayong friends di'ba? Can we still be friends, Jo?"

Buong puso ko siyang nginitian bago sumagot. Hindi will you be my girlfriend pero friends naman, okay na yon.

"Oo naman, we can still be friends Tatang."

Malalaman lang naman natin ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito.

Malalaman natin na mahalaga ang isang bagay kapag handa tayong magsakripisyo mapasaya lang sila kahit ang kapalit nito ay ang pagkadurog ng puso natin. Tama nga sila, love is sacrifice.

Niyakap ako ni Celo at sa oras na yun ramdam kong kahit madaming nagbago ay kami pa din ang dating magkaibigan na handang isantabi ang lahat para bumalik sa dati.

I wish no more than that, sapat na ito sa akin.

"Celo, pwede ko ba siyang isayaw?"

Napatingin kami sa lalaking nasa gilid namin at nakangiti sa akin.

Nagkatinginan muna kami ni Celo bago niya bitiwan ang kamay ko at tumango.

"Oo naman."

Kinuha na ng lalaking hindi ko kilala ang kamay ko palayo kay Celo. Pero ang tinginan naming dalawa ay sapat na para maintindihan ang sinasabi niyang, 'Go Jo, chance mo na ding maging masaya.'

Maybe, we are really destined to be friends forever that's why I'm playing my role in your story and that is to sacrfice my love just to save our friendship.

And friendship, hmm, not bad? Isn't it?

Na-friendzone pero hindi naman kinalimutan. Okay na din. Oh paano, hanggang dito na lang?

- W A K A S -

∆ Poseidon's ∆

Can We Still be Friends?Where stories live. Discover now