Chapter 2 - Someone Else

5K 134 1
                                    

"What's with the sad face, babe?"

That's Elvis. Nasa aking bahay kaming dalawa at nanonood ng Hunger Games : Catching Fire. Paborito niya kasi si Jennifer Lawrence kaya wala itong kasawaan kahit ilang beses na naming napanood ang palabas na iyon.

"Nothing babe. Will you be staying for the night?"

I tried my best to focus my attention to my boyfriend. Hanggang ngayon kasi, hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kanina.

Damn that woman!

I shook my head at nagsumiksik pa lalo kay Elvis. He held my tight and made me rest on his arms. That's one of his gestures that I consider sweet. Despite of his manly physique, Elvis is very showy and vocal when it comes to his emotions.

"I don't think I can, babe. I need to go back to the site to check on the supplies."

Mabilis akong napatingin sa wall clock na nasa harapan namin.

"What? It's already seven-thirty babe! Masyadong gabi na kung pupunta ka pa sa office nyo."

Of course. Sinong magpapanic e halos asawahin na ni Elvis ang opisina nito. Out of 24 hours in a day, yung 2 hours lang ang kaya netong ibigay sa akin. Parang kailan lang, nasa akin ang buong atensyon niya. Walang kahati, walang kaagaw.

Maybe, things are really meant to change.

"It's okay babe. Andoon naman mamaya si Dad. We'll do the checking together. Mas maganda kasing personal kami at hands-on sa ganitong bagay."

I heaved out a sigh. This is one of the things I consider an issue for both of us. Hindi ko kasi talaga maiwasan na magtampo sa kanya kapag nararamdaman kong mas priority niya ang trabaho. But well, he never made me feel unlove naman kaya siguro kelangan ko pa ng mahabang pasensya.

Aside from his busy schedules, Elvis is just perfect.

Tumango nalang ako para hindi humaba pa ang usapan. Ayoko namang pati ito ay pagtalunan pa namin.

We ate with gusto before he bid me goodbye and kissed me on my forehead. Half an hour after he left, nasa sala pa rin ako at nanonood ng paborito kong series na How To Get Away With Murder nang maramdaman ko ang malalakas na hampas ng hangin kasabay ang pagbuhos ng ulan.

Bungalow style ang bahay ko, a gift from Dad at dito lang din sa subdivision kung saan din nakatayo ang bahay namin, just few blocks away. Safe naman at very secured ang security kaya okay na ako kahit mag-isa lang. At least, I'm living in my dream house with my dream independence.

One hour later, hindi pa rin tumitila ang ulan although hindi naman ganun kalakas. Nagtext si Elvis na baka dun na lang din sila magpalipas ng gabi sa site in case na lumakas daw ang ulan mamaya, which is good so I agreed. Kesa naman mapahamak ang boyfriend ko at ang Dad niya.

The rain's still pouring, medyo malakas na and I was about to go to bed when I heard my doorbell rang. Nasa gate iyon kaya malakas ang tunog ng doorbell para marinig agad ng tao sa loob.

I glanced at the wallclock and saw that it's almost ten, contemplating whether to open the door or not.

Tatlong beses pa tumunog ang doorbell, tanda na iritado na ang nasa labas. Malalim ang gabi at malakas ang ulan, I'm not really that sure if it's safe to open the gate. Then I heard my phone beeped.

Open the door.

It was from Vannah. I hurriedly grabbed my umbrella, not minding if I'm on my pj's and went outside to open the gate. Only to find out my bestfriend Vannah, unconscious and lying on the arms of the woman who's been bugging my thoughts for hours since the first time I saw her, both of them soaking wet.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon