Wish of the Brightest Star

4 3 0
                                    

Ang gabi'y palaging kasiyahan ang hatid sa tuwing napagmamasdan ang matitingkad at maniningning na mga bituin. Bituin na inilagak sa madilim na langit upang magsilbing tanglaw at pag-asa sa nakararami.

"Woah! Nay! Nay! May shooting stars po oh! Wow! Ang ganda. Hiling tayo Nanay."

Sa tuwing ipinipikit ang mga mata, kami'y lubos na umaasa na aming mga hiling na iniuusal ay sana'y madinig at mabigyang pansin talaga.

Liwanag na nagmumula sa langit ay hindi maipagkakailang palaging ginhawa at kasiyahan ang hatid sa tuwina.

Marahang hinahaplos ng Ina ang buhok ng kaniyang munting anghel habang masayang nakatingin sa itim na kalangitan na puno ng bituin at maliwanag na buwan.

Bakas ang pagkamangha at pangangarap sa mga mata ng batang babae habang nakatingin sa itaas mula sa bintana ng kanilang munting tahanan.

"Ang ganda ng mga bituin pati na ng buwan Nanay."

Tumingin ang bata sa kanyang Ina ng may kagalakan.

"Tunay na napakaganda at tingnan mo't kumikutikutitap ang mga bituin na parang ika'y binabati ng isang magandang gabi, Mahal ko."

Nadagdagan ang tuwang nadarama ng bata sa sinabi ng kaniyang ina. Mas pinagmasdan niya ang mga bituin at lalong pinakatitigan ang buwan.

"Nanay sabi mo may hiling din ang mga bituin? Pano yun Nanay? Hindi ba nila kayang tuparin mga sarili nilang hiling?"

Sumilay ang ngiti sa labi ng Ina habang niyayakap ang kanyang anak sa kanyang tabi sa higaan.

"Mayroon anak ko. Mayroon ring sariling hiling ang mga bituin. Ngunit, tandaan mong hindi lahat ng hiling ay natutupad at nabibigyang pansin. Para iyong mas maunawaan dinggin mo ang kwento ng pinakamatingkad na bituin."

Mga tenga ay bukas at handang makinig hanggang sa katahimika'y  tuluyang bumalot at maghari.

Sa paglaki'y nangarap ng lubos na nauwi sa matinding pagkaupos. Hiling na pikit matang iniusal ay tila punyal palang tatarak sa dibdib sa paglaon.

Wish Of The Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon