Love, ngayon ko rin na-realize na minamahal din pala ang sarili.

Sabik na sabik akong nagbalik sa mini-city. May nag-escort pa sa akin mula sa aming defense ministry. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil hindi ko expect na ganito kadami ang sasalubong sa akin. Kamusta naman yung mga nang-mamaliit sa akin noon dito pero binalewala ko na iyon. Bago ako magbalik dito, pinag-aralan ko munang isantabi ang pride sa isip ko. Na nagbalik ako dahil gusto ko ang aking propesyon at na-miss ko rin ang aking mga estudyante.

Magmula ngayon, hindi na ako ma-oofend kapag minaliit pa rin nila ako. Kilala ko na kasi ang aking sarili. Na capable pala akong lumaban at mag-survive, sila ba, kaya ba nila ang ginawa ko sa Earth? Gusto kong maging humble at the same time. At gusto ko na rin makita si Pako.

Pagbukas nang higanteng space ship na korteng hipon ay dumaan ako sa buntot nito na nakasayad sa lupa. Na-sorpresa ako dahil tumalon kaagad si Pako sa akin. Na-alerto pa nga ang mga nag-escort sa akin buti nalang nakapag-explain agad ako sa kanila. Nag-sparkle ang mata ni Pako na halos ayaw nang bumitaw. Niyakap ko siya nang mahigpit at binitbit habang dahan-dahan akong tumapak sa lupa. Masaya akong sinalubong nang mga nag-aabang na crowd sa akin.

Yung pinunong guro namin na lalake ang nangunguna. Suot niya ang kulay dark green na robe na siyang kasuotan naming mga guro. Pati pananamit namin dito sa Xyleveria, regulated at color coded base sa propesyon at antas. Kaya nga nakaka-aliw lang yung mga sinusuot ko sa planetang Earth, kasi paiba-iba siya.

Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa ulo at nag-bow sa akin tanda nang paggalang. Sumunod ang maraming mga ka-guro ko na maayos na naka-pila sa right side. Naka-hiwalay ang mga estudyante na nasa left side. One foot apart ang line formation nang lahat. Iyon kasi ang number one panuntunan nang mini-city, order and discipline. Kahit hindi ko masyadong makita ang aking mga estudyante dahil nasa dulo sila nang formation ay batid kong masaya at proud sila para sa akin.

No need nang magmayabang walang magandang maidudulot ito sa akin. Nilagay ko rin ang aking kanang kamay sa aking ulo at nag-bow sa lahat. "Mahal ko kayong lahat!"

Natahimik ang lahat sa sinabi ko at nagkatinginan. Nagbubulungan sila dahil alam kong hindi nila ako na-gets.

"Yun kasi ang natutunan ko sa Earth, pagpasensyahan niyo na," saka palang sila tumango.

Magmula nang bumalik ako sa normal kong pamumuhay dito sa aming planeta, para akong naninibago. Malakas kasi ang naging impact nang mga natutunan ko sa planetang Earth. Nang maranasan ko yung personal attachment sa planetang iyon doon ko na-realize, ang cold pala ng planeta namin. For the first time naramdaman ko ang kalungkutan kahit na't itinuring akong bayani ng aking grupo.

Binigyan nila ako nang isang heroic welcome gaya nang aking inaasahan. Balak pa nga akong ilipat sa isang espesyal na living quarter pero tinanggihan ko iyon. Mas hinahanap-hanap ko pa rin kasi ang aking tirahan dahil dito ako bumuo nang mga pangarap. Tinanggihan ko rin ang lahat nang mga privileges sa mini-city. Gusto kong mag-set nang magandang example sa mga ka-guro ko lalong-lalo na sa aking mga estudyante.

Kung noon walang pumapansin sa akin dahil maliit ang tingin nila. Ngayon ganoon pa rin dahil ang dahilan na-intimidate naman daw sila. Pero hinayaan ko nalang at pinagpatuloy muli ang aking buhay. Hindi na ako masasaktan kung ayaw pa rin nila sa akin. Marami akong naging kaibigan after nang journey kong ito at hindi na mahalaga kung ipilit ko pa ang aking sarili na magustuhan nila ako. Mas naging malapit nalang ako sa aking mga estudyante.

Isang araw nasa kalagitnaan ako nang pagtuturo nang biglang lumitaw ang 3d hologram nang aming pinunong guro. "Erier pumunta ka rito sa office ko, may bisita ka ata,"

Bisita? Nag-iisa lang daw siya kaya hinuhulaan ko kung sino siya sa limang naging kasama ko sa misyon. And it turns out na si Alta pala ito. Na-sorpresa ako sa pagbisita niya, pinayagan kami nang pinunong guro na makapag-usap nang matagal.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon