[32] The Other Scene

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo na ako at hinarap sila. “HOY, dalawang babaeng mukhang talampakan ko!” I yelled at them.

Naglakad ako sa harapan nila since nakaupo sila sa bench.

“Ahhmm. Are you reffering to us?” Sabi nung isa habang tinuturo ang sarili niya.

“Yes, absolutely!” I raised an eyebrow.

“How dare you to call us like that!” gossip girl2

“Yeah I just did! Will you please stop talking about Gail?! Nakakarindi. Nakakaamoy kasi ako ng insecurities eh.” Then I crossed my arms.

Tumayo na rin yung dalawa.

“You! Ang kapal naman ng mukha mong sabihan kami ng ganyan?! Who do you think you are?” gossip girl 1

“Oo nga, who do you think you are?!” gossip girl 2

And now we’re making another scene. Kanina yung scene nasa cafeteria, ngayon nasa hallway na.

“OH ME?! I’m Chloe Chanelle Mendez. Ang bestfriend ng taong pinag-chichismisan niyo. What’s the big deal, girls? Ano naman kung ginanun niya ang X10? Matutunaw na ba ang yelo sa North Pole?!”

“I don’t give a d*mn on you girl, so back off!”-gossip girl 1

“Yah, back off!”- gossip girl 2

Ano ba itong isa? Parang ni-rerefrain niya lang yung sinasabi ng isa eh. Mas lalo tuloy umiinit ang ulo ko.

“Back off your face! Walang magawa sa buhay. Kung ako sa inyo, ipagpatuloy niyo na lang yung pagme-make up niyo sa pagmumukha niyong mukhang talampakan ko! Oppss! And one more thing, paki-liha na rin ha? Kasi kumakapal na yung kalyo sa mga mukha ninyo eh, daig pa ang talampakan ko!” I exclaimed.

Naningkit tuloy ang mga mata nila sa galit.

“Hoah! Let’s go Cassey..” And off they go.

And the winner is no other than CHA-CHA! Wooooooohhhhhhhhhh!!!!!!! \\(*O*)//

Tumingin ako sa paligid ko. Hindi ko napansin na madami na palang nanuod sa amin.

Nagulat ako nang palakpakan nila ako. Woah! I’m so flattered. Nag-bow na ako sa kanila. Nakakahiya haha! XD

“Thanks sa panunuod ng shooting. Sabi sa inyo eh, may next episode pa! Hahaha! Keep on supporting!!”

Bumalik agad ako sa bench kung saan ako umupo kanina para kunin yung book ko. Kaso may nakita akong may nakaupo ng lalaki. Nagbabasa siya ng libro. Nakatakip ng libro yung mukha niya.

Kinuha ko na yung bag at yung libro ko tapos umalis na kaso bumalik ako sa harap nung lalaki kasi naman THE ABBEY yung binabasa niya.

Nagulat tuloy ako nang magsalita yung lalaki behind the book.

“Ang galing mong makipag-bangayan kanina.” =___=

“huh? Well,thanks..”

“This book is really amazing. Gusto mo?” Binaba niya finally yung libro causing to reveal his face at talagang nagulat ako nung nakita ko ang mukha niya. Siya yung lalaking nang-agaw ng THE ABBEY ah? Alam ko na andito rin siya nag-aaral. Sinabi na kasi sa akin nina bestfriends eh. Pero this is the first time I see him here in the campus.

“Tapos na ako eh. Pahiram ko muna sayo.” =___=

Weird. Bakit walang ka-emosyon-emosyon ang mukha niya?

“Sige-Sige..” Sagot ko. Inabot niya sa akin yung book and gave me an emotionless smile.

Tumayo na siya and started to walk away.

“Thank you!” pahabol ko. Nagthumbs up lang siya habang nakatalikod siya and he finally walked away.

Wew! Mabait pala siya eh! Hahahaha…

  

KAYE ANNE’S POV

Natapos na ang klase ko. Hooh! Time to go home baby.. kaso kanina pa ako naghihintay dito, wala pa akong nakikitang Gail. Tss. Asan na ba yun?

Sa paglilibot ng tingin ko, nahagilap ko si Kurt na naglalakad mag-isa sa campus. Oohh! Si Kurt nga pala! Baka alam niya kung nasaan si bestfriend. Blockmates kasi diba sila?

“KURT!” I called him out.

Napansin ko naman na nagtinginan sa akin yung mga estudyante sa tabi ko dito sa waiting area.

 

“Pa-easy easy lang yung tawag niya kay Kurt oh.”

“FC lang siguro.”

“Oo nga. X10 leader yang tinatawag niya. Hindi niya ba alam?”

Yun ang narinig ko mula sa kanila. Tss. Big deal ba ang pagtawag kay Kurt?! Eh ano naman? Close ko naman sila ah! May pinagsamahan kami! We’re close! *Cross fingers*

Hindi ata ako narinig ni Kurt. One more time.

“KURT!!”

Napalingon naman si Kurt sa akin. Yown! Narinig din.

Tumakbo ako papunta sa kanya nung huminto siya.

“Bakit Kaye Anne??” He asked as I approached him.

“Ahhmm.. Tanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si Gail? Uuwi na sana ako, kaso wala siya.” sabi ko.

Hindi naman siya sumagot. Tumingin lang siya sa ibang direksyon at napansin kong parang nagpalit yung expression niya. From cool to being worried look.

“Huy Kurt,” I poked his arm slightly. “Alam mo ba?” Hindi kasi niya ako sinasagot. Parang nakatingin sa kawalan.

“The last time I saw her was at the cafeteria. After that, I don’t know. Hindi siya umattend ng remaining class niya after lunch eh.”

Kumunot na ang noo ko sa sinabi niya. Nasaan nab a si Gail nagpunta?!

“Huy, Kurt! San pumunta yun? ‘Di pwedeng mawala yun!”

“Tss. She was with Nathan. Tawagan mo kaya si Gail or Nathan?”

“Hindi nga nila sinasagot yung calls eh. Tinadtad ko na ng messages, wala pa rin!”

He looked to me, “Relax.”

“Eh? ‘Di pwedeng mag-relax papagalitan ako ni Tita at ng mom ko.”

“Kung tawagan mo kaya isa sa mga friends mo na may possibility na alam kung saan siya?”

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Si Chloe kaya? Alam kaya niya kung nasaan si Gail?

I took my phone from my bag and dialed her number. Matagal pa bago niya ito sinagot.

 “Hello, Chloe?”

[“tsk! oh?”]

“Galit lang, Chloe?”

[“Hindi. Nacarried away lang ako sa binabasa ko. Ano pala yun?”]

I let out a sigh. “I just wanna ask kung alam mo kung nasaan si Gail?”

[“Ahh nasa mall with Nathan. now you know. Bye bye mwahh!”]

And she hung up. Busy siguro! Tsk

“Oh ano daw?” Kurt asked.

“Nasa mall daw with Nathan. Pupuntahan ko nalang siya dun. Salamat pala sa time Kurt. Una na ako.” I bid goodbye.

“Ahh.. wait..”

Napalingon ako and gave him a what look.

Sa itsura niya para siyang nag-aalangan. “Nothing.. sige, ingat nalang.”

Napanguso tuloy ako sa gesture niyang yun. May nasesense akong iba. Hmmm…

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon