Fanchantsia Eight[2]

1.6K 56 0
                                    

Russel Pov'

Nandito na kami ngayon sa gitna ng battle field. Kaming dalawa ni Zyren ang mag lalaban ngayon.

"May gusto ka ba sa kanya?"tanong ko.

Alam ko naman na walang makakarinig sa pag-uusap namin dahil sa barrier na nakapalibot samin.

"Pano kung sabihin kong oo?"

Nakaramdam naman ako ng galit sa dibdib ko sa sinabi nyang iyon.

"Ilaw ba may gusto ka ba sa kanya?"Zyren

"Oo,may gusto ako sa kanya.Sa una ko palang sya'ng makita ay alam kong gusto ko na sya."

Medyo nagdilim naman ang mukha nya.

"Let's have a fist to fist battle then?"Zyren

"Deal."

Susuntukin ko na sana sya ng nailagan nya ito.Sya naman ang gumanti ng suntok pero nailagan ko rin ito.

Nagpapalitan lang kami ng suntok ngayon.Madami naring dugo sa mga mukha namin.

Sinuntok niya ako sa panga.Inapper(upper) cut ko naman siya.Pareho na rin kami ngayong hinihingal.

Tumakbo ako papunta sa kanya.Ganun rin naman siya sakin.Nang magtama ang kamao namin,may bumalot samin na hiwaga at naging malakas na pagsabog.

*Boommmm!*

⭐⭐⭐⭐⭐

Ashley Pov'

Nagulat ang mga studyante na nanunood pati narin kaming mga Royalties dahil sa naging kahihinatnan ng Laban.

Hindi sila gumamit ng kapangyarihan kundi gamit ang kamao nila.

Bugbog sarado na sila parehas.
Malayo yung agwat nila ng tumakbo si Russel at Zyren papunta sa isa't isa.

Nagtama naman ang kamao nila. Nang magtama ito ay may lumabas na liwanag sa kamay nila at sinundan ito ng malakas na pagsabog.

Ng mawala ng usok ay pareho parin silang nakatayo.Akala namin magpapatuloy pa ang laban ng bumagsak si Russel.
Mga tatlong segundo rin lang ng matumba si Zyren.

"Prinsipe Zyren Burn at Prinsipe Russel Wart,level 96"

Woah.Ang lakas talaga nila,isama mo pa si Hunter.

May lumabas naman na badge sa damit nila at logo ng Royalties iyon.

"Prinsesa Ashley Wart Crowd vs. Prinsipe Greg Wynd."

'Bakit itong mabahong hangin pa ang kalaban ko?! ' bulong ko.

"Tss.I heard you."Greg

Aist!!
Nakalimutan ko na naman,na hangin pala ang kapangyarihan nito kaya nyang marinig kahit impit na bulong ko pa.

Pumunta na kami sa gitna.
Ng makapasok na kami ay pinaulanan ko sya ng water spikes.Nagform lang naman sya na isang hangin kaya lumampas lang sa kanya ang mga tira ko.

"Air blast."sabi nya

Inilagan ko lang iyon.

"Waterballs!"

Umiwas lang rin sya.

"Airballs."Greg

Nagform ako bilang isang tubig kaya lumagpas lang rin iyon.

"Water tornado!"sigaw ko.

At ipinapunta sa kanya.
Pero nailagan niya ito.

"Air tornado,Air knifes."Greg

Nagform ako bilang isang tubig,Pero shit!!

Hindi ako makaalis sa hangin na pumapalibot sakin at sinundan pa ng Air knifes.

H-hindi ko na kaya.

Bago paman ako mawalan ng malay ng may maramdaman akong mga bisig na sumalo sakin.

Greg....

⭐⭐⭐⭐⭐

Natachnsia Crystal Pov'

Matapos ang laban nila Greg at Ash ay sinabi na ang level nila.

Si Greg ay level 95.
Habang si Ash naman ay 92.

Alam ko naman hindi lang yun ang kayang gawin ng dalawang yun.Nag'aalangan lang silang saktan ang isa't isa.

Halata naman,mga manhid lang talaga sila.
Tss..

"Dahil may sobra tayong isa ay trio duel ang gaganapin. Prinsesa Fieara Fie Fissure vs. Prinsesa Collene Wynter Crewd vs. Ms.Shelley Crowd"

Nalaman ko na anak pala si Collene ng kapatid ng Hari ng Fanchantsia Kingdom.

Trio huh??

Let see..

☆☆☆☆☆

FANCHANTSIA:The Reincarnation Of The First Queen👑Where stories live. Discover now