Chapter 9: Symbols

Start from the beginning
                                    

Nang ituro iyon ng parapsychologist ay saglit na natahimik si Don Carlos at napatingin sa kanyang palad. May naalala lang.

Tinuro ni Jules ang ibang mga tattoos. "Nakikita n'yo itong double cross na may infinity sign sa ilalim? 'Yan ang Leviathan Cross, or Satan's Cross. Nasa Satanic Bible ito ni Anton LeVay. Originally, gamit ito ng Knights Templar, inadopt lang ni LeVay bilang isa sa mga simbolo ng Church of Satan. Paniniwala ni Levay na ang tao daw ay sarili niyang centrum of balance and truth."

"Ano naman ang isang ito," turo ni Don Carlos sa pentagram na may imahen ng kambing sa gitna.

"Sigil of Baphomet," sabi ni Jules. "Si Baphomet ay isang demon na winoworship ng Knights Templar. Tawag din sa kanya ay the Goat of Mendes. 'Yung mga Hebrew letters na nasa paligid ng star, kahulugan nito ay abyss."

Napapailing lamang si Andy habang patuloy ang pag-inom ng whiskey. Wala siyang interes at pakialam sa mga bagay na ito. Kapag usapang religion o kulto, ilag siya. Kung maaari nga lang ay gusto na niyang magpaalam na umalis, tutal naibigay naman na niya ang mga litrato, pero aniya sa sarili, sayang ang Johnnie Walker Blue.

"Anyway, looking sa mga tattoo sa pictures, mukhang puro common Satanic symbols lang sila," patuloy ni Jules. "Ang kailangan nating hanapin ay kung may sariling symbol ang grupo nila Miguel para ma-identify natin sila."

"Sus," sarcastic na singit ni Andy. "Pare-pareho lang mga 'yan. Baliktad na cross? E 'di Satanista."

"Actually, sir," baling ni Jules kay Andy. "Originally, ang inverted cross ay hindi simbolo ng mga Satanista kundi ito ay cross ni St. Peter na crinucify na pabaligtad. Simbolo ito ng humility dahil ayaw ni St. Peter na ipako siya tulad ni Jesus Christ."

"Ginawa lang simbolo ng mga Satanista," dagdag ni Hannah. "Siyempre, anything na reverse ibig sabihin ay kontra, 'di ba?"

"Biruin mo 'yun," walang interes na sabi ni Andy at nagkibit-balikat at tumagay uli. Si Hannah nama'y sumisimple ng tirada sa gyoza.

"Balikan natin 'yung sinasabi mo Jules," sabi ni Father Markus.

"Yes, as I was saying..." umpisa uli ni Jules.

Nagulat sila nang biglang dinampot ni Andy ang mga litratong tinitignan nila. At sa kanilang pagtataka ay may hinanap siyang litrato at kanya itong ipinatong sa lamesa.

"Ito ang hinahanap n'yong simbolo," turo ng private investigator.

Litrato ito ng isang lalaki na naka-jacket na sleeveless at labas ang braso na may mga tattoo ng pentagram, 666 at inverted cross.

"Eh, sir, 'yan na 'yung tinuro ni Jules," pagkamot sa ulo ni Hannah.

"Mali kasi kayo ng tinitignan," sabi ni Andy. "Ang hinahanap n'yo ay hindi tattoo kundi tatak sa kanilang mga damit."

"What are you saying?" pagtataka ni Don Carlos.

"'Yung jacket..." pag-realize ni Father Markus.

"Mismo!" sabi ni Andy.

At iyon nga, sa jacket ng lalaki sa litrato ay may patch—at sa patch ay isang simbolo. Agad na tinignan nina Jules, Hannah, Father Markus at Don Carlos ang ibang mga litrato at tama ang private investigator, ang patch ay nasa kasuotan ng mga miyembro ng kulto—sa jacket, hoodies, jeans, cap, sapatos at bag. Ang kay Miguel ay nasa sleeve ng kanyang itim na jacket.

Ito ang simbolo ng grupo ng mga Satanista na hinahanap nila.

***

"Galing n'yo, sir!" sabi ni Hannah kay Andy.

Mali sa akala nila, hindi sa mga tattoo mahahanap ang simbolo ng kulto nila Miguel, kundi sa patch sa kanilang mga kasuotan. At ang private investigator ang nag-point out nito.

"Kulto ba hanap n'yo?" sabi ni Andy habang kaswal na bumalik sa pagtatagay ng kanyang whisky. "Pero para sa akin, isang gang lang 'yan ng mga delingkwente."

Tinitignan pa ni Don Carlos ang isang litrato—ang patch. "Anong interpretation n'yo sa symbol na ito?" tanong niya.

Ang nasabing simbolo sa patch ay isang inverted cross na may nakapaikot na bilog na may arrow sa dulo—na aniya ni Jules ay buntot ng dimonyo. Iyon daw ang symbol ng Satanic group nila Miguel at ginagamit nila para ma-distinguish sila sa ibang grupo ng mga Satanista.

"So, what do we do now?" tingin sa kanila ng Don.

"Magre-research kami tungkol sa tattoo na ito," sabi ni Jules. "Ito ang magli-lead sa atin sa pangalan ng grupo nila."

"Ako, tuloy muna ang surveillance ko," sabi naman ni Andy. "Hahanapin ko pa ang ibang hideouts ng gang na ito."

Hindi agree si Jules sa pag-refer ng private investigator na gang lamang ang grupo, pero, hinayaan na lamang niya.

"Yes, do that," sabi ni Don Carlos kay Andy, at bumaling sa JHS. "After all, may preparation pa kayo for the...you know."

Tumango ang tatlo. Gets nila na ang exorcism ang tinutukoy ng Don na obviously hindi niya sinasabi sa private investigator. Although napansin ni Andy na tila may usapan silang labas siya.

"Then, its all settled," sabi ng Don with finality.

Matapos ang meeting ay pinauna ng Don na makaalis sina Jules, Hannah at Father Markus para makausap niya ng personal si Andy. Tungkol ito sa isa pang trabaho na ipapagawa niya sa private investigator.

"Are we good? Tingin mo malo-locate mo siya?" sabi ng Don habang ipinatong sa mesa ang isang litrato na nakabaligtad.

"Sure," sabi ni Andy with confidence. Kahit sino pa itong pinapahanap na tao ng Don ay mahahanap niya. Kahit saang lupalop pa sa Pilipinas. After all, missing persons ang kanyang specialty.

"Don't worry, I'll double your fee," sabi ng Don. "But remember, keep this between the two of us," aniya at tinuro ang bote ng Johnnie Walker Blue. "Keep the bottle too." Tumayo ang Don para umalis.

Naiwan sa kuwarto si Andy, nakangiti na may mauuwi na naman siyang bote ng Johnnie Walker. Dinampot niya ang litrato ng taong pinapahanap ng Don at flinip para tignan. Agad na napawi ang ngiti sa kanyang mukha. Agad niyang kinuha ang litrato ni Miguel mula sa kanyang jacket at ipinagtabi ang dalawang mga litrato.

Hindisiya makapaniwala sa nakikita.


NEXT CHAPTER: "Ang Don"

Ang Dalawang Anino ni SatanasWhere stories live. Discover now