Part 2

9.5K 41 6
                                    

Kyle’s POV

Tatlong taon na ang nakalipas. Senior year na. Madaming nagbago. Hindi pa din kami nagkakabati ni Athena. All I can do is look at her from afar. Ang sakit every time I see her pero hindi ko sya malapitan. Naging sila na nung gagong Joshua na yun. Ngumingisi pa din sakin si Joshua tuwing nagkakatinginan kami. Kahit alam kong tama ang ginawa ko, ang sakit pa din eh. Pero if love also means sacrificing diba? Haay nako. Ewan.

Athena’s POV

Tatlong taon na ang nakaraan. 4th year college na. Graduating na. Madaming nagbago. Nawala na ang NBSB streak ko. All I can do is look at Kyle from afar. Miss na miss ko na sya. Hindi ko pa din alam kung bakit nya sinira ang pagkakaibigan namin. Akala ko may chansang mahalin nya ko. Wala ehh. Hindi pala. Tanga lang talaga ako. Hindi na ako ang masayahing Athena na nakilala nyo dati. Naging kami na ni Joshua. Akala ko, mawawala na ang pagmamahal ko kay Kyle kung magiging kami. Pero dalawang taon na ko nagsisinungaling sa sarili ko. Alam kong hindi ko sya mahal. Walang makakapalit kay Kyle. Buti na lang at hindi nya ko pinipilit halikan o anoman.

“Hi Honeybunch!” masayang bati sakin ni Joshua habang hinalikan ang pisngi ko.

I forced a smile, “Hello, J.”

“Tulala ka naman? Haha.” na-observe nya.

“Ah, nag-co-contemplate lang! Wooh! Ilang weeks nalang graduate na tayo!” pagsisinungaling ko.

“Oo nga eh! Pero stay strong pa din satin?” tanong nya sakin, as if expecting a ‘yes’.

“Hmm,” yan nalang nasabi ko.

Sweet naman si Joshua pero hindi sya si Kyle. Hindi natuturuan ang puso magmahal. You just fall. That’s why it’s called falling. ‘Cause it isn’t forced.

“Beshieeeee!” tawag sakin ni Kassandra, bestfriend ko.

“Yes po?” sagot ko. Nagkaron na din ako ng girl bestfriend. Sumuko na ko sa boy bestfriend. Ang sakit lang eh.

“May gagawin ka daw, sabi ni Madam Piling Kyoot.”

“Ahh, okay. Pupunta nalang ako dun,” sabi ko. “Bye, J.” paalam ko kay Joshua at hinalikan ang pisngi nya. Napangiti naman sya.

Nung nakadating ako sa office ni Madam Piling Kyoot, sinabi nya na sakin kung ano gagawin ko. Well, tagos puso pa eh. Haaaaaay.

Kyle’s POV

Yeheeeeesz! Alam ko na gagawin ko. Hell and damnation with Joshua San Miguel. I’m gonna win Athena back! Kahit masira pa reputasyon namin, at kahit mareject pa ko, I’m willing to take the chance. I could protect Athena with my love. Wag lang sya mawala sakin.

Pumayag na si Madam Piling Kyoot! Yeheeesz! Gagana sana to! Wooh!! Kinakabahan ako, for the first time in my life.

Sana nga lang, it’s not too late. Sana may nararamdaman din sya para sakin… Di naman yun imposible. Di ako manhid noh. Alam kong crush nya ko non. Stalkerina nga yung si Athena eh. LAHAT ba naman ng pictures ko nasa laptop nya! Pfft. Grabe. x)) Pero I liked that. :’>

Sana nga lang, I could pull this off. Haay!

Athena’s POV

*Student Concert*

Eto naaaaaaa! Kinakabahan ako! Kakanta ba naman ako! Eh tagos puso pa yung kanta.

“Hello ChumichumiSimiSimi College! Athena Calvento here! I dedicate this song to… my Love na Love.” I said with a sad smile.

You’re everything I thought you never were,

And nothing Iike I thought you could’ve been.

Lolo! (Three-Shot) CWC 4th PlaceWhere stories live. Discover now