Chapter 4 - The Vladimirs

Start from the beginning
                                    

Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba sa malawak na hagdan

Pagdating namin sa 'Great Hall', kung saan una akong nakapunta, nandoon na kaagad si Mother at ang apat kong kapatid na mga naka-long dress din. Nakaupo na kaagad sila sa thrones. May mga lalaki na naka-allign sa walls. Mga nakasuot sila ng armors. Sila yata ang mga kawal ng castle.

Umupo na ako sa throne ko. Sina Meredith naman ay tumayo sa medyo malayo. Nakita ko sina Brix at Jared sa likod ng throne ko. Sina Matt naman at Zac (since mahaba ang pangalan na Mattheus at Zaccharius, pinaikli ko nalang ang pangalan nila haha.) ay nasa magkabilang gilid ko.

"Kailangan ba talaga na bantay sarado ako?" bulong ko kay Zac. For the first time, kinausap ko siya. Wala akong choice, natatakot ako kay Matt. Masungit yun eh. Hindi ko naman makausap yung iba kong Ate dahil dalawang metro yata ang pagitan ng mga throne namin.

"Are you saying na luwagan namin ang security mo para mas madali kang mapatay?" natatawa niyang sabi. "It's for your own safety, princess."

Huminga ako ng malalim.

"Pwede ba guys, wag niyo akong tawaging princess? Kahit Emerald lang. Okay na. Please. Hindi ako sanay." sabi ko sa kanila. Ngumiti at nag-nod sina Brix at Jared.

"Fine." sabi naman ni Zac. Samantalang si Matt tinarayan lang ako.

"Since when kita tinawag na princess?" sabi niya. BAKLA YATA 'TO EH! Mas mataray pa saken! Grr. Narinig kong nagchuckle sila Brix. Ugh. Kainis. Ang sungit talaga forever ni Matt.

Magsasalita pa sana ako pero kakaibang lamig ang naramdaman ko.

"Nandito na sila." sabi ni Jade. Napatingin ako sa kanya. Bakit parang mas lalong dumilim ang kulay ng mga mata niya?

Nagkaroon ng tension sa buong Hall. Bumukas ang malaking golden door. Sumigaw ang nagbukas ng pinto. "Queen Diamond, narito na po si King Vladimir at Prince Vincent." pagkatapos isigaw ng kawal ang mga pangalan na yun ay may pumasok na dalawang lalaki.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng sobrang puting tao. They look so pale yet so good-looking.

"Ah. Queen Diamond and her princesses. Finally complete." sabi nung isang lalaki. Lumapit siya sa tapat ko. Nakita kong kumuyom yung palad ni Matt.

"It's a pleasure to finally meet you, Princess Emerald." inabot niya yung kamay ko at hinalikan ito. "You smell nice."

"Vincent, wag mong takutin si Princess Emerald." sabi ng isang isang lalaki.

"Hindi ko siya tinatakot, Vladimir." sabi nung Vincent bago siya bumalik sa tabi nung Vladimir.

"Vladimir," masayang bati ni Mother. "Bakit niyo naisipan na dumalaw dito sa kaharian namin?"

"Ofcourse, para makita si Princess Emerald." nakangiting sabi nung Vladimir. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Matt? Bakit ba mukhang galit na galit si Matt sa mga Vladimirs na 'to?

"Very well. Emerald, this is King Van Vladimir and Prince Vincent Vladimir." sabi sa akin ni Mother. "Sila ang namumuno sa Vladimir Kingdom na malapit lang sa atin."

Nginitian ko sila.

"Ngayon, shall we proceed to the dining hall?" tanong ni Mother.

"Yes, Queen Diamond." sagot ni King Vladimir. Napatingin ako kay Prince Vincent. Nakatitig siya sa akin. He bit his lower lip and winked at me. Is he flirting with me? Ew. Babaero.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Matt sa shoulder ko.

"Aw!" bulong ko. "Kung galit ka sa mga yan, wag mong ilabas sa akin. Jusko."

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now