Pillow Fights And Serious Fights

Start from the beginning
                                    

 

"Hello? Ngayon na? That is not on my sched manager, akala ko ba usapan hanggang Sabado pa ako free? Talagang ngayon na? Fine." He slammed his phone at humiga ulit.

"Sino yun?"

"Si Manager. May shoot daw kami ng commercial ngayon. Tss. Akala ko pa naman break muna ako." He said bago humikab. Naawa naman ako sa kanya. Mukhang wala na talagang pahinga itong isang ito.

 

"Gusto ko dito lang ako sayo." Sabi niya na para bang isang batang maliit. Yumakap pa siya sa beywang ko.

"Andrei, you have to go. Work yun." I told him. Tumango lang ito bago tumayo na.

 

"Workaholic." He teased me. Tumango na lang ako at hinila na siya para makalabas na kami sa kwarto. Nasa pintuan na kami nung bigla na lang siyang bumalik at kinuha ang unan ko.

 

"Andrei! Saan mo siya dadalhin?"

 

"Isasama ko. Mahirap na baka mangaliwa ka habang wala ako." He said before dragging my poor pillow on the floor.

Bakit ba niya pinagseselosan ang unan ko ha?

______________________________

 

"Matagal pa ba?" I brushed the excess powder on my face. Though I am thankful with my commercials dahil natuto akong umarte, I hate this one shoot in particular. Masyadong clingy ang actress na si Anne sa akin. Baka makarating pa ito kay Yana, mahirap na.

"Isang scene na lang tapos pack up na." Direk answered me. I nodded at pumunta na sa pwesto ko. The last scene is the kissing scene, kung saan ifaflash sa camera ang mga ngipin naming dalawa ni Anne and then the logo of the toothpaste would show up. Seriously? Do we really have to kiss just to ensure everybody that our breaths are fresh? Damn toothpaste commercials.

"Hey Drei!" Anne smiled sweetly at me. Tumango lang ako. She went to me and wrapped her arms on my shoulders pero hindi ko na pinansin. The crew smiled at us na para bang kinikilig habang ako naman ay hindi magkamayaw sa pagmamadali.

"Okay, places everyone. 5,4,3,2,1 ACTION!!"

I smiled  sweetly at Anne and touched her cheeks. Unti unti akong lumapit sa kanya and we both smiled, exposing our teeths.

"CUT!!" Direk said. Mabilis kong tinulak si Anne.

 

"What? Walang kissing scene?" she said. Natawa na lang ako at naglakad palayo.

 

"Wait!! Wait!! Andrei!" she shouted habang hirap na hirap sa pagtakbo dahil sa suot na heels. Tumigil naman ako at huminto.

"I will still have my kiss." She said. My brows furrowed.

"What--" and before I could even finish, hinalikan na niya ako. I was too shocked to move pero naitulak ko siya kaagad when I recovered.

"What the hell was that Anne?!" I shouted and brushed my lips clean. Baka mainfect pa si Yana mamaya kapag hinalikan ko siya.

"Nothing. Byeie!" she waved at me bago naglakad palayo. Marco, my drummer, tapped my shoulders.

"Women.." he whispered. Sinapok ko na lang ang kaibigan kong sunod ng sunod sa kambal ni Mikaella. I shook my head and headed for my car. Shuta, namanyak pa ako ni Anne, badtrip.

Pabalik na ako sa apartment ni Yana when my phone rang. I put it on speaker phone and answered.

 

"Hello?"

"Hello, Montreal." I shifted on my seat when I heard Yana's father on the other line.

"Anong kailangan mo...po?" I said. He laughed before clearing his throat.

"Can we talk?" he asked me, in a friendly voice that freaks me out. Edilberto Sandoval is never friendly.

"We're already talking...po, Sir."

"No. I mean, in person. I am on Crunchy Chicken now. Pwede ba tayong magkita?" he asked me. I agreed at tumuloy na roon. I have to deal with the old man, father-in-law ko siya eh. Just by thinking about it, I can't help but smile. Yana will soon become Mrs. Montreal.

After fifteen munutes of driving, I arrived at the place. Hinanap ko siya and saw him reading a newspaper. Nagsuot ako ng aviators para walang makakilala sa akin bago nakayukong lumapit sa kanya. I discreetly grabbed a seat infront of him and shook his hand. He took it and shook mine too.

 

 

"Mag order ka na. My treat." He said. Nabigla naman ako pero pinagbigyan ko na siya. Libre naman eh. Masarap kapag libre hindi ba? Wala ka ng gastos, busog ka pa.

He watched me habang hinihintay ang order. I cleared my throat.

 

 

"Anong kailangan mo sa akin, po?" I asked him. He crossed his arms and looked at me.

"Nagkabalikan na pala kayo ng anak ko Andrei?" he said. I stiffened. He smiled that lopsided smile and I trembled. I remember that smile. I kept a straight face para hindi ipahalata ang alaalang dumaan sa akin, when we talked like this, on the streets of California, five years ago.

 

 

"I don't think that is an issue Mr. Sandoval. That is never an issue." I said, seryoso ang tono ng boses. May iilang tao ang nagtinginan sa amin so I cleared my throat at yumuko.

 

"That is not an issue to you maybe. But it is to me." he said at unti unti ng nawala ang mga ngiti niya sa labi.

 

 

"Don't you ever do what you did back then Sir. Hindi ko na hahayaang maulit yun." I whispered. He laughed and shook his head.

 

 

"You should thank me Andrei. Kung natuloy ang kasal ninyo ni Ericka, hindi niya maaabot ang mga pangarap niya. Both of you would become miserable--"

 

"Have you seen your daughter now? Sa tingin mo ba masaya siya dahil sa diploma niya sa Harvard? Do you really think, dahil sa tinitingala siya ngayon ng mga businessman, masaya na siya? Is that your idea of happiness Mr. Sandoval?" I shot back. He clenched his jaw bago ako dinuro.

"At sa tingin mo, mapapasaya mo ang anak ko?" he hissed. Tinabig ko ang daliri niya and looked at him. Tinanggal ko na ang salamin ko sa mata.

 

"Yes." He threw his head back and laughed before shaking his head. Tumayo na ito. Sumunod ako. He fixed his tie and looked at me.

"You are not the man for my daughter Andrei Montreal. Magpapakasal si Ericka sa lalaking ako mismo ang pipili. And you.." he pointed to me. "You are certainly not on my list.." he said before walking away. I clenched my fist at lumabas na rin.

No. I will not lose to Edilberto Sandoval. Not again. The first time na natalo ako, it caused me my happiness and Yana. I will make sure that won't happen again.

*pen<3

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now