"Oh, nga pala Rhian, this is Jason. Jason Abalos. Kababata ko," pakilala naman nito sa kaibigang naka-sparing niya.

"Hi," she offered her hand in a shake.

"Kung wala lang akong asawa, pwede ba Ga?" patawa nitong sambit.

"Gusto mong totohanin natin yung ensayo kanina?" matalim nitong sagot na may bahid katotohanan.

"Biro lang Ga. Loyal ako sa asawa ko. Over-protective ka naman sa kaibigan mo,"

"Song," palayaw naman ito ni Solen kay Jason. "Di lang basta kaibigan kaya ganyan yan makabanta. Ingat ka, masamang magselos ang isang martial arts expert,"

Jason creased his brows. Hindi siya sigurado kung tama ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Solen. Hindi lang basta kaibigan? Masamang magselos ang isang martial arts expert? Bakit niya kailangang magselos? Ano bang meron sa kanila? May something ba? Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang babae na magkaharap. Inobserbahan ang kanilang mga kilos, ang pagtititigan nila sa isa't-isa, ang ngiti sa kanilang mga labi habang nag-uusap at ang paghaplos ni Glaiza sa mukha ni Rhian.

"Sol?"

"Kung ano man ang naiisip mo, tama ka. May relasyon sila. Mahal nila ang isa't-isa,"

"Pero di ba may kasintahan yang si Glaiza?"

"Oo, pero handa siyang hiwalayan yun para kay Rhian,"

"Pero pareho silang babae. Saka pano pag nalaman nila mamang Cristy at papang Boy ang tungkol sa kanila?"

"Sa unang tanong mo, ano naman ngayon kung pareho silang babae? Hindi na issue ngayon ang pagmamahalan ng parehong kasarian. Hindi na nila problema kung makikitid ang utak ng mga taong nakakakita sa kanila at di tanggap ang nararamdaman nila sa isa't-isa. Pangalawa, si Glaiza na bahala sa mga magulang niya kung paano siya mag-a-out. Ang mahalaga, mahal niya si Rhian and vice versa. Ikaw, makitid ba utak mo?" umiling si Jason.

"Kung saan masaya si Ga, dun ako,"

"Good boy,"

----------

"Glaiza, anak bakit hindi mo ipasyal ang boss mo sa kalapit na talon (watterfall). Sigurado akong hindi pa siya nakakaligo sa mga ganyang lugar. Malilinis at malamig ang tubig sa talon. Tiyak akong magugustuhan mo yon, hija," sambit nito na ibinaling ang tingin kay Rhian habang nanananghali sila. 

"Sa Lambingan falls! Dun mo siya dalhin. Bagay na bagay sa inyo yun!" excited naman na suhestyon ni Solen na pinandilatan ni Glaiza. She doesn't want her parents na mag-isip ng kung ano tungkol sa kanila ni Rhian. She plans to tell them pero hindi pa panahon. Solen zipped her mouth shut nang maintindihan nito ang ibig ipahiwatig ng mga mata ng kaibigan.

"Sige lab... I mean Glaiza. Punta tayo doon sa falls na yun. I've been to a lot of falls dito sa Pilipinas pero parang nakaka-curious yung Lambingan falls,"

"Okay, after natin kumain. Tamang tama na mataas ang araw ang pagpunta natin doon para hindi ka masyadong lamigin. Malamig ang tubig doon, parang galing sa ref,"

Pagkatapos mananghali, hindi na hinayaan pa ni nanay Cristy na tumulong pa sina Glaiza at Rhian magligpit ng pinagkainan, itinulak na niya ang mga ito na tumungo sa Lambingan Falls.

Habang inaayos ang dadalhing damit at twalya, hinahandaan naman ni Solen ang dalawa ng kanilang babaunin. Lumabas si Glaiza sa kwarto dala ang backpack ng kanilang gamit. Hinayaan niya munang mag-ayos si Rhian. Kahit pa she can feast her eyes watching her undress, she don't want to take advantage of her. Ganun niya ito kamahal. May kalayaan. May seguridad. May kalinisan. May pag-galang.

The FanWhere stories live. Discover now