Chapter 47: Mickey Mouse

Start from the beginning
                                    

"Shawn, ang totoo kasi, sabi ni Candice makikipagkita raw siya kay Jeydon." Napalingon siya bigla sa 'kin at parang gulat na gulat siya.

"Kailan pa niya sinabi 'yon sa 'yo?"

"Dalawang oras na 'yong nakakaraan." Napatayo agad siya pero pinigilan ko naman siya. "Shawn, hayaan mo na lang sila kung magkasama man sila ngayon!" Nilingon niya ako at 'yong mukha niya, mukhang alalang-alala.

"Nasa panganib ngayon si Candice. Kailangan natin siyang mahanap." Ang OA naman niya. Ano bang pinagsasabi niya? Paano malalagay sa panganib si Candice kung si Jeydon naman 'yong kasama niya. Aminin na lang niya kasi na nagseselos lang siya. Ang dami niya pang sinasabi.

"Itigil mo na nga 'yang pagseselos mo, Shawn. Hayaan na lang muna natin sina Jeydon at Candice." Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay hinawakan niya 'yong magkabilang braso ko. Napakaseryoso ng tingin niya sa 'kin.

"Si Jeydon. Nakita ko siyang kasama ni Marky twenty minutes ago lang kaya imposible na magkikita nga talaga silang dalawa ni Candice."

Bumilis bigla 'yong tibok ng puso ko. Twenty minutes ago? E kanina pa umalis si Candice. Kung totoo nga 'yon, ibig sabihin lang ay ibang tao 'yong gustong makipagkita kay Candice at hindi si Jeydon 'yon. "Sino 'yong makikipagkita kay Candice?" Hinawakan ni Shawn 'yong kamay ko pagkatapos ay hinila niya ako palabas at papunta sa kotse niya.

"Sila 'yong mga gustong manakit kina Candice at Jeydon." Napahawak na lang ako sa kamay ko sa sobrang gulat pero posible rin namang hindi e. Tama, OA lang kaming dalawa ni Shawn.

"Shawn, baka naman ngayon pa lang sila magkikita ni Candice. 'Wag muna tayong mag-assume ng kung anu-ano. Huminahon ka muna."

"Ang mabuti pa, tawagan mo si Jeydon para malaman natin kung ano ba 'yong totoo." Maganda nga 'yong naisip niya kaya kinuha ko agad 'yong phone ko tapos tinawagan ko si Jeydon.

Kagaya kay Candice, hindi ko rin ma-contact si Jeydon. Nakapatay rin 'yong phone niya. "Shet, unattended din 'yong phone ni Jeydon." Nagsisimula na akong mag-panic.

"Teka, i-try mo si Marky."

Ginawa ko naman 'yong sinabi niya kaya nagmadali akong tawagan si Marky. Buti na lang sumagot siya.

"Hello?" sagot niya.

"Marky, nasa'n si Jeydon?"

"Bumalik na siya sa tinutuluyan niya. Bakit?" So hindi nga sila magkikita? Huminga muna ako nang malalim para na rin maikalma ko ang sarili ko at hindi mag-panic. "May problema ba?"

"Ang sabi kasi sa 'kin ni Candice, makikipagkita raw si Jeydon sa kanya ngayon." Please, sabihin mong tama ako. Sabihin mong magkikita sila.

"Ha? Magkasama lang kami ni Jeydon pero wala naman siyang nabanggit sa 'kin na magkikita sila ni Candice. Gusto nga niyang puntahan si Candice kaso naka-off 'yong phone niya." Hindi na ako nakapagsalita. Bigla na lang nanginig 'yong kamay ko. Dala na rin siguro ng kaba at pagpa-panic ko. "Stacey? Nandiyan ka pa ba?"

"Marky, maaaring nasa panganib ngayon si Candice." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko. Pakiramdam ko, may iniisip siya.

"Maaari nga. Posibleng nasa panganib din ngayon si Jeydon. Ang mabuti pa, pupuntahan ko ulit si Jeydon at subukan niyo namang hanapin si Candice. Tatawagan ko kayo kapag kasama ko na si Jeydon."

"Sige, hihintayin ko 'yong tawag mo."

"Stacey, may pupuntahan tayo. Tara, sumakay ka na sa kotse ko." Hindi na lang ako nagtanong tapos sumakay na ko sa kotse ni Shawn.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung sino ba 'yong pupuntahan namin. Nakatingin lang ako sa labas. Nagpabaya kami ni Shawn. Dapat pala mas lalo kaming naging maingat. Alam na namin na may gustong manakit kay Candice pero wala kaming ginawa. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad 'yong sarili ko kapag may nangyaring masama kay Candice.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now