TNMTCP #41

9K 249 5
                                    

KATH'SM POV

" Waaaa~ Dad . Hindi ko yata kaya ! " ngawa ko kay Dad . Nasa bahay kami ngayon , dahil na discharge na ako kahapon . 2 Days narin ang nakakalipas , pero wala parin akong desisyon .

" Anong Hindi mo kaya dun Anak ? ... ganito nalang ... Isipin mo nalang kung anong makakasakit o hindi sa mga KAIBIGAN mo . Magpapanggap ka na may Amnesia kahit wala dahil gusto mong makalimot ? O babawiin mo nalang ang sinabi mo na hindi mo sila kilala , kahit masakit sa mata mo na nakikita mo ang mahal mo atlis nakikita mong masaya at nandiyan para sayo ang mga Kaibigan mo ? . Alam kong mahirap mamili anak . Pero kailngan . " Dad

Ano nga bang pipiliin ko ???

~~

JERICK'S POV

Nasa Room kaming lahat ngayon . Sabi ni Jim , pagkatapos lahat ng morning subjects ay walang aalis sa kinauupuan namin ngayon . Kaya heto kami ngayon , mga nakatulala , wala sa sarili may mga sariling mundo at mugto ang mga Mata . Oo umiyak ako , sino bang hindi iiyak kung yung Taong Mahal na mahal mo ay hindi ka na kilala?? .

" Bhe , nagugutom na ako ! " sa wakas at binasag na ni Chris ang katahimikan . Nakakabingi din pala yun ?? OO sanay ako sa tahimik dati . Pero simula nung dumating sa buhay ko si Kath naging maingay na ito . Ang dating tahimik at mapayapang buhay ko noon ay naging maingay na ngayon .

" konting tiis nalang Bhe , alam kong darating siya " JIm

" Sino ba kasi yang hinihintay mo ? pati kami dinadamay mo ! nagugutom na kaya ako ! " Megan

" O ayan oh ? wag ka ng maingay Please !!  "  sabay hagis ng sandwich ni CHristian kay Meg . Nasalo naman ni ito ni Megan

" BoysCout !! Salamat ha ? " Meg

" Para sana kay Diana yan e' , kaya lang binigay ko sayo yan e' parang mas kailangan mo yan kaysa sa kanya ! " Christian

" Awww .. pinagpapalit ka na ng Bhabe mo oh ? " Panunukso ni Mark kay Diana . Napayuko nalang si Diana na may pagkalungkot ang itchura sabay tingin sa malayo .

" Hala ka Christian , nagselos si Bhabe mo oh ? " Jim

" Hoy hindi ah ! " Diana

" Amin amin din pag may Time !! " pagpaparinig ni Mark

Book 1 : The Nerd Meets The Campus Prince [ edited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon