Winter Sonata [ ONESHOT ]

153 5 6
                                    

 

It's been 10 years, umaasa padin ako na babalik siya.  nag hihintay padin ako na maisip niyang ako ang mahal niya at hindi si Ana. Araw araw nag hihintay ako sa lugar kung saan una kaming nag kita, mula alasais ng umaga hanggang sa lumubog ang araw. sabi nila sobra na daw, pero hindi ko alam kung pano ititigil tong nararamdaman ko.

 

 

 

How can you stop loving someone when your world revolves around them.

 

 

 

Naaalala ko pa yung araw na umalis siya. sariwa pa sa isip ko, at ganun din sa sugat ng puso ko. yun yung araw na ibinigay niya sakin  ang music box na to. 

 

 

 

"Pangako hindi kita iiwan."  lumapit siya at hinalikan ako sa noo. purong saya at pag mamahal lang ang nararamdaman ko sa puso ko ng mga oras na yun. "Ipangako mong kahit kailan hindi ka mag mamahal ng kahit sino maliban sakin."  ngumiti ako pinag cross namin yung pinky finger namin bilang sign ng pangako. 

 

 

 

Napapikit ako ng madiin ng maalala ko nanaman ang araw na yun. Jake nasan ka na? hanggang ngayon nandito parin sa puso ko yung pangako natin sa isa't isa. ikaw parin at ikaw lang ang mamahalin ko, 

 

 

 

Naupo ako sa tabi ng puno kung saan lagi kaming mag kasama. noon araw araw kitang kasama dito, pero ngayon ako nalang mag isa ang nauupo sa lugar na to. naaalala mo pa kaya ako? naiisip mo din ba ko kagaya ng pag iisip ko sayo oras oras at minu minuto?

 

 

 

Jake alam mo ba five years ago. sinubukan nilang gibain ang lugar na to. nung una hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko kayang mawala to. ito nalang ang meron ako na alam kong connectado sayo. at pag nawala tong lugar na to hindi ko alam kung saan ako kakapit, at huhugot ng lakas para hintayin ka. ito nalang ang tanging bagay na nag coconecta sating dalawa. kaya naman ng malaman kong gigibain nila to. ipinag laban ko ang lugar na to. halos tatlong araw akong hindi nakakain at nakatulog para bantayan ang puno kung saan sinulat natin yung pangalan nating dalawa. kahit ito nalang... kahit itong puno nalang... ang mailigtas ko. gagawin ko. wag lang mawala lahat ng bagay na nag papaalala sakin tungkol sayo.

 

 

 

They say i should stop waiting for something that will never come, but how could i do that when it's you i'm waiting for. 

 

 

 

Sabi nila nababaliw na daw ako, kabaliw ba ang mag mahal? kung ganun lahat tayo sa mundong to baliw na. kabaliwan ba ang mahalin ka? sa tingin ko hindi, dahil maliwanag sa puso at isip ko kung anong gusto ko. maliwanag sakin na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang walang hanggan. hindi nila maintindihan yun dahil hindi pa nila nararanasan mahalin ka. 

 

 

 

"Hindi ka pa ba napapagod?"  kakaiba tong araw na to, isang hindi ko kilalang tao ang umupo sa tabi ko. matangkad siya, maputi at mukhang mabait. "Araw araw kitang nakikitang pumupunta dito at nauupo. para bang nag hihintay ka sa isang bagay."  napangiti ako ng marinig kong may nakakapansin naman sa ginagawa kong pag papahalaga para sating dalawa. "Ang taong nag mamahal kahit kailan hindi hahayaang malagay sa isip niya na pagod na siya."  Ngumtii sakin yung lalaki at mukhang naintindihan niya ko. "Ang swerte siguro nung lalaking mahal mo. nasan ba siya? ngapala sorry kung bigla bigla akong nauupo dito. gusto ko lang makipag kaibigan."  tumawa siya at napakamot sa batok niya. marami kaming bagay na napag usapan, at sa unang pag kakataon nakapag kwento ako ng nararamdaman ko sa ibang tao.

Winter SonataWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu