"Oh my god! Namiss ka namin!" Ani ni ate.

"Me too." Tipid kong sagot. "Finally umuwi ka na. And sana hindi ka na bumalik." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hm, dependi pa ate..." Naramdaman ko ang titig ni kuya Marco sa aking gilid. I know him magagalit na naman siya, last year they visit me in New york, panay ang pilit niya saaking umuwi nang hindi ko siya napagbigyan ay hindi na niya ako masyadong tinatawagan.

"Sun! Nandito naman kami hindi mo kailangang mag-isa sa ibang bansa." Mahina ngunit mariing sabi ni kuya Marco hindi ako umimik.

"Sabi ko nga dependi kuya..." Hindi siya nag salita.

"Well... Can we go out tonight? Mag celebrate tayo!" Sabi ni ate Tamara.

"Anong dapat i-celebrate hm?" I asked.

"Dahil one year na kami ni Butch!" Sigaw niya napangiwi na lang si kuya Marco. Dapat nga talaga itong i-celebrate dahil for the first time siyang naka isang taon sa kanyang boyfriend.

"Yuh! We're gonna celebrate tonight!" Sabi ko. "Sama ka kuya ah?" Sabi ko at nginitian siya. Napakamot na lang siya sa ulo.

"Susunduin ka namin mamayang 7 pm! Bye!" Paalam ni ate kumaway ako sa kanila. Mabuti na lang at may nagmamahal pa saakin si ate Tamara at kuya Marco, si Tita Beatrice kapatid ni mommy at ang kanyang asawa na si tito Dennis. Sa side naman ni daddy hindi ko close ang mga kapatid niya hindi rin naman nila ako kinakausap masyado kaya hindi kami close.

I wear plain v-neck shirt and shorts at naka sneakers.

"Seriously Sun? Susuotin mo yan sa Bar!" Sigaw ni ate Mara ng makita niya ang suot ko. And why are you wearing wig again?" Tanong niya na binuksan ang back seat. Tamad akong tumango at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Maganda naman ang buhok mo Sun bakit kailangan mo pang mag wig?" Ani ni ate Mara. Hindi ako kumibo. "Hindi ka naman ganyan sa New york ah? Bakit kailangan mong mag disguise kami naman ang kasama mo?" Dagdag niya. Hindi ako sumagot tumunog ang cellphone niya, Sinagot niya ito kaya natahimik na lang ako.

"We're here!" Sabi niya nang matapos mag park si kuya sa labas ng isang bar. Sa labas palang ay rinig mo na ang ingay galing sa loob.

"Halika dito ipapakilala kita sa mga kaibigan ko at sa boyfriend ko!" Ani ni ate Mara hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob. Sa isang mahabang sofa nakaupo ang iilang kaibigan ni ate Mara. Isa-isa silang lumapit kay ate at hinalikan ito sa pisngi.

"Congratulations to the both of you." Sabi ng babaing kaibigan ni ate Mara. Binalingan ko ang boyfriend ni ate Mara nakatitig siya sakin nginitian ko lang siya.

"Oh by the way guys this is Sun my one and only cousin!" Isa-isang bumati ang kanyang mga kaibigan saakin pati ang kanyang boyfriend. Tumango lang ako sa kanila.

"Pinsan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng babaing kaibigan ni ate Mara. "Of course pretty like me!" 

"Nice hair ah?" Sabi nung isang babae. Nagkatinginan kami ni ate Mara she knew it na ayaw kong malaman ng mga tao na wig lang tong pula kong buhok.

"Thanks." Sabi ko at umupo na tumabi sakin yung lalaki. Nakita kong papalapit na si kuya Marco at may kasama na itong babae must probably his new girl?

That Nerd Is A GangsterWhere stories live. Discover now