Kakarating ko lang sa bahay galing sa part time job ko sa talyer. Dise-nuwebe palang ako, fourth year highschool pero nag-tatrabaho na, nagkadeleche-leche kasi yung buhay ko nung biglang nawala yung gago kong tatay.
Saan siya? aba ewan, huling dinig ko sa kanya eh mamamalengke lang siya para hapunan. Jusko, anim na buwan na di parin bumabalik? gago sa ibang galaxy ata siya namalengke?
Pagpasok ko sa bahay, tumunog agad yung tiyan ko. Napakamot nalang ako sa ulo—di nga pala ako kumain buong araw. Sabog pa akong pumasok sa talyer, kasi nga, ang late ko na nagising. Di na talaga ako iinom!
"Walang pagkain?" tanong ko sa sarili kong, naguguluhan, nung binuksan ang takip sa pagkain. "E, bat andito 'to? Paasa ampota?"
"Vans? Asan kabang bata ka?" tawag ko sa nakababata kong kapatid. Walang sumagot.
Kaya't tinuloy ko na lang ang paghahanap ng pagkain sa ref—sana naman may natirang kahit biskwet o kahit isang lata ng sardinas.
Binuksan ko ang pinto, at boom—dalawang pitser ng tubig, ilang piraso ng sibuyas at bawang, at, syempre, 'yung uling na deodorizer na pinaglalaban ng hangin. Kung paanong ang ref namin, nagiging museum ng useless items, ewan ko na lang.
Sinubukan kong abutin yung mga cabinet, parang may milagro na mag-aabot na de-latang natira.
"Wala na," sabi niya, mahina pero parang may hint ng disapproval, "Inubos niyo yung natirang kalahating kilo ng baboy kagabi nung nag-inuman kayo nila Felix..... para sa pulutan."
Habang nagsasalita siya, kita ko na basang-basa ang suot niyang basketball jersey, pati 'yung maong na shorts na parang kakalabas lang sa isang pool party na hindi naman siya invited.
"Ubos na rin yung sabon panlaba" sabi niya, sabay pasok sa kwarto niya.
Ako naman, hindi na nakasagot at natulala na lang.
Matapos ang eksaktong limang segundo, dali-dali akong pumunta sa harap ng kwarto ni Vans. Huminga ako ng malalim
"Alam kong gutom ka, at alam ko rin gutom ako, kaso... next week pa kasi ang sweldo ko. Ayaw pa natin mamatay, diba? Gusto mo pa akong makita mag-graduate, diba? So, may plano ako, bro. Eto na, ha... plano ko, subukan mo ulit mangu—" hindi ko na natapos, kasi bigla niyang binuksan ang pinto.
"May utang pa tayong anim na pancit canton, walong itlog, at limang kilong bigas" sabi niya
"Eh kina Aleng Nen-"
"Di na sila nagpapautang sa atin yun nung di tayo ng bayad nang isang buwan"
"Ha? A-ah, oo nga pala..." sagot ko, medyo nauutal pa. Yumango na lang siya bilang sagot. Tumungo ako, hindi makatingin, at tuluyan nang humarap pabalik.
"Bumili ako slice bread tsaka ensaymada. Di mo nakita?"
YOU ARE READING
You Found A Match
Teen FictionGabing lasing, puro tawanan at biruan kasama ang mga pinsan, isang download lang sa Tinder... at dun nagsimula ang lahat. Si Victor, sanay sa gulo at kalokohan. Si Yasmin, sanay sa perfection at control. Simpleng laro, simpleng kilig...Magkaibang mu...
