"Honey, gumising ka na.." niyog-yog niya ako
"Ayuko pang bumangon!" Kinuha ko yung unan ko at nilagay sa mukha ko pero tinanggal parin ni mama yun at dahil ayaw kong magpaawat ay kinuha ko ulit yung unan at nagkumot
"Ayaw mo bang magaral?!" Naiinis na sabi ni mama, di naman agad nagfunction yung utak ko sa sinabi niya
'W-wait—did she just say that? Gusto ko nang pumasok!!'
Palipat-lipat kasi kami ng bahay kaya nadadamay tuloy pati ang pagaaral ko, pero okay lang naman eh bakasyon pa pero malapit na ang pasukan
"Oo na, sige.. maliligo lang ako" bumangon na ako at hinanda ang mga gagamitin ko
"Sige, magluluto lang ako"
"Okay"
Naligo kaagad ako, pagkatapos ay nagbihis na ako. Pumunta na ako sa baba at dumeretso sa kusina, Nakita ko kaagad si mama na nagluluto kaya umupo nalang ako sa table
"Oh.. gising na ba yung Kuya mo?" Tanong niya
"Hindi ko alam dyan" taray ko
"Huy! Gising na kaya ako!" Sigaw ni Kuya na kakarating lang at kakagising lang yata dahil may muta pa siya at baho niya hahaha!
"K!" Taray ko at pilit na binabaliwala ang mga asar niya sakin dahil ayaw ko'ng maging bad mood dahil excited na akong magpaenroll!
Ilang minuto ay natapos na si mama magluto at nilagay na yung mga pagkain sa mesa
"Kumain lang kayo ng kumain para may gana kayo mamaya" sabi niya
"Bakit? Saan po tayo pupunta?" Tanong ni kuya
"Ipapaenroll ko kayo"
"Ano!?" Muntik na maibuga ni Kuya yung iniinom niyang gatas
"Uy, easy hahaha!" Natawa ako sa reaksyon niya
"Tsk! Sige, maliligo lang ako" bigla siyang tumayo at umalis
"Ma, malapit lang ba dito yung school?" Bigla akong na curious
"Medyo.." sabi niya kaya napangiti ako dahil medyo malapit daw yung school, mabagal pa naman akong magayos at maghanda hahaha!
Pagkatapos ko'ng kumain ay nagtoothbrush kaagad ako at nagayos ng mukha at ng mga gamit na dadalhin ko
"Bakit ba ang tagal mo!?" Sigaw ni Kuya sakin kaya napasinghal ako
"Wow ha! Nahiya naman ako sa excitement mo!" Tinarayan ko siya at sumakay ng kotse
Habang nagbabyahe ay nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa huminto yung kotse
"Andito na ba tayo?" Di ko napigilang mapangiti dahil sa excitement
"Oo" sabi naman ni mama kaya bumaba na agad ako
Pagpasok namin sa school ay agad ko'ng nilibot ang paningin ko sa kabuohan nito. Malaki siya at ang ganda!
Pumunta kami sa Cashier para magbayad sa pagenroll ko dito at dahil marami pang pila ay iniwan ko sila Kuya at mama don para maglibot
Habang naglalakad, meron akong napansing lalaki kaya napatigil ako at pasimpleng pinagmamasdan siya. Maamo ang mukha niya, baby face, cute at syempre gwapo din! Natulala tuloy ako sa kacutean niya dahil sa malaki niyang pisngi!
Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga paa ko pero sinundan ko siya. May dala-dala siyang libro at laptop yata yun. Sinundan ko lang siya hanggang sa mapansin kong pumasok siya sa 'Faculty Room' nakasulat sa taas ng door kaya sumilip ako dun at nakita siya. Habang tinititigan siya ay bigla siyang humarap sakin kaya nanlaki bigla ang mga mata ko dahil nageye contact kami ng ilang seconds lang kasi umiwas ako ng tingin at umalis kaagad
"Ano ba yan! Bakit mo yun ginawa!? Ayun tuloy, nakita ka!" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad palapit kela mama, katabi lang kasi ng Faculty Room ang Cashier, ngayon ko lang napansin
"Oh saan ka ba galing?" Iritang tanong ni Kuya pero binaliwala ko lang siya at tumingin kay mama
"Tapos na ba?" Tanong ko
"Oo. Tara, bibili pa tayo ng damit" sabi ni mama, bigla namang sumikit ang pangit ko'ng Kuya
"Eh pano ako? Baka dumami yung pila dun eh.." sabi ni Kuya na iritadong-iritado na
"Ah, oo nga pala. Honey, dun lang muna kami ng Kuya mo sa school na eenrollan niya, malapit lang naman kaya dito ka lang muna, babalikan ka nalang namin" sabi ni mama, tumango lang ako
Nagsimula na akong hanapin yung area or room kung saan binibili yung uniform. Habang naghahanap, di ko napansing nawawala na pala ako kaya napalunok ako sa takot dahil sa halo-halong naiisip ng utak ko
"Nasan na ba ako?!" Takot ko'ng sabi sa sarili ko at dahil sa takot ay tumalikod ako at tumakbo kung saan ako dumaan kanina hanggang sa mabangga ako dahil sa katakotan ko
"Sorry" narinig ko'ng sabi nong nakabangga ko. Pagangat ko ng ulo ay napatulala ako sa gulat ng makita ko yung lalaki kanina!
Inabot niya sakin yung kamay niya kaya tinanggap ko nalang. Nang makatayo na ako ng maayos ay pinagpagan ko muna yung likod ko at pwetan bago siya tingnan
"Sorry ulit" sabi niya pero dahil nasindak ako sa kagwapohan niya ay naging speechless ako habang nakatitig lang sakanya "okay ka lang ba, miss?" Agad ako'ng na taohan ng magsalita siya, tumango nalang ako
'Bakit di ako makapagsalita!?'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya nagtaka ako at the same time ay kinabahan
'Anong nangyayari sakin? May nangyari bang masama? Bwesit! Magpacheck-up kaya ako?'
"Sige, alis na ako" sabi niya at umalis, ako naman ay nastatwa lang dito sa kinatatayuan ko hanggang sa maalala ko na hinahanap ko pala kung saan bibili ng uniforms. Bumaba nalang ulit ako, exacto naman ay nakita ko sila mama at Kuya na nasa baba na
"Ma!" Tawag ko kaya napatingin silang dalawa sakin
"Saan ka ba galing? Ang tagal mo naman.." nagaalalang tanong ni mama
"Di ko po kasi mahanap kung saan bibili ng uniform ko eh"
"Okay lang yan. Pumunta nalang tayo dito bukas" di ko alam pero napangiti ako
Lumabas na kami at pumasok sa kotse, agad namang pinaandar iyon ni mama. Pagkarating namin sa Bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama
'Grabe! Napagod ako dun ah..'
Di na nawala sa isip ko yung lalaki kanina hanggang sa di namamalayan ay nakatulog na pala ako
YOU ARE READING
My Teacher Is My First Love (EDITED)
RomanceItong story na to ay tungkol tungkol sa isang babae na nagkagusto sa teacher nya. Una Hindi nya sineseryoso Yung pagkakagusto nya sa teacher nya, Hindi nya namalayan na habang inaasar sya ng mga kaibigan nya at nung nakakaalam sa pagkahanga nya sa t...
