CHAPTER 1 (BOOK)

187K 2.4K 189
                                    

Ito po ang chapter 1 sa PUBLISHED BOOK. :)

        Para kay Chiquing Maganda. Thank you po sa cover ng EKAIN sa wattpad hanggang sa libro. Alabyu, Chiquiii! <3

O N E.

Nakangiti ako sa salamin habang tinitingnan ang sarili ko. Naka-soot ako ng isang magandang floral dress. Kitang-kita rito ang shape ng katawan ko. Nakakulot ang dulo ng mahaba kong buhok at naglagay din ako ng mga hair clips na nabili ko sa isang online shop. Gumanda tuloy lalo ang buhok.

              “Ang dyosa mo talaga, Chanel.” Bulong ko sa sarili ko bago tumalikod sabay kuha ng bag ko. Masaya akong lumabas sa kwarto. My god! Sino bang hindi sasaya? This is the day! Adam Levine! Finally! Sa tagal-tagal kong hinintay, makikita na rin kita!

 Nakita ko agad ang pinsan kong si Maeryll sa kotse habang naglalakad ako palabas ng bahay. Busy siya sa paglalagay ng make-up kaya hindi niya ako napansin. Nagmadali na ako sa paglalakad at agad ng pumasok sa loob ng sasakyan. Ilalagay  na niya sana ang make up kit niya sa bag niya pero niyakap ko agad siya. “Maeryll! Oh my god! Thank you sa free ticket! I love you, cous!” Napasigaw na ata ako.

Natawa siya at umiling na lang. “Excited?”

“Hell yeah! Matagal ko na ‘tong hinintay! My gooosh! Adam Levine!” Sigaw ko. Para pa akong baliw na tumitili-tili sa loob ng sasakyan. I’m a big fan of Maroon 5! At si Adam Levine talaga ang favorite ko. 

Nakikinig ako ng music ng Maroon 5 habang papunta kami sa venue. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Mabuti na lang at hindi traffic kaya nakarating kami agad sa  Araneta. Hinila ko agad si Maeryll pagka-park ng driver ko.

Nagta-trabaho rinto si Kuya Mac, kapatid ni Maeryll kaya naka-VIP agad kami. Iba rin  ang dinaanan namin para hindi na kami pipila pa at makipagsiksikan sa ibang fangirls. Kahit tagaktak na ang pawis ko ay nakangiti pa rin ako. My gosh, minsan lang ‘to. I don’t effin care kahit pag-pawisan pa ako. Makita ko lang si Adam ay ayos na ayos na!

Nakita ko agad ang malaking poster ni Calix Fontanilla sa tabi ng poster ni Adam pagpasok naming Araneta. Grabe, sino ba ang nagtabi ng poster ng Calix na ‘yan sa tabi ni Adam my loves? Napailing na lang ako at tumingin sa loob. Sobrang lapit ko talaga sa stage. Ang ganda ng pagkakaayos nila sa lahat. Kulang na lang talaga ang Maroon 5!

            Kumunot ang noo ko habang umuupo ang Smile for Calix na fansclub sa tabi ko. What the hell? Concert ‘to ng Maroon 5 pero may dala-dala silang tarpaulin ni Calix? At dito pa talaga sila tumabi sa akin? Yung totoo? Sinisira ba nila ang araw ko?

            Nagmusic na lang muna ako habang hinihintay na mapuno ang buong Araneta. Nakapikit lang din ang mata ko para makakuha naman ako ng konting energy para mamaya. Nireready ko rin ang boses ko para sa pag-sigaw ko. Kausap din ni Maeryll yung katabi niya na kaklase niya ata kaya hinayaan ko muna silang magtsismisan doon.

            Hanggang sa narinig ko na ang malakas na music sa Araneta. Moves like Jagger ng Maroon 5! Oh my god! Tuwang tuwa ako na parang bata habang nakikinig pa lang ako sa intro. Patay din ang lahat ng ilaw at ang makikita mo lang ay mga flash ng camera.

            Ang nakakapagtaka lang talaga ay ang pag-sigaw ng mga tao ng ‘Calix Fontanilla!’ at halos lahat ng nakikita ko ay mga fans din ni Calix. Wait..Ano bang meron sa Calix na ‘yan at siya ang sinisigaw dito? Concert ‘to ng Maroon 5, hindi ng pipitsuging Calix Fontanilla na ‘yan!

            Hanggang sa magsisimula na ang kanta ng Moves like Jagger. Nakita ko na rin ang spotlight at para akong baliw na tumitili  dito. Pero napatigil ako sa kahibangan ko nang marinig kong iba ang boses ng kumakanta. Kumunot din ang noo ko nang makita ko kung sino ang kumakanta.

                Hanggang sa may lumabas sa pinaka-gitna ng stage, isang lalaking ngiting-ngiti habang hawak-hawak ang mic.  At 'yun ay walang iba kundi si Calix Rio Fontanilla. Dahil na rin sa pagkagulat ko ay napasigaw ako ng isang malakas na “WHAT THE HELL?!”. Anong ginagawa ng unggoy na ‘to dito!? Nasaan si Adam Levine? Nasaan ang Maroon 5? Bakit ganito?! May ibang tumingin pero hindi nila ako pinansin. Tinatawag ko si Maeryll pero hindi niya ako marinig dahil nandoon na siya naka-pwesto sa mga kaklase niya.

//

♡ Parang preview lang po 'to. ♡

EX ko ang IDOL niyo (PUBLISHED) (Wattpad Presents: Feb 23-27)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon