Kabanata 5

3.3K 23 1
                                    

Kinabukasan, medyo naging masama ang pakiramdam ko. Hindi ko parin kasi makalimutan yung napanaginipan ko kagabi pero laking gulat ko na makita na naman yung diary na nasa side table ng kama na'to

OMG! Bakit nandito to? Ang pagkakaalam ko binalik ko na ito sa harap ng museo eh. Kaya kahit medyo pagod pa ko sa kakaiyak kagabi, dumeretyo na ko sa banyo at saka naligo.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Therese na inaayos na ang higaan ko

"Magandang umaga Miss Carmela" Nakangiting bati niya din sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya "Magandang umaga din" Inayos-ayos na niya ang kwarto ko at winalis-walis. Aalis na sana ako ng may maalala ako na itatanong ko dapat sa kaniya

"Uh Therese?" Nag aalangang pagtawag ko sa kaniya "Diba ikaw lang naman yung katulong ni Lola Emily na nakakalabas pasok dito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya

"Opo Miss Carmela. Bakit po ba? May nawawala po ba sa mga gamit niyo?" Nangangambang tanong niya na agad ko naman kinatawa. Akala niya siguro inakala ko na ninakawan niya ko haha

"Ay wala naman Therese! Itatanong ko lang sana kung may nakikita ka ba na na pasok dito para ilagay itong diary sa kwarto ko. Lagi ko kasi nakikita ito dito kahit binalik ko na sa harap ng museo" Bigla naman siya nakahinga ng maluwag sa sinabi ko

"Miss Carmela, sa pagkakaalam ko wala naman po napasok dito. Maliban na lang po kila Ma'am Emily at sa pamilya niyo po pero lagi naman po ako nakabantay rito pero hindi ko pa po nakikitaan na pumasok sila Ma'am at Sir dito sa kwarto niyo" Sabi niya na nakapag bigla sakin

Kung wala siyang nakikitang pumasok rito, sino ang maglalagay neto sa kwarto ko?

"Ahh sige salamat Therese bababa na muna ako" Paalam ko sa kaniya at saka dumeretyo sa harap ng mansion na kung saan nandoon ang museo ng Montecarlos

Ang bumungad sa akin ay ang dalawang painting na nasa harap. Yung isa ay kay Ginoong Juanito Alfonso at ang isa naman ay kay Lola Carmela

Bigla na naman ako nakaramdam ng pagkalungkot, naalala ko na naman kasi yung mga panaginip ko kagabi. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na tama ang hinala ko na si Lola Carmela ang babaeng minamahal ni Ginoong Juanito Alfonso pero papaano nangyare iyon? Eh sobrang layo ng agwat ng panahon nila haaay

Binalik ko na yung diary kung saan ito nakalagay. Aalis na sana ako ng bigla naman humangin kaya hinanginan ang pahina ng diary. Laking gulat ko na blanko pa din ang ibang pages pero may nakasulat na sa harap at hindi ako makapaniwala na sulat kamay ko yon! OMG! Paano nangyare iyon?!

"Carmela.." May tumawag sa akin at laking gulat ko na siya ang makikita ko "Juanito? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kaniya. Ang aga pa kasi at hindi pa bukas ang museo para sa mga tao

"Nandito ako sana para humingi ng sorry tungkol sa nangyare kahapon" Nakangiti niyang sabi habang nagkakamot sa batok. Bigla naman uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. My gosh! Bakit niya pa pinaalala?

"Ah yon ba? Ah ano ayos lang yon hehe" Ngiting hilaw ko sa kaniya habang naiwas ng tingin. My gosh Carmela! Bat ba ko naiilang? "Yun lang ba ang pinunta mo dito?" Tanong ko sa kaniya dahil ang totoo niyan gusto ko ng maka alis sa sitwasyon na'to. Nahihiya parin kasi ako huhu

"Ah hinde haha gusto din sana kita makita.." Sabi niya na naging dahilan para tingnan ko siya. Tama ba yung narinig ko sa kaniya? Kaya siya pumunta dito ay dahil gusto niya ko makita? Hinaharot ba ko ni Juanito?! My goodness!

"Bakit mo naman ako gusto makita?" Sabi ko sabay irap. Baka isipin niya ay madadala niya ko sa mga ganiyang salita ah?! No way! #HardToGet kaya ako!

I Love You Since 1892 Sequel FanficWhere stories live. Discover now