Pupulutin ko na sana, and nagulat ako ng biglang may nalaglag na picture mula sa scrapbook na yun.

Nakatalikod yung picture kaya hindi ko agad nakita ....

Nang damputin ko ito ... I was shocked! Ako to ah!!! Teka wait? Stolen talaga??? Picture ko nung birthday ko and sinurprise nila ako. Ang panget ko naman dito! Tska! Bakit nandito to? Sa Scrapbook si Daks?

Mas lalo akong nattempt na buksan to, I just want to check kung anong laman nito. Kaya lang naiisip ko din, na hindi naman sa akin to, I don't have any permission mula kay Daks na buksan to?

Bubuksan ko ba?

Nako wag na! Baka may makita ka pa!

Eh silip lang naman eh?!

Di naman sayo yan eh.

Gusto ko lang makita? May picture kasi ako eh.

Kahit na! Obstruction of privacy yan noh!

Aaayyyssssstttt!!!! Napalamukos na lang ako ng mukha ko!

Natetempt talaga akong tignan eh, Hhaayy!! Bahala na nga! Minsan lang naman eh ... Tsaka, naunang magobstruct ng privacy si Daks nung picturan niya ako ng stolen hahaha. Para quits na kami diba? Bahala na! Kung hindi ko makikita yung laman nito, papatayin naman ako ng curiousity ko. Bahala na. Di naman niya malalaman eh. Hahaha!

Ganun na nga ang ginawa ko. Binuksan ko na yung book ...

.

.

.

Sa bawat paglipat ko ng bawat pages ng scrap book na yun marami akong nalaman. Mas marami akong nalalaman sa mga nangyare 5 years ago.

And it hurts me, at the same time? Mas lalo akong napofall. Mas lalo akong naiinlove kay Daks ..

Knowing na sa lahat ng happy thoughts niya sa book na to ako pala ang laman ...

The first time you talked to me, inisnob kita pero tumatak ka na.

The first time na nagtext ka sa akin, tinago ko lang pero kinilig ako ng sobra.

Sa lahat ng mga bagay na pinagsaluhan namen, sa bawat araw na pinagsasamahan namen, lahat yun nakasulay dito. Lahat ng masaya. Lahat ng memorable, even the smallest thing. Lahat nakasulat. Lahat naalala niya. Lahat pinahalagahan niya. Lahat tumatak sa kanya.

And isang bagay lang yung nadudulot sa akin ng bawat pagbasa ko sa diary na ito, na mahal niya ako same moment na mahal ko na din siya. Nararadaman na niyang mahal niya ako pero natatakot siyang aminin, but then she continue to feel it, until she admit it.

Ewan ko kung kikiligin ako, ewan ko kung mabubwisit ako sa sarili ko kasi despite sa fact na mahal na pala niya ako noon pa man na mahal ko na siya, ay hindi pa rin yun yung nakita ko. Ang palagi ko lang nakikita is yung nagdedeny siya, is yung tumatanggi siya, yung bawat pagsabi niya na "Di kami talo", "Bestfriends lang kami", pero that is the most stupid thing yata na pinaniwalaan ko. Na hindi niya ako gusto. Niya hindi niya ako magugustuhan. Kasi sa bawat pagride niya pala sa pagpapakilig ko sa kanya noon, totoo na yung pinapakita niya, sa bawat pagsama pala niya tuwing iinvite ko siyang lumabas, may nararamdaman na din siya. Sa bawat paghug back niya sa akin, sa bawat pag I lasshuu too niya. Lahat pala yun totoo na! Lahat pala yun isa lang ang ibig sabihin. Nararamdaman niya yung pagmamahal ko, at sana naramdaman ko din na mahal niya na din ako.

Natatawa na lang ako sa kilig eh! At the same time naluluha din ako. Pero I must say, tears of joy to. Thank you sa kumot ko, may pamunas ako ng luha ko hahaha. Para akong baliw na ewan, umiiyak tapos tumatawa? Baliw lang?

BETTER WITH YOU KaRa <3 (Mika Reyes And Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon