Chapter 1: Awkward Beginnings

Start from the beginning
                                    

"Prinsesa, matulog na po kayo." sabi ni Manang sa akin.

Nagpaiwan pa kasi ako para tulungan silang maglipit ng mga table cloth.

"Ok lang po ako." ngiti ko kay Manang. Nakakapagod rin kaya sa parte nila. Kanina pa sila nagser-serve sa mga bisita, sila rin ang naghanda, nagset-up tapos sila pa rin ang magliligpit? Di ko yung kaya.

"Ok lang po prinsesa. Ito na lang din ang natitirang gawain. Nailigpit na rin ng iba ang sa kabila. Sige na po. Bumiyahe pa po kayo kanina. Tsaka si Prinsesa Chorong umakyat na rin."

-______- Ano raw? Mabait rin tong si Ate ano? Nagpaiwan ako kasi nangdito pa siya't tumutulong. Akala ko nag-CR lang, yun pala umakyat na sa kwarto? *clap hands* Very thoughtful.

"Ganun po ba? Ehh susunod na lang din po ako. Good night po." paalam ko sa kay Manang.

*yawn* Ang haba naman ng araw na ito. Imagine, kaninang umaga wala pang pake ang sister lab ko kay L tapos ngayon, ikakasal na yung dalawa. Pa'no ba iyon nangyayari sa isang araw lang? May number kaya si Papa kay Einstein? Baka kasi alam niya ang sagot xD

So, naglakad na ako paakyat sa kwarto NAMIN. Yes, namin. Pinagbawalan kami ni Papa na matulog muna sa kwarto ni Naeun, para daw makatulog ng mahimbing yung bagong prinsesa. Kung makaasta naman itong si Papa, nagdidisco pa kami sa loob magdamag.

Pagtapat ko sa pinto, nakita ko si Joon na naglalakad-lakad palapit sa akin. O.o Anong oras na ba?

"Gising ka pa?" tanong ko sa kanya, huminto naman siya sa paglakad.

"Ah oo, eh hinintay ko kayong anim na makumpleto sa loob."

Ha. Hinintay niyang makapasok kaming anim sa loob? Kaya hindi pa siya natutulog?

"Bakit kailangan mo yung gawin?"

"Ahm... Para sa safety niyo. Labas pasok kasi ang mga bisita kanina. Sinuguro ko lang na kumpleto na kayo."

Wow. Sipag. "Ahh...ganun pala..."

Insert awkward silence here. Ano pa ba ang hinihintay ng mokong na ito? Snow?

"Nangdito na'ko kaya pwede ka ng magpahinga." sabi ko at tinuro ang pinto ng kwarto pero hindi pa rin siya gumagalaw.

"Eh...hindi ka pa nakapasok."

Matindi siguro ang tama nito sa utak. Pwede naman akong pumasok agad pagkatapos niyang umalis.

Binuksan ko na lang yung pinto at pumasok sa loob (pero nakabukas pa rin ang pinto. lol.) "Sige na." sabi ko sa kanya kaso hindi pa rin siya gumagalaw.

"Isara niyo po yung pinto."

-_-" Ah ok. So kailangang nakasunod talaga sa utos niya. Eh di isara. *close the door*

Napabuntong-hininga ako. "Hay~"

"SINO YUN?"

"AY KABAYONG PILAY!"

Ginulat ako ng mga kapatid kong naka-face mask na may dalang flashlight. (specifically Hayoung at Namjoo)

"Shh. Tulog na si Ate Chorong." sabi ni Hayoung sabay tabig sa bibig.

"Ewan ko sa inyo. Sound-proof ang kwarto niya!" padabog kong sabi tsaka umupo sa may couch para tanggalin ang sapatos ko.

"Sino nga yung kausap mo ate--"

"Multo. Multo yung kausap ko. Ala-una na. Magsi-tulog na nga kayo! Aatakihin ako sa puso sa mga pinagagawa niyo!" kaya sa mga may sakit sa puso, pakiusap po, kung makikita niyo po ang mga kapatid kong baliw, lumayo na po kayo ng 100 meters para safe kayo sa kahit anong trigger ng heart attack.

II: A Little SacrificeWhere stories live. Discover now