Dahil Mainit ang Kape at Malamig ang Ice Cream.

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiling-iling naman siya.

 

“Zel. Zel, tignan mo ko.” Pinipilit kong itaas ang mukha niya mula sa pagkakayuko para tignan niya ako. Nagpupumiglas si Zel. Nang hindi ko na kaya pang timpihin ang sarili ko, tumayo ako at lumayo sa kanya ng konti at tapos naghintay ako ng sandali para maayos ko ang isipan ko. “Pitong taon, Zel! Pitong taon!” Nagulat siya pagkasabi ko nun. Malamang napalakas nga ang boses ko. “Halos pitong taon nang tayo pero wala kang maibigay maski isa man lang na dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa’kin?!”

Mas lalong napalakas ang hikbi niya. Hindi ko narin kayang itago ang sakit na nararamdaman ko, pero pinipigilan ko parin ang sarili kong magbasag o makasira ng gamit nila kaya sumipa nalang ako sa ere. Hinampas ko rin yung upuan niya, na ikinagulat naman niya, kaya naisipan kong tumigil na sa ‘pagwawala’ ko.

Bumalik ako sa sofang inupuan ko kanina at nagpalamig ng ulo ng konti. Di kalaunan, pumunta ako sa may lababo sa kusina nila at naghugas ng mukha. Medyo humupa na rin ang pag-iyak niya. Naglakad na ako pabalik sa sofa; medyo nahimasmasan na ko. “Dito ka lang muna, Zel, ha? Bibilhan lang kita ng paborito mong ice cream.” Naisip kong baka mapabago nito ang isipan niya. Hindi, iniisip kong mawawala ang sinasabi niyang break-up na ‘to sa isip niya pag nakakain na siya ng ice cream.

Pero hindi siya umimik.

Kumuha ako ng baso sa kusina nila saka dumiretso palabas ng pintuan. Habang naglalakad-lakad ay nag-isip-isip din ako. Nagsawa na kaya siya sa’kin? Naiinis na ba siya sa mga pagkakataong hindi ko siya naaasikaso? Inalala ko lahat ng mga bagay na pwede niyang idahilan sa’kin, inisip ko naman lahat ng pwede kong isagot sa mga yun. Pero, walang tugma e. Iisa lang naman ang sagot ko sa lahat ng magiging dahilan niya.

It’s not you, it’s me. Mahal kita, kaya kahit ano pa yang pinagdadaanan mo, kaya nating dalawa yan.

Nasasakal na ko; I need space and time. Mahal kita, pati yan kaya kong ibigay sa’yo. On a limited basis nga lang. Besides, never kitang sinakal kasi napakaluwag nga natin as couples kaya hindi pwedeng dahilan yan. O baka naman...

May iba na ‘kong mahal. Psh. Mahal kita! Basta mahal kita! Tanggalin yan sa listahan, hindi yan pwedeng mangyare kahit kailan.

Itinigil ko muna ang pag-iisip nang makarating ako sa tindahan ng mga ice cream dito sa village nila. “Sampung pisong sorbetes nga po manong. Saka... isang limang piso. Sa plastic cup nalang po.” Konti lang inorder ko para sa’kin kasi hindi naman ako mahilig sa ice cream. Kinakailangan ko lang talagang magpalamig ng ulo.

“Sandali lang iho.” Kinuha ni manong ang basong hawak-hawak ko at sinimulan niya itong lagyan ng sorbetes.

ONE-SHOT: Dahil Mainit ang Kape at Malamig ang Ice CreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon