--
Ang aga aga, umuulan? Wala naman akong problema sa ulan,masaya nga ako pag umuulan,sobra,pero ngayon mukhang hindi,kase may pasok nanaman sa isang impyerno.
Unang araw ng pasukan,umuulan,magiging maganda siguro ang araw na to, sana.
Ako si Dheanne Mariel Castro,15 years old
Tinatawag akong isang.... delinquent
Pero sa totoo,normal na babae ako,nagmumukha akong isang delinquent,bakit? Kase palagi akong nasa likod ng school,kasama ang iba kong kaibigan. Pero magbabago yan ngayon,kase nilipat ako sa ibang eskuwelahan,gusto daw nila akong magbago, huh? Me? Magbago? Sino ginagago nila dito? Sarili nila? Anyways, yan lang dapat ang malaman niyo tungkol sakin. Wala namang magiging kwenta kung sasabihin ko lahat ng tungkol sakin, hindi naman ito slam book eh,diba? So why should i give out small or big info about myself?
Bahala na si batman dito,basta mag aayos na ko para sa unang araw ng pasukan,sa bago kong eskuwelahan. Punyeta
---
Dheanne Mariel Castro
Bumaba ako ng kotse,at ang nasa harap ko ngayon ay.... Xavier University? Diba ang school na to ay may mga dorms? Hm,pake ko,mas maganda nga yun keysa sa bahay namin,wala ng mga mangugulo sakin
Binuksan ng driver ang pintuan na nasa harap ko na may hawak na isa pang extrang payong, kinuha ko naman ung payong, tinignan ko ang driver namin at sinabi ko na
"Pasabi kela mama na gusto ko mag dorm dito. Paki sabi narin sa mga maids na iempake lahat ng gamit ko at ilagay ung mga damit ko sa green kong suit case,especially ung nagiisang stuff toy sa kama ko. Itetext nalang kita paguuwi na ko. Paalam manong." Tumango lamang si manong bilang sagot at bumalik na sa kotse,hinintay ko siyang makaalis bago pumasok sa loob ng university na to.
YOU ARE READING
Familiar
Teen Fiction"Ayoko sa mga Tanga,umasta ka palayo dito" "Bobo ka ba o sadyang tanga ka lang?" "Hanggang saan abot yang katangahan mo? Mars o pluto?" -Dheanne Mariel Castro
