~Chapter Three~

2.3K 64 3
                                    

*MICHELLE'S POV*

Bagong umaga, bagong sama ng loob. Alas tres kami ng hapon pupunta doon sa gubat na pagpupuntahan namin. Hindi ko naman alam na balak pala nila kaming gawing taong gubat emz. Aga aga, ang corny corny.

Angas nga ng pangalan nung gubat na pupuntahan namin eh. Mystical forest. Panis pangmayaman, pang out of the world. Ngayon ko nga lang din nalaman na may nag-eexist na ganyang gubat. Alam ko lang Amazon forest.

Anyway 8:00 na ng umaga ngayon at hindi naman halatang excited ako. Excited naman ako mga fifty percent lang ganon.

Pagkababa ko ay walang tao. Pumunta kasi sila mom and dad sa bussiness trip nila tapos sila manang naman baka nasa garden o nagpapahinga at si kuya Alvy naman ay kasama nila mommy.

Kaya ayon ngayon, alone ako dito sa bahay. Sino ba naman ako para magkaroon ng kasama diba? Emz. Drama teh ha.

At dahil nga sa pagdadrama ko dito nakarating na ako sa ref namin and then tumambay sa loob nun, emz. Umagang kay corny.

I opened our ref at pagkatingin ko puro fruits and veggies. I'm craving for something sweet pa naman.

Kaya naman doon ako lumipat sa isang ref. Panis na naman kayo sa kusina namin, dalawa ref hayst. Kami lang to guys.

I took some chocolates and went inside my room. I ate some wispa gold and vosges haut. Mga pasalubong yun sakin nila mom and dad last time.

-------

Hours passed. Nalagay ko naman na yung mga things ko inside my car so wala na akong proproblemahin. I'm wearing black croptop and black skinny jeans.

At oo nga pala nagsuot din ako ng black na cap and nagshades. All black ang ganap ko ngayon. Mukha tuloy akong pupunta sa patay.

I went inside my car at magpapahatid na sana but our driver is no where to find. Kaya nag uber na lang ako kaya pinalipat ko na lang kila manang yung mga gamit ko.

---
After so many minutes na I think hour na ata yun nakarating na rin ako dito sa airport at ibinaba na yung gamit ko.

I saw my classmate kaya pumunta na ako sa kanya.

Ewan ko kung anong name nya. Di naman kase ako friendly eh minsan lang pag trip ko. Feeling ko kasi ayaw nila sa akin kaya hindi ko talaga sila kinakausap kapag hindi nila ako kinakausap na una. Katakot beh.

Lumapit na ako while carrying my things at tumabi sa kanya. At naghintay na sa iba naming kaklase.

----
We took a private plane, big enough for us to fit in. Kinuha ko yung phone ko because of boredom.

Nakatulog nalang ako dahil wala na akong magawa at paggising ko ay saktong landing na ng eroplano.

Naglakad lakad na kami at sumakay ng nakaantay sa aming bus at maya maya lang ay we're here na sa bungad ng mystical forest and I found something weird in this forest. Parang may something. Hindi ko alam kung anong something, basta may someyhing na hindi ko maipaliwanag. Magulo ba? Ayos lang yan, parang buhay mo. Namemersonal na ata ako dito, wala naman akong galit. Sama ng loob lang.

Anyway, haba ng oras ng ano. 9 hours beh. Alas dose na ng madaling araw. Hindi ko nga alam kung saan na tong lupalop ng mundo. Kung sa America o whatever jusko.

"Class, so here we are, the Mystical Forest."

"Sir, may mga activities po ba tayong gagawin dito?" I asked.

"Yes, at pupunta tayo ngayon sa gitna ng forest para dun magtayo ng tents na dala naming mga teachers. At ang paalala lang naming mga guro is wag kayong gagala ng gabi at wag din kayong pumunta sa dulo ng gubat dahil sabi ng mga malapit dito ay meron daw gumagalang mga weird creatures dito just follow us to keep your safety." Eh bakit dito niyo pa napili, mga siraulo din ata kayo eh. Joke only, baka ma-expel.

Pero kahit na ganoon ay kinabahan pa din ako. Baka may zombie dito tapos kainin kami, rawr. Anyway, sumunod nalang ako sa kanila na inoobserbahan ang paligid.

Tanging liwanag lang ng buwan at flashlights na dala namin ang nagbibigay liwanag sa madilim na gubat na ito. At nang makarating kami sa gitna ng gubat ay namangha kami dahil napakaraming lumilipad na fireflies nakakapagpadagdag ng liwanag sa paligid.

Inutusan na kaming magtayo ng sari-sariling tent at gumawa na ang iba ng bonfire.

"Hi Michelle!" Rinig kong tawag sa akin ng kasama ko sa tent habang nag-aayos kami nito.

"Kilala mo ako? " Gulat na sagot ko sa kanya.

"S-syempre, m-model ka diba?" Pinanliitan ko siya ng mata dahil nautal pa siya.

"Hmm, sure. Just call me, Elle. Too long kapag Michelle or whatever you prefer. Kayo naman magsasayang ng laway eh."

"Okay then. I'm leanne and this is my friend Raquel" Kumaway pa yung isa sa akin kaya naman ay nginitian ko nalang din sya.

"Okay, let's sleep. I'm tired" Sumang-ayon na din sila dahil pagod na rin ata sila. Who wouldn't be naman. Ang lakas kasi ng tama ng kung sino mang nagdesisyon na alas tres kami umalis. Ayan tuloy, madaling araw na kami nakarating.

Nag-ayos na kami ng sarili dahil nga sa pagod at natulog na. May narinig pa akong kaluskos sa kung saan pero hindi ko na rin pinansin kasi antok na antok na talaga ako.

"RISE AND SHINE!!" Napabalikwas naman ako dahil sa kung sino mang bwisit ang gumamit pa ng megaphone kahit ang aga aga.

Labag man sa kalooban ko ay tumayo na ako at ginising yung dalawang tulog mantikang kasama ko dito sa tent.

"Leanne, Raquel gising na!" Sigaw ko kaya bigla rin silang napabalikwas ng bangon.

"Nakakagulat ka namn Elle. Aatakihin ako sa puso sayo eh."

I rolled my eyes.

"Buti nga ginising ko pa kayo eh."

"Ehh sorry na, nagulat lang talaga kami" sabi ni Raquel.

"Ok lumabas na tayo baka tayo nalang ang kulang."

Pagkalabas namin pumila na rin kami at kung sino daw yung kasma mo sa tent yun din daw kasama mo maglakbay ughhhh! And I hate it.

"Class, maliligo kayo sa ilog dito sa loob ng gubat at malapit lang yun. Kumuha na kayo ng mga gagamitin nyo at pumila ulit dito ng kasama nyo ang kasma nyo."

Ughhhh! So annoying!!

Kumuha na ako ng gamit sa tent kasama yung dalawa. Naguusap silang dalawa but I can't understand kung anong pinaguusapan nila. Hindi naman talaga ako nakikinig in the first place.

While preparing our things, I left my necklace na and we went outside na.

~End of chapter 3~

The long lost goddess princessWhere stories live. Discover now