Napangiti ako at muling nahiga sa kama. Niyakap ko ang unang ni Tessa at inamoy iyon. Her scent lingers.

"Good morning."

Napalingon ako sa bumati at nakita si Tessa na lumabas ng banyo na naka bathrobe lamang at may tuwalya pang nakapaikot sa ulo niya.

"Good morning, sana ginising mo ako para sabay tayong nag shower." Pilyong sabi ko at napangiti ako nang manlaki ang mga mata niya at mamula ang pisngi niya. Payag akong magising ng ganito araw araw. Damang dama ko sa dibdib ko ang labis na kasiyahan.

-

Nang mga susunod na linggo ay naging abala kaming pareho. Ako ay naghahanap ng apartment na malapit sa office kasama si Jacob habang siya naman ay nag aaral. Sa gabi ay madalas na akong dumadaan sa bahay ni Miss Tessa at doon natutulog. Hindi naman kami magkatabi, madalas ay nasa sofa ako at siya naman ay nasa kama. Maigi na rin iyon dahil baka isipin naman niya na lumalabis na ako, napagbigyan lang ng isa ay aaraw -arawin na.

Si Chino ay nasa kanila at doon busy, talagang haciendero na yata si brad, tatawanan namin 'yon kapag naka sombrero 'yon at nakasakay sa kabayo. Si Esso naman at si Julian ay nag paplanong magsimula ng restaurant nila na noon pa nila gusto. Nagawa ng presentation yung dalawa na ipapakita sa parents nila para pautangin sila ng puhunan. Sabi nga namin ni Jacob papautangin namin sila ng tig -isang libo eh, ayaw namang tanggapin, minura pa kami.

Yung prospect nilang lugar ng restaurant ang ganda ng pwesto. Medyo malapit lang din siya sa office namin. Ang kaso lang medyo maraming kalaban pero naniniwala naman kami sa kakayahan n'ung dalawa saka sigurado di naman sila papayag na di sila magiging successful. Kahit gan'on sila, alam namin na goal seeker ang dalawa 'yon.

Si Jacob hindi masyadong nag ke-kwento sa mga ginagawa niya pero parang nagkakalat yata siya ng lahi. Pasimple si brad, saka parang hindi siya aware sa pagbabagong nangyayari sa kanya. Kahit naman di niya sabihin alam namin na kaya siya nag kakagan'on ay dahil mapait pa sa ampalaya ang isang 'yon.

-

​Matapos ang matagal na pakikipag sa palaran ni Esso at ni Julian, mga isang buwan mahigit lang naman ay pumirma sila ng kontrata para sa lease nang prospect nilang building. Palagay naman kasi namin pinahirapan lang ng kanya kanya nilang mga pamilya yung dalawa na 'yon pero pahihiramin naman talaga sila ng pampuhunan. Well siguro ay tinuturuan din kasi sila ng leksyon at ng mga bagay tungkol sa negosyo. Lalo pa at may business na rin talaga sila Julian sa kanila at ganoon din yung kambal.

Sobrang excited kami para sa restaurant. Nag drawing kami ng Jacob ng interior na gusto nung dalawa. May itaas iyon na gagawin nilang opisina at may sleeping area rin sila na gustong ilagay. Mas mukhang si Julian ay gustong doon na tumira. Si Esso naman ay ganoon din pero mas si Julian. Ang laki ng kusinang gusto nung dalawa. Target nilang makapag open bago mag bagong taon. Mahigit kalahating taon din ang gugugulin namin. Kaming lima na rin ang nag mamanu -manong gumawa ng mga dapat ayusin. Nagtitipid din kasi kami dahil limited ang budget. Kami ni Jacob ay dume -deretso sa restaurant para tulungan sila pagkatapos ng office hours namin. Pagkatapos namin doon ay saka pa lang ako nakakapunta kay Tessa.

Sa tuwing pupunta ako sa bahay niya ay may mga panahon na halos matutulog na lang ako. Dinadala na ako ng antok palagi dahil sa pagod.

Hindi naman siya nagkukulang sa pag aasikaso sa akin. Gusto ko na ngang yumaman kasi gusto ko ng mag asawa. Nakakatawa na kakasimula pa lang namin pero pag aasawa na kaagad ang naiisip ko. Bakit naman kasi hindi? Masarap yung ganitong yung mahal mo ay sobrang pag aalaga sa'yo. Araw araw mas lalo kang na I -in love sa kanya.

Hindi pa namin napag uusapan kung ano na ba talaga kami, pero sa palagay ko naman kasi ay wala na namang dapat pag usapan dahil nagkakaintindihan na rin naman kami.

-

"Hi, Miss." Bati ko kay Miss Tessa nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Bumili ako ng bulaklak sa nadaanan kong flower shop papunta sa apartment ni Miss.

Kinuha niya iyon at ngumiti sa akin.

"Hello, Mr. Rodriguez, thank you sa flowers." Nilakihan niya ang bukas ng pintuan at pinapasok ako. "Anong meron? Tanong niya

"Wala po, I miss you lang."

"I miss you too. Thank you ulit."

Tangina, pigil na pigil na naman akong mapabungisngis dahil nakakahiya naman sa kanya tapos sigurado mukha akong adik n'on.

"Walang anuman po, Miss."

"Kumain ka na ba?" Tanong niya sa akin habang inayos ang bulaklak sa vase na kinuha niya sa lamesa. Sarap naman pakinggan ng tanong na 'yon.

"Hindi pa nga eh, ikaw ba?" Balik tanong ko sa kanya.

"Hindi pa rin eh, tara let's go out." Kinuha niya ang wallet niya at lumabas kaming dalawa. Doon kami nagpunta sa dati na naming pinupuntahan. Nag order lang kami ng sisig at kanin tapos as usual nag order siya ng beer. Natatawa ako. Parang yung dati lang.

The best pa rin talaga para sa akin yung ganito. Yung simple lang. Para sa'kin kahit wala kaming ginagawa ay okay lang, basta magkasama kami. Quality time palagi.

Masarap pa lang mag aksaya ng oras kasama ng taong mahal mo.

Nang gabing iyon ay sa apartment niya ako natulog, magkatabi kaming dalawa at hirap na hirap na naman akong matulog. Kada kibo niya ay nabubuhay ang dugo ko.

"Miss? Gising ka pa ba?" Tanong ko sa kanya. Tangina, bakit kaya tinatanong pa, eh?

"Hmm? Bakit?" Sagot niya.

Hindi ako umimik at hindi rin ako kumibo. Tangina, eh ano naman kung gising pa siya? Naramdaman ko na yumakap siya sa'kin at literal na napatigil ako sa paghinga, mga limang segundo siguro.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim at saka ako pumaling sa kanya at ikinulong na siyang muli sa bisig ko.

Tangina, ito na naman si Pipo, mukhang sasabak na naman sa matinding pagragasa ng damdamin at tiyak na uumagahin na naman, Puyat si brad.

Kakain na ako ng balut bukas.

-

Kasabay ng mabilisang pag sasaayos ng restaurant ay isinama ako ni Boss Zac ng Dubai. May kakausapin daw kasi siyang kliyente r'on. Pumayag naman ako at nagsabi ako kay Miss Tessa, masaya siya para sa'kin at pareho kaming excited para sa mga bagay na bago kong matututuhan. Mga tatlong linggo lang naman kami doon kaya ayos lang. Business trip lang talaga. Isa pa ay sayang ang opportunity, all expenses paid ng company eh.

Parang sinasadya naman talaga ni Boss Zac na paghiwalayin kami ng mga projects ni Jacob eh, hindi rin niya kami pinagsasama sa iisang team. Conflict of interest na rin kasi siguro.

Naiinggit nga si Jacob kasi hindi siya isinama ni Boss Zac, sa iba siya ipapadala ni Boss. Doon lang sa kabilang opisina namin, nakakatawa kasi one hour away lang mula sa opisina namin yung pagdadalhan sa kanya. Doon daw muna siya.

Hindi naman siya makaangal dahil utos ng boss. Si Boss naman ay ibinilin kay Jacob at sa ibang empleyado yung panliligaw daw niya na parang hindi naman kay Miss Sadie. Wag daw kakalimutan ni Jacob na bumili ng kape doon. Tangina, parang walang kape sa office eh.

Ipinag ayos pa ako ni Tessa ng mga gamit ko para sa business trip namin. Tangina, kapag ganito ay talagang parang ang sarap mag asawa. Sa susunod isasama ko si Tessa sa mga trips namin. Yung iba kasi sa team kasama yung mga pamilya nila eh. Pumapayag naman si Boss Zac, kaso nga lang hindi na kasama sa gastos ng company 'yun pero okay lang naman, instant bakasyon na rin naman lalo pa kapag mabilis natatapos yung mga dealings.

-

Bago kami tumulak nila Boss Zac papuntang Dubai ay nag date muna kami ni Miss Tessa. Maghapon at magdamag kaming magkasama na dalawa at ginugol ang oras sa mga bagay na gusto naming gawin.

Siguro sa pagbalik ko sasabihin ko na sa barkada yung tungkol sa'min. Pag uusapan muna namin ni Tessa syempre. Sabik na akong ipakilala siya at sabihin sa lahat na ako ay sa kanya at siya man ay ganoon din. Tiyak na magugulat sila sa sasabihin ko. Naiimagine ko na ang pagmumukha n'ung apat once na ipakilala ko na sa kanila si Miss Tessa. 

-

Lovely Little LonelyWhere stories live. Discover now