1- Castle- like

1 0 0
                                    

QUEEN

One word. Wow...

Para akong nasa isang castle pero mukhang school dahil sa mga nag kakalat na mga estudyante. But I realized na iba iba ang kulay ng blouse at polo ng mga estudyante.

Blue, White and Red ang mga kulay na nakikita ko.

"Don't worry, President na ang bahala mag explain sayo Miss Icy" sabi ni Thomas.

Tumango nalang ako at nagulat nung nakita ko yung braso niyang halos ma freeze na dahil sa yelo. Kung kanina, yung part lang na nahawakan ko ang nagyelo, pero mgayon halos buong braso niya na.

"Im okay, I can see in your eyes that you are worried on my arm.... I am not actually expecting someone like you coming in this school. Kasi dati pa nung nagkaroon kami ng estudyanteng with the same powers as you." He said at nginitian ako.

"Huh?" I asked

"Now let's go, kanina ka pa niya hinihintay." He walked away at sumunod nalang ako sa kanya.

Pero while walking, nakikita kong tinitignan ako ng mga estudyante at binubulungan.

"Is she new?"

"Sus, mukhang mayabang"

"Hot"

"Mas maganda naman ako sa kanya noh"

"Shirt and Jeans? Tapos naka sneakers lang? How cheap"

"Don't mind them, mga kabataan talaga ngayon" he said at nakapamulsa pa siyang naglalakad.

Tinignan ko ang mga taong binubulungan ako and I shot them ang glare. Mukhang natigil naman sila.

"Look at Sir Tom! He's hot on his casual clothes"

"What a hunk"

"And that's true" Thomas said while grinning. Nagulat ako ng tinawagan siyang Sir, mukhang di naman halatang teacher ito. We stopped on a door and Thomas entered without knocking.

"Learn to knock sometimes Thomas" sabi ng isang matandang lalaki with his eye glasses. He's writing something on his desk table. Mga nasa 70's ata itong matandang to.

I started to scan his room at nakita ko ang plate name niya sa desk.

"You must be Queen Julianne David?" He asked and I nodded. Tinatamad akong magsalita dahil nakakapagod yung mga nangyare sa araw na to.

"President I'll go now, I'll go get her luggage" sabi ni Thomas at sinara ang pinto.

"Have a sit" the President offered.

Umupo ako sa harap niya at kinuha niya ang isang paperbag na nakapatong sa isang table.

"This will be your uniform and here's your schedule for today. Madali lang naman hanapin ang mga classroom mo miss Julianne. For your dormitory, you'll need to take northeast and you'll see your dormitory. Go to the Star building dun mo makikita ang kwarto mo." He smiled.

I nodded at kinuha ang paperbag at schedule ko. Gusto kong magtanong sa kanya kung anong klaseng tao ako at school nato pero mamatay na ata ako sa pagod.

Umupo siya sa swivel chair niya, he took off his glasses and started to wipe his glasses.

"Kilalang kilala ko ang mga magulang mo, lalo na si Sebastian" sabi niya.

"Si Dad po?" Tanong ko and he nodded

"Bata pa noon ang tatay mo, nandito na siya sa Academy. Isa siya sa mga naging magagaling na taga protekta ng Alba. That's why he became one of the leaders of the Four Colored League. Nakilala niya noon si Alicia na isa rin sa mga pinuno at ayon, nagkatuluyan." Tumawa siya at tumango tango ako.

Naiinis ako dahil itinago nila ito. Is that the reason why I don't have friends? Kundi si Yan lang na pinsan ko? Wait... I don't know kung tunay na pinsan ko siya. Naguguluhan nako.

"I understand what you feel Iha, they need to hide you from the Dark League. Noon, nagkaroon ng isang malaking gera dito sa Alba o mas kilalang, 'The Great War of Alba', laban sa Dark League. They are after our lives, kaya nila nagawang protektahan ka at itago sa mundo ng mga tao. At ngayon, ipinadala ka dito sa Academy dahil alam na ng Dark League na may anak si Sebastian at Alicia..." sabi niya at nagulat ako.

"W-what did my parents have done? Bakit ganun ang galit nila samin?" Tanong ko. This is the first time in my life I got so scared as hell.

"Sebastian was the one who killed their late King, and now his son is seeking revenge for his father kaya mag iingat ka. At sinisi rin nila si Alicia sa pagkamatay ng isa pang anak ng kanilang hari"

"S-si Mom?" Tanong ko and widen my eyes.

"Oo, you see, one of the skills that you Mom has is archery kahit sa malayong lugar kaya niya. She's trying to shoot the Queen of Dark League pero nakita ito ni Samuel, his first born son na tagapagmana ng korona, sa bilis ng pangyayari, si Samuel ang natamaan."

Napalunok nalang ang ako and tried to calm my mind na gulong gulo na.

"That's why they they are protecting you Iha, mag iingat ka, lalo na sa Dark League they are after you. Kaya kita pinasundo kay Thomas, isa sa mga pinakamalalakas na guro dito. Iyon rin ang rason kung bakit hindi ka hinatid ng mga magulang mo dahil matratrack sila kapag nakarating sila sa doon sa forest. Ang forest na yon ay ang daan para makarating sa Alba. Kaya delikado para sa kanila na dumating doon." He said

"You need to rest Iha, you can go" tumango ako at nagpasalamat. Gulong gulo parin aking isipan kaya nagpasya akong matulog na.

I want to rest. Sana bukas nalang ang firstday ko. Habang naglalakad at pinauusapan nanaman ako ng mga estudyante dito. Kinuha ko ang sched ko sa itim na envolope.

Luckily, tommorow pa ang magiging first day ko kasi bago pa ako.

I stopped to the Star building at nakita kong, sobrang tahimik nito. Creepy perhaps? Pero sabi nga ng paborito kong Anime character na si Detective Conan, ghosts are not true, they are made by human's mind ika nga. Sumakay ako sa elevator at hinanap ko agad ang kwarto ko. It's easy na hanapin ang kwarto ko dahil may pangngalan naman na nakalagay sa pinto. The first and second floor ay para sa mga babae at ang third at fourth floor ay para sa mga lalaki.

I look around at parang kokonti lamang kami dito. I wonder kung nasan yung iba na natutulog kasi konti lang ang may mga pangngalan sa pinto.

QUEEN JULIANNE DAVID. Basa ko sa gintong naka carve sa pinto ko.

"You're new?" Narinig ko ang salita mula sa likod ko. I turned back at nakita ko ang isang babaeng mas maliit sakin. She has big eyes that sparkles at may mga ngiting nakalagay sa kanyang labi. Naka french braid siya at may braces. She has a slim body at maputi. She's pretty enough for me.

"Call me Sara." She said at nilahad ang kamay niya. I lazily shook her hand.

"Well then Sara,  I really need to sleep now. See you whenever again" Sabi ko at humarap sa pinto. Tsaka kong narralized na wala pala itong doorknob

Tinaas ko ang isa kong kilay and trying to figure out kung babalik pa ako kay President o matutulog nalang ako dito sa labas.

"Uhm, Queen, you should place your hand there." Sara told me at tinuro ang hand detector sa tabi ng pinto.

"Uhh Thanks" Nilagay ko ang palad ko sa detector at nagslide ang pinto pabukas. Nilingon ko ulit si Sara pero nawala na siya, weird?

If I'll describe my room, it looks like an attic. Spiderwebs and dust everywhere pero kumpleto ang gamit. May cr, one small round table at chair, kitchen tools, cleaning tools and a wooden closet lahat ito ay mukhang bago pa and ofcourse may single bed but it looks like dusty.

Nainis ako kasi walang kahit ano mang entertainment sa kwartong ito.

I saw my luggage na nakalagay malapit sa closet ko. I wonder kung pano nakapasok si Thomas. Pero tinamaan ako ng antok, pagod at gutom.

I have no choice to clean my room and it took me 3 hours cleaning and organizing my things. After that, natulog na ako without eating anything.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alba AcademiaWhere stories live. Discover now