Catch Me If You Dare!

1.2K 35 3
                                    

Prologue

Wearing my black cap that hid my long gorgeous hair, a black face mask that covers half of my face exposing my tantalizing eyes, and a fvckin janitress outfit, I kicked the bastards ass three times. Bumagsak sya sa malamig na tiles ng restroom na kinaroroonan namin. Hindi sya nakatayo dahil sa lakas ng pag-atake ko. I smirked. Ganyan ako kalakas kahit na isa akong babae.

"Oh sh*t! Sino ka ba-ASDFGHJKL!" Hindi na sya nakapagsalita ng maayos nang pasakan ko ng crumpled toilet paper and oh-so-yuckie-and-bloody-napkin ang bibig nya na kinuha ko mula sa basurahan. Good thing may suot akong gloves. Masyado syang madaldal. And that's so irritating.

Iniluwa nya ang nilagay ko sa bibig nya and he tried to stand. But the poor little bastard failed because in just a split of a second, I quickly kicked his fvckin face. Tumama ang likod nya sa isa sa mga cubicles at nadagdagan lang lalo ang dugo sa mukha nya.

Nakarinig ako ng mga yabag sa labas. Here we go again. Mga pulis and securities na insecure ata sa akin.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Sa tingin nila magpapahuli ako ng ganun-ganun nalang? Sheesh! Inilabas ko ang isang baril and I put the silencer. Itinutok ko ito sa bastardong nasa harap ko habang nakatingin sa mga mata nya.

"W-Wag..." umusad ang likod nya paatras. I smirked kahit na hindi nya nakikita. Nagmamakaawa rin pala ang mga devils huh? Nakakatawa.

Agad syang tumayo. But it's too late.

"AAAAAAHHHH!!!" Dumagundong ang pagsigaw nya nang barilin ko ang magkabila nyang binti. Yeah right. Sa binti lang naman. And besides, hindi naman sya mamatay dahil hindi naman yun bala ng baril. Sabihin nalang nating pangpamanhid lang iyon ng katawan.

Hinipan ko ang dulo ng baril at saka ito nilagay sa bag ko. Papalapit nang papalapit ang mga yabag. At base sa tunog nito, isang batalyon sila.

Pumasok ako sa isang cubicle. Isang bintana ang nakita ko. Agad ko itong sinira. Doing this for years made me a professional. Yeah. I'm a pro. Kayang-kaya kong pagnakawan ang sinuman kung gugustuhin ko lang. Kayang-kaya ko ring pumatay nang walang naiiwang ebidensya. It's up to me kung gugustuhin ko. But this bastard? Isa lang syang walang muwang na kuting. Hindi ako mag-aaksaya ng lakas sa isang tulad nya. Hindi ko dudumihan ang kamay ko kung hindi rin lang naman tigre o leon ang kaharap ko.

"Nasan sya?!" narinig kong tanong ng isang lalaki. Narinig ko nalang ang mga yabag papunta sa kinaroroonan ko. Shiz. Insecure talaga tong mga to. But I'm not ordinary. Hulihin nyo ko kung kaya nyo.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay nagawa kong lumabas mula sa bintanang iyon.

"Fvck!" Sinilip ko ang lalaki. Hindi na naman maipinta ang mukha nya. Nakakatuwa talagang paglaruan ang 'feeling detective' na to eh. Why 'feeling detective'? Because he is not a detective for ME. He's too young. Period.

Guess where am I? Nakatungtong lang naman ako sa itaas ng bintana habang nakakapit sa pwedeng kapitan. Yeah. I am SpiderWoman, Catwoman, Nikita, o kung anuman ang gusto nyong itawag sakin.

Tumingin sa ibaba ang 'feeling detective' na yun. Napailing-iling nalang sya realizing na imposibleng tumalon ako mula sa 29th floor ng building na to. Stupid. Seeing kung gaano nalang kaliit ang mga bagay habang tinitingnan mula rito sa taas, siguradong sa impyerno ang kahahantungan ko nito pag ginawa ko yun.

Then maya-maya ay umalis na din sya sa bintana nang hindi ako makita. That's my opportunity to escape. Nagmala-cat woman ako para makapunta sa isang half-opened window di kalayuan sa restroom na pinanggalingan ko. I saw a little girl playing her doll house surrounded by different superheroes. At dahil marunong naman ako rumespeto, kumatok ako sa glass window. Nakuha ko naman ang atensyon nya at agad syang lumapit sa bintana.

"Hey! Whatcha doin' there?" tanong nya. Inglesherang palaka.

I jumped off the window. My feet were now touching the ground of her pad. I removed my cap that exposed my wavy long hair. Then my face mask. "Are you alone?"

Umiling sya. "Nope. I'm with Black Widow, Wonderwoman, Cat woman, and Jean Grey."

Oh great. "Oh I see." I replied as I removed my janitress outfit. Buti nalang may panloob akong damit--just a sleeveless blouse and a jeans. Lagi akong handa no. Then tinapon ko yung hinubad ko sa labas ng bintana. Sakto namang na-shoot ito sa basurahan.

"Pano ka nakapunta dito? Are you one of them?" she asked. Tinutukoy nya ang nga superheroes na nilalaro nya. She looked innocent and curious. And oh, marunong pala sya magtagalog. Akala manonosebleed ako sa batang to.

I smirked. Yumuko ako para pantayan ang mukha nya. "My name is Jewelry Cordova. And nope. I'm not one of them. Because no one in this world exist like I do."

Umayos ako ng tayo at saka naglakad palabas ng condo unit nya. Nakita ko ang isang shades na nasa sofa. "Can I have this?"

"Sure. Pero sa kuya ko yan eh." sabi nya.

I just shrugged. "Sabihin mo nalang sa kuya mo hiningi ng isang taong nangangailangan. Wala namang masamang tumulong diba?"

"Okay." she agreed with a wide smile on her face.

Sinuot ko ito. This is cool. But before I leave the place, I gave her a one last look. "Wag mong sasabihing nakita mo ko ah. Superheroes didn't reveal their true identities, right? You're just lucky that you have met one. Kay?"

Lalong lumapad ang ngiti nya. "Kay."

I waved my hand as I stepped out. Nakita kong nagkalat ang mga pulis sa loob ng building paglabas ko. Nakakatawa ang mga itsura nila. May iilang tao din ang nagpapanic at may mga reporters din na nagkalat.

Sumabay ako sa paglabas ng iilang tao. Ngumisi ako sa isip ko. I just can't help it. Nagawa kong lumabas ng walang galos. Nagawa ko pang dumaan sa harap nila without being caught.

Dumiretso ako sa parking lot kung saan naghihintay ang isang black sports car. Napatingin ako sa kotseng katabi nito. It was the 'feeling' detective's car. Inilabas ko ang isang sticky note sa bag ko at saka dinikit sa tinted window ng kotse nya.

I grinned as I enter the car. Pinaharurot ko ito habang tinitingnan ang sticky note na nakadikit sa bintana ng kotse nya using the rear front view mirror. My grin grows wider as I read what it says--CATCH ME IF YOU DARE!

******

Author's Note:

Yeah. Prologue pa lang naman yan. Actually kahapon lang ko lang naisip to. Nainspired kasi ako sa Montello High eh. Parang gusto ko rin magpakaBADASS! Plus nakapanood pa ako ng action movie na babae ang bida. Kaya ayun, na-invade ang utak ko. Ang hirap labanan. Super excited ako sa story na to. Sana lang magampanan ko ng mabuti.

Sa totoo lang challenge to sakin dahil unang-una 'mabait' ako. Promise! Haha. Oo nga. I never speak bad words in person and I never cuss! Promise ulet. Siguro dito ko nalang ilalabas ang 'evil' side ko.

Nga pala, pagpasensyahan nyo na ang wrong grammar, wrong spelling, wrong english, at kung anu-ano pang mali na nakita, nakikita, at makikita nyo. Hindi naman kasi talaga ako ingleshera eh. And I'm not perfect. Pero practice makes perfect, right? Kaya dito na ako magpapractice kahit na mairita man kayo sa pagiging trying hard ko. At saka wala kasi akong editor. Sariling sikap lang to no.

Sana suportahan nyo to. Ibang iba sya sa on-going story ko na PAU. Inosente kasi ang bida dun tapos dito kabaliktaran. Sana kayanin kong mapagsabay sila kasi magkaiba talaga ang characters nila eh.

Salamat sa mga magbabasa nito. Comments are highly appreciated. Please. Please. Please.

Gracias!

*mirahpat*

Catch Me If You Dare!Место, где живут истории. Откройте их для себя