Chapter two

100 8 3
                                    

One shot lang talaga to mga bh3! Nilagyan ko lang ng chapter two. Kanya kanyang trip! HAHAHA!

Sige enjoy reading :) Vote kayo ! Salamat :* 

--------

Brianna's POV

Kapag minamalas ka nga naman talaga oh. Si alfred pa nakatapon sakin.

Pero ewan ko lang kung makilala ako nito.. 

"Nako ms. Sorry ah. H-hindi ko talaga sinasadya. Pasensya ka na" paumanhin niya sakin habang pinupunsan ang damit ko

"E bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo alfred ha!?" sigaw ko sakanya na agad niya namang ikinagulat. nagulat siguro siya dahil alam ko ang pangalan niya

"Ah ms. Pano mo po n-nalaman yung p-pangalan ko? M-magkakilala ba tayo?" nauutal na nagtataka niyang sabi

"Hindi mo ba ko nakikilala alfred? huh?" sabi ko ng naka smirk

"Sorry pero hindi. S-sino ka ba?" sabi niya

tumawa muna ako bago ko siya sagutin. Yung tawang nakakabwisit. yung tawang nang iinis.

"Ako lang naman si shei." sabi ko sakanya ng nakataas ang kilay.

nang sabihin ko sakanya kung sino ako, agad naman siyang nagulat. yung gulat na hindi siya makapaniwala.

pero nagulat ako nung mag smirk siya tapos biglang tumawa

Aba tinawanan pa ko ng lokong to

"HAHAHAHA! Shei? Pano mo naman nakilala si shei ms. Ang panget panget kaya nun! HAHAHA! Ms. wag mo na kong biruin, hindi mo naman ako maloloko e." sabi niya at patuloy na tumatawa

Seryoso akong nakatingin sakanya dahilan na para matahimik siya. 

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako alfred? Sa tingin mo ba niloloko kita? Matapos mo akong iwan 2 years ago! Ha! Pinipilit mo akong magbago! Sinabi mo sakin na pag hindi ako nag bago, hihiwalayan mo ako. Pero don't get me wrong ah, hindi ako nagbago para makipag balikan sayo! Nagbago ako dahil maghihiganti ako!" sigaw ko sakanya na agad niyang kinagulat. Nanlaki ang ang mga mata niya na halos lumuwa na iyon.

"O ano?! Nagulat ka ba?! Kumusta?! HINDI ka na ba pinagtatawanan ng mga kaibigan mo simula nung nawala ako ha alfred?! Hindi na ba!" sigaw ko pa sakanya

"T-teka. P-panong ikaw si shei? Ibang iba ka na shei ! wow!" sabi niyang manghang mangha

"Para malaman mo, hindi narin ako si shei ngayon. Ako na si Brianna Hamilton" diniinan ko yung pagkakasabi sakanya nung pangalan ko tapos nag walk out na ko pero nagulat ako nung bigla niyang hinatak ang braso ko at hinalikan niya ko.

Tinulak ko siya agad at bigla ko siyang sinampal ng malakas sa pisngi 

Nagiiskandalo pa kami dito sa MOA -,-

"Kung inaakala mong ako parin yung dating shei na mahina at hindi lumalaban? Nagkakamali ka! Tulad ng sabi ko sayo! Ako na si Brianna! Lumalaban nako ngayon alfred! Lumalaban!" sigaw ko sakanya at mag wawalk out na

Napatigil ako nang marealize kong gusto ko pa siyang sampalin

Bumalik ako sa kinatatayuan niya at Sinampal siya ng mas malakas sa ginawa ko kanina

Ramdam kong pinag titinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam

"Para saan nanaman yung sampal nayon?!" sabi niya sakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

{Short story} ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon