Chapter 10.1

1.4K 2 0
                                    


Habang nagu-usap si frank at kira sa rooftop ay biglang dumating ang daddy ni kira.

"S'ya ba ang boyfriend mo?" tanong nito kay kira habang pinagmamasdan si franck at mistulang kinikilatis itong mabuti mula ulo hanggang paa.

Dahil sa pagka-bigla ni franck sa biglaang pagdating ng daddy ni kira sa harap nila ay napayuko na lamang s'ya at tila kinahihiya ang sarili.

"Good Evening po, tito" nahihiyang pagbati ni franck.

Habang si kira naman ay nanatiling tahimik.

"Anong pangalan mo?" agad na tanong ng daddy ni kira.

"Franches--Franck po, Franck Cedeno" nauutal na tugon ni franck. Mistulang hindi alam ang isasagot na pangalan, kung pangbabae ba o panglalaki.

"Nice to meet you, franck" sabay yakap nito kay franck dahilan para maibsan ang kaba sa dibdib ni franck.

"S'ya pala ang boyfriend mo, kira. Bakit hindi mo man lang s'ya ipinakilala sa akin? Napaka-gandang bata n'ya. Talagang bagay kayo, boto ako sayo franck para sa anak ko" dugtong pa nito matapos bumitaw sa pagkakayakap.

"By the way, Happy 18th birthday, kira. Sana na-enjoy mo ang birthday mo" pahabol pa nito bago umalis sa harap nila.

Hindi naman naka-imik si kira at sa loob-loob n'ya ay sobrang galit ang nadarama para sa ama. Habang si franck naman ay labis ang tuwa dahil narinig nya mula sa ama ni kira na ito'y boto para sa kanya.

Ni-hindi nagalit o nainis dahil kapwa sila babae.

"Kira, narinig mo ba 'yun? boto sa 'akin si tito!" masayang pangungulit nito.

Samantalang isang plastik na ngiti naman ang ibinigay ni kira sa harap ni franck at agad na ding umalis.

(DNOMYAR POV. -Daddy ni kira)

Napaka-gandang bata naman pala ng karelasyon ng anak kong si kira. Mukhang masarap din s'ya.

Mas mabuti ba din na babae ang maka-relasyon ni kira nang sa ganoon ay hindi s'ya mabuntis. Dahil bawal s'yang magka-anak sa isang tao. Dahil kung magkataon, sa kanya mapuputol ang lahi namin.

Ganoong nasa wastong edad na s'ya, hindi parin n'ya alam ang lahat patungkol sa tunay n'yang pagkatao. Hindi pa n'ya dapat malaman, may tamang panahon para malaman n'ya. Isa pa, nais kong s'ya mismo ang maka-tuklas nito.

Ang masasabi ko lang sa ngayon,

"Hindi kami nararapat sa mundong 'to"

*****

To be continue...

Sex ReaderWhere stories live. Discover now