Chapter 7: G.A Anonymous Writer

597 7 2
                                    


  [FRANCHESCA's POV.]
Sobrang saya ko ngayong araw dahil pinatawad na ako ng mahal ko .
Naiinis parin ako sa sarili ko dahil pinaiyak ko sya , sinaktan ko sya .
Pero matapos ang lahat ay di nya parin ako matiis .
Mahal nga talaga ako ni kira .. Ang swerte ko sa kanya .
Promise ko sa sarili ko na tutuparin ko ang sinabi ko sa kanya . Gagawin ko yun para malaman nya kung gaano ko sya kamahal.
.
Andito ako ngayon sa clinic at nakahiga
Napansin kasi ni Mrs. Florano ang magang maga kong mata dahil sa kakaiyak kaya di na muna nya ko pinapasok sa klase.
Habang nasa Clinic ako ay napansin ko ang isang libro na sa ibabaw ng mesa sa bandang kaliwa ko.
Ano kayang libro yun ?
Kukunin ko na sana ang libro kaso may biglang pumasok sa Clinic at Kinuha yung libro .
"Nakalimutan ko" sabay taas nya ng libro .
"HEAVEN"
Yan ang nabasa kong title ng libro .
Matapos nyang itaas ay agad na syang lumabas ng clinic .
HEAVEN ... ayun yung librong binabasa ni Daddy ...
Hanggang ngayon ay di ko parin nababasa yun .
Marahan akong humiga sa kama at nag kumot .
"Anlakas ng aircon" bulong ko
Sobra kasi akong nilalamig ngayon na parang ewan .
Pipikit na sana ako nang may marinig akong malakas na pagaspas na di ko alam kung ano at saan .
Dahilan para mapatayo ako at sumilip sa pinto pero walang tao
"Saan yun ?" tanong ko sa sarili ko.
Lumipat naman ako sa kabilang bahagi ng Clinic at doon dumungaw sa bintana
Dahil sa ang likod ng cIinic ay isang malawak na garden .
"Drake?" bulong ko.
Mula sa bintana tanaw ko ang isang lalaki sa ibabaw ng pinaka mataas na puno sa garden at doon nakahiga sa mga sanga .
At mukhang si Drake yun .
Nakita ko rin ang tatlong ibon na kulay Yellow ,Blue at Red na nakatungtong rin sa sangang hinigaan ni Drake malapit sa paahan nya .
Sa mga oras na yun ay payapa ang lahat .
Napatalikod ako sa bintana .
Si drake yun sigurado ako..
Pero bakit sya nandun? Pano nya naakyat ang ganun kataas na puno ?
Dali dali akong naglakad mula sa pinto ng Clinic at nang hawakan ko na ang Doorknob biglang pumasok sakin ang pangako ko kay kira ..
"Lalayuan ko na si drake" bulong ko at muling tumalikod sa pinto at naglakad pabalik sa kama .
Di pa man ako nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto at mula doon ay nakita ko ang nag aalalang mukha ni drake
Pero pano? Ambilis nya namang nakababa mula sa puno ..
Muli akong dumungaw sa bintana at muling tinanaw ko ang puno.
Wala na doon ang lalaki kanina wala na dun si drake at wala na rin ang mga ibon .
Muli akong bumalik sa kama at umupo ..
Baka hindi sya yun .
"Kamusta ??" nagaalalang tanong sakin ni drake habang nakaluhod sa harap ko at ako naman ay nakaupo sa kama.
Pero di ko sya pinansin at agad na nahiga sa kama at muling nag talukbong ng kumot
Magagalit nanaman sakin si kira kapag kinausap ko sya .
Mula sa likod ko habang nakahiga ay ramdam ko na may yumakap sakin
"Malamig ba..yayakapin nalang kita" bulong nya sakin .
Kung dati ay hinahayaan ko lang syang gawin ang mga ganyang bagay ay ngayon hindi na.
Agad kong tinanggal ang mga kamay nya sa pagkakayakap sakin tsaka ako humarap sa kanya ng nakaupo at itinulak sya . Dahilan para mapatumba sya ng nakaupo .
At muli akong bumalio sa pagkakahiga habang nakakumot
Di ko sya pwedeng kausapin
Dapat ko na syang layuan para kay kira
"Sorry... Alam kong ako ang dahilan ng pagaaway nyo ni kira..." seryosong boses mula sa kanya
Di ako tumugon at nanatiling nakikinig mula sa loob ng kumot
"Pagaling ka prinsesa ko..." huling sambit nya at narinig kong sumara ang pinto .
Dahilan para lumabas ako sa loob ng kumot
Umalis na sya ..
Tama lang na sya na ang umiwas ..
Muli akong bumalik sa pagkakahiga at doon ko napansin ang kwintas na nakasabit sa leeg ko.
"Gold angel" ito yung bigay sakin ni Drake.
Habang hawak at pinagmamasdan ko yun ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako
.
[SHON's POV.]
"Until now di parin po nagpapakilala ang writer ng HEAVEN " yan ang report sakin ni Pia at agad na lumabas sa office ko.
.
G.A... Anonymous Writer ...
Kung sino man sya pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya ..
Napakaganda ng akda nya
Pakiramdam ko rin ay hindi sya katulad namin ...
Hindi sya tao
Yan ang mga gumugulo sa isip ko hanggang ngayon.
"HEAVEN .."
.
Agad akong lumabas ng office at naglakad papalabas ng kompanya .
Kasama bert ang isa sa mga driver ko ay sumakay kami ng sasakyan
"Main Book Store" ang tanging sambit ko at agad na pinaandar ni bert ang sasakyan .
Automatic ay alam nya na kaagad ang sinasabi ko .
Mabilis kaming nakarating doon at agad akong bumaba ng sasakyan
Nang lumakad ako lahat ng empleyado ko ay nakayukong humelera sa paligid bilang pagbibigay galang sakin at sabay sabay nilang bati sakin ng " Good morning , Sir"
Nginitian ko nalang sila bilang tugon at agad akong nag tungo sa Szetchie Office at bumungad si Ivony ang Manager ng Szetchie Book Store .
Naabutan ko syang may kahalikang lalaki.
Kumatok ako sa pinto para mapansin nila na may tao .
Ayus to ah oras ng trabaho..
Nakikipaghalikan at dito pa talaga
Nang makita nya ko ay agad nyang tinulak yung lalaking kahalikan nya
"Babe naman!" pagrereklamo nya
Pansin ko namang nginuso ako ni Ivony dahilan para mapatingin sakin yung lalaki
"so-rry sir" sabay karipas nya ng takbo papalabas.
"So-rry-po---sir" kinakabahang sambit ni ivony sa akin .
Nginitian ko lang sya at agad na umupo sa upuan nya habant sya naman ay umupo sa visitor's chair. At ngayon kaharap ko na sya .
"Ayusin mo sarili" sambit ko sabay nguso sa bonones nya na natanggak na .
kung di pa siguro ako dumating malamang....
"Sorry talaga sir" sabay yuko nya sakin
"K" sagot ko.
Kaya pala hindi na to nagrereport sakin .. Iba pala ang inaatupag .
Matagal kaming nag tinginan at parang wala parin sya sa sarili .
Hanggang sa tinaasan ko sya ng kilay dahilan para bumalik sya sa katinuan
"Report Sales , 98% po ang itinaas ng book marketing ng Szetchie Book Store kaysa dati na bagsak ang benta. Lumakas lang po ito simula noong na published ang soft
Copies ng "HEAVEN" book
as of now halos mauubusan na po tayo ng stuck dahil sa maraming bumibili " report sakin ni Ivony .
Nang marinig ko yun ay agad na akong lumabas sa office nya.
Nakasalubong ko naman sa labas yung lalaking kahalikan nya na agad namang nag tago .  



Sex ReaderWhere stories live. Discover now